Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwbr21 Nobyembre p. 1-10
  • Mga Reperensiya Para sa “Workbook sa Buhay at Ministeryo”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Reperensiya Para sa “Workbook sa Buhay at Ministeryo”
  • Mga Reperensiya Para sa Workbook sa Buhay at Ministeryo—2021
  • Subtitulo
  • NOBYEMBRE 1-7
  • NOBYEMBRE 8-14
  • NOBYEMBRE 15-21
  • NOBYEMBRE 22-28
  • NOBYEMBRE 29–DISYEMBRE 5
  • DISYEMBRE 6-12
  • DISYEMBRE 13-19
  • DISYEMBRE 20-26
  • DISYEMBRE 27–ENERO 2
Mga Reperensiya Para sa Workbook sa Buhay at Ministeryo—2021
mwbr21 Nobyembre p. 1-10

Mga Reperensiya Para sa Workbook sa Buhay at Ministeryo

NOBYEMBRE 1-7

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JOSUE 18-19

“Ang Matalinong Paraan ng Paghahati-hati ni Jehova sa Lupain”

it-1 894 ¶6

Hangganan

Lumilitaw kung gayon na ang pamamahagi ng lupain sa mga tribo ay batay sa dalawang salik: ang resulta ng palabunutan, at ang laki ng tribo. Maaaring ang itinalaga lamang ng palabunutan ay ang tinatayang lokasyon ng lupaing mana ng bawat tribo, sa gayon ay nag-aatas ng mana sa isang seksiyon o iba pang seksiyon ng lupain, halimbawa, kung iyon ay sa dakong H o T, S o K, sa kahabaan ng baybaying kapatagan, o sa bulubunduking pook. Ang pasiya ayon sa palabunutan ay nagmula kay Jehova at sa gayon ay maiiwasan ang paninibugho o awayan sa gitna ng mga tribo. (Kaw 16:33) Sa pamamagitan nito, mapapatnubayan din ng Diyos ang mga bagay-bagay upang ang lokasyon ng bawat tribo ay maging kasuwato ng kinasihang hula ng patriyarkang si Jacob nang mamamatay na ito na nakaulat sa Genesis 49:1-33.

it-2 272 ¶6

Mana

Mga manang lupain. Si Jehova ang nagbigay sa mga anak ni Israel ng kanilang mana, anupat binalangkas niya mismo kay Moises ang mga hangganan ng lupain. (Bil 34:1-12; Jos 1:4) Ang mga anak ni Gad, ang mga anak ni Ruben, at ang kalahati ng tribo ni Manases ay pinagkalooban ni Moises ng kanilang takdang bahagi sa teritoryo. (Bil 32:33; Jos 14:3) Sa utos nina Josue at Eleazar, tinanggap ng iba pang mga tribo ang kanilang mana sa pamamagitan ng palabunutan. (Jos 14:1, 2) Kasuwato ng hula ni Jacob sa Genesis 49:5, 7, hindi binigyan sina Simeon at Levi ng hiwalay na seksiyon ng teritoryo bilang mana. Ang teritoryo ng Simeon ay binubuo ng lupain (kasama ang mga nakapaloob na lunsod) sa loob ng teritoryo ng Juda (Jos 19:1-9), samantalang ang Levi naman ay pinagkalooban ng 48 lunsod sa buong teritoryo ng Israel. Yamang ang mga Levita ay inatasan sa pantanging paglilingkod sa santuwaryo, sinasabing si Jehova ang kanilang mana. Tumanggap sila ng ikapu bilang kanilang takdang bahagi o pinakamana bilang ganti sa kanilang paglilingkod. (Bil 18:20, 21; 35:6, 7) Ang mga pamilya ay binigyan ng mga atas sa loob ng teritoryo ng kanilang tribo. Habang dumarami ang mga pamilya at ipinamamana ang lupain sa mga anak, unti-unti itong nahahati sa mas maliliit na bahagi.

it-1 895 ¶1

Hangganan

Pagkatapos na maitalaga sa pamamagitan ng palabunutan ang magiging heograpikong lokasyon ng isang tribo, kailangan namang italaga ang lawak ng teritoryo nito salig sa ikalawang salik: ang laki ng tribo. “Paghahati-hatian ninyo ang lupain bilang pag-aari sa pamamagitan ng palabunutan ayon sa inyong mga pamilya. Ang marami ay daragdagan ninyo ng kaniyang mana, at ang kaunti ay babawasan ninyo ng kaniyang mana. Kung saan lumabas ang palabunot para sa kaniya, iyon ang magiging kaniya.” (Bil 33:54) Ang pasiya sa pamamagitan ng palabunutan may kinalaman sa pangunahing heograpikong lokasyon ay mananatili, ngunit maaaring gumawa ng mga pagbabago sa laki ng mana. Kaya naman nang matuklasan na ang teritoryo ng Juda ay napakalaki, ang sukat ng lupain nito ay binawasan sa pamamagitan ng pag-aatas ng ilang bahagi nito sa tribo ni Simeon.​—Jos 19:9.

Espirituwal na Hiyas

it-1 895 ¶4

Hangganan

Ipinakikita ng ulat ng paghahati ng teritoryo sa K ng Jordan na itinalaga muna ang mga palabunot para sa Juda (Jos 15:1-63), sa Jose (Efraim) (Jos 16:1-10), at sa kalahati ng tribo ni Manases na nasa K ng Jordan (Jos 17:1-13), anupat isa-isang binanggit ang kanilang mga hangganan at mga lunsod. Pagkatapos nito, lumilitaw na natigil ang paghahati-hati ng lupain, yamang ipinakikita na ang kampo ng Israel ay lumipat mula sa Gilgal patungo sa Shilo. (Jos 14:6; 18:1) Hindi binabanggit kung gaano kahaba ang panahong nasangkot, ngunit nang bandang huli ay sinawata ni Josue ang nalalabing pitong tribo dahil ipinagpaliban ng mga ito ang pamamayan sa nalalabing bahagi ng lupain. (Jos 18:2, 3) Iba’t ibang paliwanag ang ibinibigay may kinalaman sa sanhi ng saloobing ito ng pitong tribo, anupat ikinakatuwiran ng ilang komentarista na maaaring dahil sa saganang samsam na nakuha noong panahon ng pananakop at dahil wala namang gaanong panganib na sasalakay ang mga Canaanita, hindi nadama ng mga tribong ito na dapat nilang ariin nang apurahan ang nalalabing bahagi ng teritoryo. Ang pag-aatubili na makipagsagupaan sa maliliit na pangkat ng mga kaaway roon na matindi ang pagsalansang ay maaaring dahilan din ng kakuparang ito. (Jos 13:1-7) Gayundin, maaaring mas limitado ang kaalaman nila hinggil sa bahaging ito ng Lupang Pangako kaysa sa kaalaman nila sa mga seksiyong naitakda na.

NOBYEMBRE 8-14

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JOSUE 20-22

“Mga Aral Mula sa Isang Di-pagkakaunawaan”

w06 4/15 5 ¶3

Mahahalagang Salik sa Pakikipag-usap sa Iyong Asawa

Maiiwasan ang di-pagkakaunawaan at di-pagkakasundo kung may tapatang pag-uusap. Noong panahon ng mga Israelita, ang mga tribo nina Ruben, Gad, at ang kalahating tribo ni Manases na nanahanan sa silangan ng Ilog Jordan ay nagtayo ng “isang altar na lubhang kapansin-pansin” sa tabi ng Jordan. Binigyan ng masamang kahulugan ng ibang tribo ang kanilang ginawa. Yamang inakala nila na ang kanilang mga kapatid sa kabilang ibayo ng Jordan ay nakagawa ng apostasya, ang mga tribo sa kanluran ay naghandang makipagdigma laban sa mga “mapaghimagsik.” Subalit bago makipagdigma, nagsugo sila ng delegasyon upang makipag-usap sa mga tribo sa silangan. Isa ngang napakatalinong hakbang! Nalaman nila na ang altar ay hindi pala para sa ilegal na mga handog na sinusunog o mga hain. Sa halip, ang mga tribo sa silangan ay natakot na masabihan ng ibang tribo sa hinaharap: “Wala kayong bahagi kay Jehova.” Ang altar ang magiging saksi na sila rin ay mga mananamba ni Jehova. (Josue 22:10-29) Pinanganlan nila ang altar, malamang na dahil sa nagsilbi itong saksi sa pagitan nila na si Jehova ang tunay na Diyos.​—Josue 22:34.

w08 11/15 18 ¶5

“Itaguyod Natin ang mga Bagay na Nagdudulot ng Kapayapaan”

Baka naisip ng ilang Israelita na sapat na ang kanilang ebidensiya laban sa mga tribong iyon at na mas kakaunti ang mamamatay sa kanila kung biglaan ang gagawin nilang pagsalakay. Pero sa halip na magpadalus-dalos sa pagkilos, nagsugo ang mga tribo sa kanluran ng Jordan para ipakipag-usap ang problema sa kanilang mga kapatid. Nagtanong sila: “Ano itong gawang kawalang-katapatan na isinagawa ninyo laban sa Diyos ng Israel sa pagtalikod ngayon mula sa pagsunod kay Jehova?” Ang totoo, hindi naman gumawi nang di-tapat ang mga tribong nagtayo ng altar. Pero paano sila tumugon sa gayong paratang? Nagsalita ba sila ng masama o tumangging makipag-usap sa mga nagpaparatang sa kanila? Ang mga pinaratangang tribo ay sumagot nang mahinahon at ipinaliwanag na ang kanilang ginawa ay talagang udyok ng kagustuhan nilang paglingkuran si Jehova. Dahil dito, napanatili nila ang kanilang kaugnayan sa Diyos at naligtas ang buhay ng marami. Nalutas ang problema ng mahinahong pag-uusap at naisauli ang kapayapaan.​—Jos. 22:13-34.

Espirituwal na Hiyas

it-1 475 ¶2

Canaan

Bagaman napakarami sa mga Canaanita ang nakaligtas sa kalakhang bahagi ng pananakop at tumangging magpasupil, masasabi pa rin na “ibinigay ni Jehova sa Israel ang buong lupain na isinumpa niyang ibibigay sa kanilang mga ninuno,” na binigyan niya sila ng “kapahingahan sa buong palibot,” at na “walang isa mang pangako ang nabigo sa lahat ng mabuting pangako na binitiwan ni Jehova sa sambahayan ng Israel; ang lahat ay nagkatotoo.” (Jos 21:43-45) Sa buong palibot ng mga Israelita, ang mga kaaway na bayan ay pinanghinaan ng loob at hindi na naging malubhang banta sa kanilang katiwasayan. Sinabi ng Diyos noong una na “unti-unti” niyang palalayasin ang mga Canaanita upang hindi dumami ang mababangis na hayop kapag biglang natiwangwang ang lupain. (Exo 23:29, 30; Deu 7:22) Sa kabila ng mas mahuhusay na kasangkapang pandigma ng mga Canaanita, kasama na ang mga karong pandigma na may mga lingkaw na bakal, ang anumang pagkabigo ng mga Israelita nang dakong huli na makuha ang ilang lugar ay hindi maisisisi kay Jehova dahil sa anumang pagkabigo niya na tuparin ang kaniyang pangako. (Jos 17:16-18; Huk 4:13) Sa halip, ipinakikita ng ulat na ang iilang pagkatalo ng mga Israelita ay dahil sa kanilang kawalang-katapatan.​—Bil 14:44, 45; Jos 7:1-12.

NOBYEMBRE 15-21

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JOSUE 23-24

“Ang Huling Habilin ni Josue sa Bayan”

it-1 101

Alyansa

Iba naman ang situwasyon nang ang bansang Israel ay pumasok sa Canaan, ang Lupang Pangako. Ibinigay ng Soberanong Diyos sa Israel ang buong karapatan sa lupain bilang pagtupad sa kaniyang pangako sa kanilang mga ninuno. Samakatuwid, hindi sila pumasok doon bilang mga naninirahang dayuhan, at pinagbawalan sila ni Jehova na makipag-alyansa sa mga bansang pagano sa lupain. (Exo 23:31-33; 34:11-16) Dapat silang magpasakop tanging sa mga kautusan at mga batas ng Diyos, hindi sa mga batas ng mga bansa na nakatakda nang palayasin. (Lev 18:3, 4; 20:22-24) Partikular silang binabalaan na huwag makipag-alyansa sa gayong mga bansa ukol sa pag-aasawa. Ang gayong pakikipag-alyansa ay hahantong sa matalik na kaugnayan sa paganong mga asawa at gayundin sa paganong mga kamag-anak at magsasangkot sa kanila sa relihiyosong mga gawain at kaugalian ng mga iyon, na magbubunga ng apostasya at magiging silo sa kanila.​—Deu 7:2-4; Exo 34:16; Jos 23:12, 13.

w07 11/1 26 ¶19-20

Ang Salita ni Jehova ay Hindi Nabibigo

19 Tiyak na dahil sa mga bagay na nasaksihan natin mismo, masasabi natin: “Walang isa mang salita sa lahat ng mabubuting salita na sinalita sa inyo ni Jehova na inyong Diyos ang nabigo. Ang mga iyon ay nagkatotoong lahat para sa inyo. Walang isa mang salita sa mga iyon ang nabigo.” (Josue 23:14) Inililigtas, ipinagsasanggalang, at pinaglalaanan ni Jehova ang kaniyang mga lingkod. May masasabi ka bang anumang pangako ng Diyos na hindi natupad sa itinakda niyang panahon? Wala nga! Isang katalinuhan kung gayon na magtiwala tayo sa mapananaligang Salita ng Diyos.

20 Kumusta naman sa hinaharap? Sinabi sa atin ni Jehova na karamihan sa atin ay makaaasang mabuhay sa lupa na magiging isang napakagandang paraiso. Ang ilan naman sa atin ay may pag-asang mamahalang kasama ni Kristo sa langit. Anuman ang ating pag-asa, talagang may dahilan tayo para manatiling tapat gaya ni Josue. Darating ang panahon na magkakatotoo ang ating pag-asa. Sa panahong iyon, kapag nagbalik-tanaw tayo sa lahat ng mga ipinangako ni Jehova, masasabi rin natin: “Ang mga iyon ay nagkatotoong lahat.”

Espirituwal na Hiyas

w04 12/1 12 ¶1

Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Josue

24:2—Isa bang mananamba ng mga idolo ang ama ni Abraham na si Tera? Sa simula, si Tera ay hindi sumasamba sa Diyos na Jehova. Malamang na sinasamba niya noon ang diyos-buwan na nagngangalang Sin—isang popular na bathala sa Ur. Ayon sa mga kuwento ng mga Judio, si Tera ay maaari pa ngang dating isang tagagawa ng mga idolo. Ngunit nang lisanin ni Abraham ang Ur dahil sa utos ng Diyos, sumama sa kaniya si Tera patungo sa Haran.​—Genesis 11:31.

NOBYEMBRE 22-28

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | HUKOM 1-3

“Isang Lihim na Plano na Nangangailangan ng Lakas ng Loob”

w04 3/15 31 ¶3

Binali ni Ehud ang Pamatok ng Maniniil

Nagtagumpay ang mga plano ni Ehud, hindi dahil sa anumang kasanayang taglay niya, ni dahil sa anumang kawalang-kakayahan ng kaaway. Ang katuparan ng mga layunin ng Diyos ay hindi nakasalalay sa mga tao. Ang pangunahing dahilan ng tagumpay ni Ehud ay ang pagtataglay niya ng suporta ng Diyos yamang kumilos siya kasuwato ng Kaniyang di-mahahadlangang kalooban na palayain ang bayan Niya. Ibinangon ng Diyos si Ehud, “at nang magbangon si Jehova ng mga hukom para sa [kaniyang bayan], si Jehova ay sumahukom.”​—Hukom 2:18; 3:15.

w04 3/15 30 ¶1-3

Binali ni Ehud ang Pamatok ng Maniniil

Ang unang ginawa ni Ehud ay maghanda ng “isang tabak para sa kaniyang sarili”—isang tabak na may dalawang talim na sapat ang ikli upang maitago sa ilalim ng kaniyang damit. Maaaring inasahan niya na kakapkapan siya. Karaniwan nang isinusuksok ang mga tabak sa kaliwang panig ng katawan, kung saan mabilis itong mabubunot ng mga sanay gumamit ng kanang kamay. Palibhasa’y kaliwete, itinago ni Ehud ang kaniyang sandata “sa loob ng kaniyang kasuutan sa kaniyang kanang hita,” ang bahaging mas malamang na hindi kapkapan ng mga guwardiya ng hari. Dahil dito, “inihandog niya ang tributo kay Eglon na hari ng Moab” nang walang hadlang.​—Hukom 3:16, 17.

Hindi inilalaan ang mga detalye ng unang mga pangyayari sa palasyo ni Eglon. Basta sinasabi lamang ng Bibliya: “Nangyari nga na nang matapos . . . ihandog [ni Ehud] ang tributo ay kaagad niyang pinaalis ang mga tao, na mga tagapagdala ng tributo.” (Hukom 3:18) Inihandog ni Ehud ang tributo, sinamahan ang mga tagapagdala ng tributo sa isang ligtas na dako mula sa tirahan ni Eglon, at saka nagbalik pagkatapos silang paalisin. Bakit? Kasama ba niya ang mga taong iyon bilang proteksiyon, bilang pagsunod sa tuntunin ng pagkilos, o marahil ay bilang tagapagdala lamang ng tributo? At gusto ba niyang ilayo sila tungo sa ligtas na dako bago niya isagawa ang kaniyang plano? Anuman ang inisip niya, matapang na bumalik nang nag-iisa si Ehud.

“[Si Ehud] ay bumalik mula sa tibagan na nasa Gilgal, at sinabi niya: ‘Mayroon akong lihim na salita para sa iyo, O hari.’” Hindi ipinaliliwanag sa Kasulatan kung paano siya muling nakapasok para humarap kay Eglon. Hindi kaya naghinala ang mga guwardiya? Inisip kaya nila na hindi naman banta sa kanilang panginoon ang nag-iisang Israelita? Ang pagdating kaya ni Ehud nang nag-iisa ay lumikha ng impresyon na ipinagkakanulo niya ang kaniyang mga kababayan? Anuman ang dahilan, sinikap ni Ehud na makausap nang sarilinan ang hari, at nagawa niya ito.​—Hukom 3:19.

Espirituwal na Hiyas

w05 1/15 24 ¶7

Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng mga Hukom

2:10-12. Dapat tayong magkaroon ng regular na programa ng pag-aaral sa Bibliya upang ‘hindi malimutan ang lahat ng ginagawa ni Jehova.’ (Awit 103:2) Kailangang ikintal ng mga magulang ang katotohanan ng Salita ng Diyos sa puso ng kanilang mga anak.​—Deuteronomio 6:6-9.

NOBYEMBRE 29–DISYEMBRE 5

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | HUKOM 4-5

“Iniligtas ni Jehova ang Israel sa Tulong ng Dalawang Babae”

w15 8/1 12 ¶6

“Ako ay Bumangon Bilang Isang Ina sa Israel”

Sisera! Pangalan pa lang niya, kinatatakutan na sa Israel. Malupit ang relihiyon at kultura ng Canaan, na nagtatampok ng paghahain ng mga anak at prostitusyon sa templo. Ano kaya ang buhay sa ilalim ng panunupil ng isang heneral ng Canaan at ng mga hukbo nito? Sa awit ni Debora, ipinakikita na halos imposible ang paglalakbay sa lupain at wala nang nakatira sa mga nayon. (Hukom 5:6, 7) Isip-isipin ang mga taong nagtatago sa kakahuyan at mga burol, takót magsaka o tumira sa mga nayon na walang pader. Natatakot din silang maglakbay sa mga lansangan dahil baka sila salakayin, kunin ang kanilang mga anak, at halayin ang kanilang kababaihan.

w15 8/1 13 ¶1

“Ako ay Bumangon Bilang Isang Ina sa Israel”

Naghari ang sindak sa loob ng 20 taon, hanggang sa makita ni Jehova na handa nang magbago ang kaniyang bayan na matigas ang ulo o gaya ng sinabi sa awit nina Debora at Barak, “Hanggang sa ako, si Debora, ay bumangon, hanggang sa ako ay bumangon bilang isang ina sa Israel.” Hindi natin alam kung si Debora, na asawa ni Lapidot, ay literal ngang naging ina. Ang pananalitang ito ay nilayong maging makasagisag. Sa diwa, inatasan ni Jehova si Debora na maglaan ng proteksiyon sa bansa gaya ng isang ina. Inutusan siya ng Diyos na ipatawag si Hukom Barak, isang lalaking matibay ang pananampalataya, para sabihang lumaban ito kay Sisera.​—Hukom 4:3, 6, 7; 5:7.

w15 8/1 15 ¶1

“Ako ay Bumangon Bilang Isang Ina sa Israel”

Kailangang mag-isip agad si Jael. Inalok niya si Sisera ng isang lugar na mapagpapahingahan. Ipinag-utos ni Sisera na huwag sabihin kaninuman na naroroon siya. Kinumutan siya ni Jael nang mahiga ito, at nang humingi ito ng tubig, binigyan niya ito ng gatas. Di-nagtagal, mahimbing na nakatulog si Sisera. Pagkatapos ay kinuha ni Jael ang isang pares ng kagamitan sa bahay na bihasang ginagamit ng mga babaeng nakatira sa tolda—isang pantoldang tulos at pamukpok na kahoy. Nakaluhod at medyo nakayuko malapit sa ulo ni Sisera, kikilos siya ngayon bilang tagapuksa para kay Jehova. Isa ngang nakatatakot na atas! Kahit ang saglit na pag-aatubili ay maaaring mangahulugan ng kapahamakan. Iniisip ba niya ang bayan ng Diyos at kung paano sila pinagmalupitan ng lalaking ito sa loob ng mga dekada? O iniisip ba niya ang pribilehiyo na matatamo niya sa pagpanig kay Jehova? Walang sinasabi ang ulat. Alam natin na kumilos siya agad. Namatay si Sisera!—Hukom 4:18-21; 5:24-27.

Espirituwal na Hiyas

w05 1/15 25 ¶5

Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng mga Hukom

5:20—Paano nakipaglaban ang mga bituin mula sa langit alang-alang kay Barak? Hindi sinasabi ng Bibliya kung nangangahulugan ito ng pagtulong ng mga anghel, pag-ulan ng mga bulalakaw na binigyang-kahulugan ng marurunong na tao ni Sisera bilang masamang pangitain, o marahil ay hindi nagkatotoong mga hula kay Sisera na nakasalig sa astrolohiya. Gayunman, walang alinlangan na may ginawang pagtulong ang Diyos.

DISYEMBRE 6-12

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | HUKOM 6-7

“Gamitin Mo ang Lakas na Mayroon Ka”

w02 2/15 6

Makikinabang Ka sa Makadiyos na mga Simulain

Ang isang tao na may wastong saloobin hinggil sa kaniyang sarili at may mahusay na pagtaya sa kaniyang sariling halaga, ay si Gideon, isang hukom sa mga sinaunang Hebreo. Hindi niya hinangad na maging isang lider ng Israel. Gayunman, nang atasan siyang gampanan ang papel na iyon, itinawag-pansin ni Gideon ang kaniyang pagiging di-karapat-dapat. “Ang aking sanlibo ang pinakamababa sa Manases, at ako ang pinakamaliit sa sambahayan ng aking ama,” ang paliwanag niya.​—Hukom 6:12-16.

w05 7/15 16 ¶3

“Ang Tabak ni Jehova at ni Gideon!”

Kasindak-sindak ang mararanasan ngayon ng mga Midianita! Biglang nabasag ang katahimikan nang hampasin ang 300 banga, hipan ang 300 tambuli, at magsigawan ang 300 kawal. Palibhasa’y nagulantang, lalo na nang isigaw nila “ang tabak ni Jehova at ni Gideon!,” napasigaw na rin ang mga Midianita na lalong nagpalakas ng ingay. Dahil sa kalituhang ito, imposible na para sa kanila na makilala pa kung sino ang kakampi at kung sino ang kalaban. Ang 300 kawal ay nanatiling nakatayo sa kani-kanilang iniatas na puwesto habang pinangyayari ng Diyos na gamitin ng mga kaaway ang kanilang sariling mga tabak upang magpatayan sa isa’t isa. Nilupig ang kampo, hinarangan ang mga lugar na matatakasan, at patuloy na tinugis ang mga kaaway hanggang sa maubos ang mga ito anupat naalis na ang banta ng mga Midianita. Ang matagal at brutal na pananakop ay tuluyan nang nagwakas.​—Hukom 7:19-25; 8:10-12, 28.

Espirituwal na Hiyas

w05 1/15 26 ¶6

Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng mga Hukom

6:25-27. Naging maingat si Gideon upang hindi niya mapagalit ang mga sumasalansang sa kaniya. Kapag nangangaral ng mabuting balita, dapat tayong mag-ingat upang hindi masaktan ang damdamin ng iba sa paraan ng ating pagsasalita.

DISYEMBRE 13-19

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | HUKOM 8-9

“Mas Magandang Maging Mapagpakumbaba Kaysa Ma-pride”

w00 8/15 25 ¶3

Paano Mo Pinakikitunguhan ang mga Di-Pagkakaunawaan?

Tinawag ni Gideon, na lubhang sangkot sa pakikidigma laban sa Midian, ang tribo ni Efraim upang tumulong. Gayunman, nang matapos ang digmaan, ang Efraim ay bumaling kay Gideon at nagreklamong mainam na hindi niya ipinatawag sila sa pasimula ng labanan. Binabanggit ng ulat na “buong tindi silang nakipagtalo sa kaniya.” Bilang tugon ay sinabi ni Gideon: “Ano ba ang ginawa ko ngayon kung ihahambing sa inyo? Hindi ba ang mga paghihimalay sa Efraim ay mas mabuti kaysa sa pamimitas ng ubas sa Abiezer? Sa inyo ngang kamay ibinigay ng Diyos ang mga prinsipe ng Midian na si Oreb at si Zeeb, at ano na ang nagawa ko kung ihahambing sa inyo?” (Hukom 8:1-3) Sa pamamagitan ng kaniyang mahusay ang pagkakapili at mahinahong pananalita, naiwasan ni Gideon ang maaari sanang naging isang kapaha-pahamak na digmaan ng mga tribo. Yaong kabilang sa tribo ni Efraim ay maaaring may problema dahil sa pagpapaimportante-sa-sarili at pagmamataas. Gayunman, hindi iyan pumigil kay Gideon sa pagsisikap na magkaroon ng isang mapayapang resulta. Magagawa rin ba natin ang gayon?

w17.01 20 ¶15

Bakit Mahalaga Pa Rin ang Kahinhinan?

15 Si Gideon ay isang napakagandang halimbawa sa pagkilos nang may kahinhinan. Nang unang magpakita sa kaniya ang anghel ni Jehova, agad na sinabi ni Gideon na mababa ang pinagmulan niya. (Huk. 6:15) Nang tanggapin niya ang atas mula kay Jehova, tiniyak ni Gideon na nauunawaan niyang mabuti ang kailangan niyang gawin, at umasa siya sa patnubay ni Jehova. (Huk. 6:36-40) Matapang si Gideon, pero maingat siya at matalino. (Huk. 6:11, 27) Hindi niya ginamit ang atas niya para magpasikat. Sa halip, matapos niyang gampanan ang atas niya, agad siyang nagbalik sa dati niyang dako.​—Huk. 8:22, 23, 29.

w08 2/15 9 ¶9

Lumakad sa mga Daan ni Jehova

9 Upang maging mga kaibigan ng Diyos, dapat tayong maging “mapagpakumbaba sa pag-iisip.” (1 Ped. 3:8; Awit 138:6) Ipinakikita ng Hukom kabanata 9 ang kahalagahan ng kapakumbabaan. Ganito ang sinabi ng anak ni Gideon na si Jotam: “Noong unang panahon ay humayo ang mga punungkahoy upang pahiran ang isang hari sa kanila.” Binanggit niya ang punong olibo, puno ng igos, at punong ubas. Inilalarawan ng mga ito ang mga indibiduwal na bagaman karapat-dapat ay hindi naghangad na pamunuan ang kanilang kapuwa Israelita. Pero ang kambron—ginagamit lamang bilang panggatong—ang lumalarawan sa paghahari ng hambog na si Abimelec, isang mamamatay-tao na gustung-gustong mamuno sa iba. Siya ay “nag-astang prinsipe sa Israel nang tatlong taon,” subalit maaga siyang namatay. (Huk. 9:8-15, 22, 50-54) Talaga ngang kailangan na maging “mapagpakumbaba sa pag-iisip”!

Espirituwal na Hiyas

it-1 700 ¶3

Epod, I

Sa kabila ng mabubuting intensiyon ni Gideon na ipagunita ang tagumpay na ibinigay ni Jehova sa Israel at parangalan ang Diyos, ang epod ay “nagsilbing silo kay Gideon at sa kaniyang sambahayan,” dahil ang mga Israelita ay nagkasala ng espirituwal na imoralidad sa pamamagitan ng pagsamba rito. (Huk 8:27) Gayunman, hindi sinasabi ng Bibliya na si Gideon mismo ay sumamba rito; sa kabaligtaran, espesipiko siyang tinukoy ng apostol na si Pablo bilang isa sa ‘malaking ulap’ ng tapat na mga saksi ni Jehova bago ang panahong Kristiyano.​—Heb 11:32; 12:1.

DISYEMBRE 20-26

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | HUKOM 10-12

“Jepte—Isang Taong Espirituwal”

w16.04 7 ¶9

Sinasang-ayunan ng Diyos ang mga May Pananampalataya

9 Malamang na nakaimpluwensiya rin kay Jepte ang halimbawa ng mga tapat na gaya ni Jose, na nagpakita ng awa sa kaniyang mga kapatid—bagaman “sila ay nagsimulang mapoot sa kaniya.” (Gen. 37:4; 45:4, 5) Posibleng nakatulong kay Jepte ang pagbubulay-bulay sa gayong mga halimbawa para makakilos siya sa paraang nakalulugod kay Jehova. Tiyak na napakasakit ng ginawa ng mga kapatid ni Jepte sa kaniya, pero nagpatuloy siya sa paglilingkod kay Jehova at sa Kaniyang bayan. (Huk. 11:9) Mas mahalaga kay Jepte ang pagtatanggol sa pangalan ni Jehova kaysa sa personal na mga alitan. Determinado siyang panatilihin ang pananampalataya niya kay Jehova, para sa ikabubuti niya at ng iba.​—Heb. 11:32, 33.

it-1 1170 ¶4

Jepte

Si Jepte, isang taong agad kumikilos, ay hindi nag-aksaya ng panahon at karaka-rakang nagsagawa ng aktibong pangunguna. Nagpadala siya ng mensahe sa hari ng Ammon, anupat binabanggit na ang Ammon ang naunang sumalakay sa lupain ng Israel. Tumugon ang hari na iyon ay lupaing kinuha ng Israel mula sa Ammon. (Huk 11:12, 13) Dito ay ipinakita ni Jepte na hindi siya isang magaspang at walang-pinag-aralang mandirigma kundi isang estudyante ng kasaysayan at lalo na ng mga pakikitungo ng Diyos sa kaniyang bayan. Pinabulaanan niya ang argumento ng Ammonita, anupat ipinakita na (1) hindi niligalig ng Israel ang Ammon, Moab, o Edom (Huk 11:14-18; Deu 2:9, 19, 37; 2Cr 20:10, 11); (2) hindi pag-aari ng Ammon ang pinagtatalunang lupain noong panahong sakupin iyon ng mga Israelita, sapagkat iyon ay nasa mga kamay noon ng mga Canaanitang Amorita at ibinigay ng Diyos ang hari ng mga ito, si Sihon, at ang kaniyang lupain sa kamay ng Israel; (3) hindi tinutulan ng Ammon ang paninirahan ng Israel sa nakaraang 300 taon; samakatuwid, ano ang makatuwirang saligan upang gawin nila ito ngayon?​—Huk 11:19-27.

it-1 1170 ¶5

Jepte

Tinukoy ni Jepte ang pinakaugat ng bagay na ito nang ipakita niya na ang usapin ay nakasentro sa pagsamba. Ipinahayag niya na ibinigay ng Diyos na Jehova sa Israel ang lupain at na sa dahilang ito ay hindi nila ibibigay ang isang pulgada man nito sa mga mananamba ng isang huwad na diyos. Tinawag niyang diyos ng Ammon si Kemos. Inaakala ng ilan na ito ay isang pagkakamali. Ngunit, bagaman ang diyos ng Ammon ay si Milcom, at bagaman si Kemos ay isang diyos ng Moab, ang magkamag-anak na mga bansang iyon ay sumamba sa maraming diyos. May-kamalian pa ngang dinala ni Solomon sa Israel ang pagsamba kay Kemos dahil sa kaniyang mga asawang banyaga. (Huk 11:24; 1Ha 11:1, 7, 8, 33; 2Ha 23:13) Bukod diyan, ang “Kemos” ay maaaring mangahulugang “Manunupil, Manlulupig,” ayon sa ilang iskolar. (Tingnan ang Gesenius’s Hebrew and Chaldee Lexicon, isinalin ni S. Tregelles, 1901, p. 401.) Maaaring itinawag-pansin ni Jepte ang diyos na ito bilang siyang pinaniniwalaan ng mga Ammonita na ‘nanupil’ o ‘nanlupig’ sa iba at nagbigay sa kanila ng lupain.

Espirituwal na Hiyas

it-1 1169

Jepte

Jepte Isang Lehitimong Anak. Ang ina ni Jepte ay “isang babaing patutot,” ngunit hindi naman ito nangangahulugang si Jepte ay isinilang dahil sa pagpapatutot o isang anak sa ligaw. Ang kaniyang ina ay isang patutot noon bago ito napangasawa ni Gilead bilang pangalawahing asawa, gaya ni Rahab na dating isang patutot ngunit nang maglaon ay napangasawa ni Salmon. (Huk 11:1; Jos 2:1; Mat 1:5) Bilang katibayan na si Jepte ay hindi anak sa ligaw, ipinakikita ng ulat na pinalayas siya ng kaniyang mga kapatid sa ama mula sa pangunahing asawa ni Gilead upang hindi siya makabahagi sa mana. (Huk 11:2) Karagdagan pa, nang dakong huli ay si Jepte ang kinilalang lider ng mga lalaki ng Gilead (na sa mga ito ay waring pangunahin ang kaniyang mga kapatid sa ama). (Huk 11:11) Bukod diyan, naghandog siya ng hain sa Diyos sa tabernakulo. (Huk 11:30, 31) Hindi posible ang alinman sa mga bagay na ito para sa isang anak sa ligaw, sapagkat espesipikong sinabi ng Kautusan: “Walang anak sa ligaw ang makapapasok sa kongregasyon ni Jehova. Maging hanggang sa ikasampung salinlahi ay walang sinumang mula sa kaniya ang makapapasok sa kongregasyon ni Jehova.”​—Deu 23:2.

DISYEMBRE 27–ENERO 2

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | HUKOM 13-14

“Ang Matututuhan ng mga Magulang kay Manoa at sa Asawa Niya”

w13 8/15 16 ¶1

Mga Magulang—Sanayin ang Inyong mga Anak Mula sa Pagkasanggol

Pansinin ang karanasan ni Manoa, isang Danita na nakatira sa bayan ng Zora sa sinaunang Israel. Siya at ang kaniyang asawa ay hindi magkaanak, pero sinabi ng anghel ni Jehova sa asawa ni Manoa na magkakaroon sila ng isang anak na lalaki. (Huk. 13:2, 3) Siguradong tuwang-tuwa ang mag-asawa nang malaman ito. Pero may ikinababahala sila. Kaya nanalangin si Manoa: “Pagpaumanhinan mo ako, Jehova. Ang lalaki ng tunay na Diyos na kasusugo mo lamang, pakisuyo, paparituhin mo siyang muli sa amin at turuan niya kami kung ano ang dapat naming gawin sa bata na ipanganganak.” (Huk. 13:8) Nababahala ang mag-asawa kung paano nila palalakihin ang kanilang anak. Tiyak na itinuro nila sa kanilang anak na si Samson ang kautusan ng Diyos, at nagtagumpay naman ang kanilang pagsisikap. “Sa kalaunan ay pinasimulan [si Samson na] udyukan ng espiritu ni Jehova,” ang sabi ng Bibliya. Kaya nakagawa si Samson ng maraming makapangyarihang gawa bilang isa sa mga hukom sa Israel.​—Huk. 13:25; 14:5, 6; 15:14, 15.

w05 3/15 25

Nagtagumpay si Samson Dahil sa Lakas ni Jehova!

Habang lumalaki si Samson, “patuloy siyang pinagpala ni Jehova.” (Hukom 13:24) Isang araw, lumapit si Samson sa kaniyang ama at ina at nagsabi: “May isang babae na nakita ko sa Timnah mula sa mga anak ng mga Filisteo, at ngayon ay kunin ninyo siya para sa akin bilang asawa.” (Hukom 14:2) Gunigunihin ang kanilang pagkagulat. Sa halip na palayain ang Israel mula sa kamay ng mga maniniil, nais ng kanilang anak na makipag-alyansa sa mga ito ukol sa pag-aasawa. Ang pakikipag-asawa sa mga mananamba ng paganong mga diyos ay labag sa Kautusan ng Diyos. (Exodo 34:11-16) Kaya naman, tumutol ang mga magulang: “Wala bang babae sa gitna ng mga anak na babae ng iyong mga kapatid at sa gitna ng aking buong bayan, kung kaya yayaon ka upang kumuha ng asawa mula sa mga di-tuling Filisteo?” Gayunpaman, iginiit ni Samson: “Siya lamang ang kunin mo para sa akin, sapagkat siya lamang ang marapat sa aking paningin.”​—Hukom 14:3.

Espirituwal na Hiyas

w05 3/15 26 ¶1

Nagtagumpay si Samson Dahil sa Lakas ni Jehova!

Sa anong paraan “marapat” kay Samson ang partikular na babaing Filisteo na ito? Hindi ito sa diwa na siya ay “maganda, kahali-halina, kaakit-akit,” ang sabi ng McClintock and Strong’s Cyclopedia, “kundi marapat may kaugnayan sa isang intensiyon, layunin, o tunguhin.” May kaugnayan sa anong intensiyon? Ipinaliwanag ng Hukom 14:4 na “naghahanap [si Samson] ng pagkakataon laban sa mga Filisteo.” Interesado si Samson sa babae para sa layuning iyon. Habang lumalaki si Samson tungo sa pagiging adulto, “pinasimulan siyang udyukan [o pakilusin] ng espiritu ni Jehova.” (Hukom 13:25) Kaya ang espiritu ni Jehova ang nag-udyok kay Samson na gawin ang kakaibang kahilingang ito ukol sa isang asawa gayundin sa kaniyang buong karera bilang hukom ng Israel. Nakuha kaya ni Samson ang pagkakataong hinahanap niya? Tingnan muna natin kung paano tiniyak ni Jehova na sinusuportahan niya si Samson.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share