AGOSTO 11-17
KAWIKAAN 26
Awit Blg. 88 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Lumayo sa mga “Mangmang”
(10 min.)
Madalas na hindi tumatanggap ng karangalan ang mga “mangmang” (Kaw 26:1; it-2 1365 ¶3)
Madalas na kailangan ng mga “mangmang” ang matinding disiplina (Kaw 26:3; w87 10/1 19 ¶12)
Hindi maaasahan ang mga “mangmang” (Kaw 26:6; it-2 917 ¶3)
IBIG SABIHIN: Sa Bibliya, ang terminong “mangmang” ay tumutukoy sa taong di-makatuwiran at hindi sumusunod sa matuwid na mga pamantayan ng Diyos.
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Kaw 26:4, 5—Bakit masasabing hindi magkasalungat ang dalawang tekstong ito? (it-2 289 ¶5)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Kaw 26:1-20 (th aralin 5)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) BAHAY-BAHAY. Magsimula ng pakikipag-usap gamit ang isang tract. (lmd aralin 1: #5)
5. Pagdalaw-Muli
(4 min.) BAHAY-BAHAY. Ipagpatuloy ang pag-uusap ninyo sa tract na iniwan mo noong una kayong nag-usap. (lmd aralin 7: #4)
6. Paggawa ng mga Alagad
(5 min.) Tulungan ang Bible study mo na maghanda sa pagpapatotoo sa isang kamag-anak. (lmd aralin 11: #5)
Awit Blg. 94
7. Personal Study—‘Nagpaparunong Para Maligtas’ Ka
(15 min.) Pagtalakay.
Ipinaalala ni apostol Pablo kay Timoteo na napakahalaga ng mga natutuhan niya sa banal na mga kasulatan mula pa noong sanggol siya. Nakatulong ang mga ito kay Timoteo na maging ‘marunong para maligtas.’ (2Ti 3:15) Napakahalaga ng mga katotohanan sa Bibliya, kaya dapat maglaan ng panahon ang bawat Kristiyano para basahin at pag-aralan ito. Pero paano kung hindi tayo nag-e-enjoy sa pag-aaral?
Basahin ang 1 Pedro 2:2. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Posible ba nating ma-enjoy ang pag-aaral ng Bibliya?
Ano ang puwede nating gawin para ‘magkaroon ng pananabik’ sa Salita ng Diyos?—w18.03 29 ¶6
Paano makakatulong sa atin ang mga electronic tool na inilaan ng organisasyon para matuto pa nang higit kapag nagbabasa at nag-aaral ng Bibliya?
I-play ang VIDEO na Mga Nagawa ng Organisasyon—Mga Tip sa Paggamit ng JW Library. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Paano nakatulong sa iyo ang JW Library®?
Anong mga feature nito ang nagustuhan mong gamitin?
Anong mga feature nito ang gusto mong matutuhang gamitin?
8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) lfb aral 8-9