AGOSTO 18-24
KAWIKAAN 27
Awit Blg. 102 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Kung Paano Tayo Matutulungan ng mga Tunay na Kaibigan
(10 min.)
Lakas-loob na nagbibigay ng kinakailangang payo ang mga tunay na kaibigan (Kaw 27:5, 6; w19.09 5 ¶12)
Posibleng mas nasa kalagayan silang tumulong sa atin kaysa sa mga kamag-anak natin (Kaw 27:10; it-1 1443 ¶2)
Mabubuting impluwensiya sila sa atin (Kaw 27:17; w23.09 10 ¶7)
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Kaw 27:21—Paano tayo nasusubok kapag pinupuri tayo? (w06 9/15 19 ¶11)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Kaw 27:1-17 (th aralin 5)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) BAHAY-BAHAY. Hindi Kristiyano ang kausap mo. (lmd aralin 6: #5)
5. Pagdalaw-Muli
(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Ipakita at talakayin (pero huwag i-play) ang isang video mula sa Toolbox sa Pagtuturo. (lmd aralin 8: #3)
6. Pahayag
(5 min.) ijwyp artikulo 75—Tema: Ano ang Gagawin Ko Kapag Nasaktan Ako ng Kaibigan Ko? (th aralin 14)
Awit Blg. 109
7. “Isang Kapatid na Maaasahan Kapag May Problema”
(15 min.) Pagtalakay.
Bahagi tayo ng pamilya ni Jehova sa buong mundo. Dito, makakahanap tayo ng mapagmahal na mga kaibigan. Baka palakaibigan tayo sa mga kakongregasyon natin, pero ilan ba talaga sa kanila ang malalapít nating kaibigan? Nagiging matibay ang isang pagkakaibigan kung kilalang-kilala nila ang isa’t isa, may tiwala sila sa isa’t isa, at nasasabi nila sa isa’t isa ang iniisip at nararamdaman nila. Lagi din silang magkasama at nagtutulungan. Kaya kailangan ng pagsisikap at panahon para magkaroon ng malapít na kaibigan.
Basahin ang Kawikaan 17:17. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Bakit ngayon pa lang, katalinuhan nang magkaroon ng malalapít na kaibigan bago magsimula ang malaking kapighatian?
Basahin ang 2 Corinto 6:12, 13. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Paano makakatulong ang tekstong ito para magkaroon tayo ng mga kaibigan?
I-play ang VIDEO na “May Takdang Panahon Para sa Lahat ng Bagay”—Kailangan ng Panahon sa Pakikipagkaibigan. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Ano ang natutuhan mo sa video tungkol sa pagkakaibigan?
Puwedeng masimulan ang isang pagkakaibigan sa pamamagitan ng simpleng pagngiti o pagbati. Pagkatapos, mapapatibay mo ito kung magpapakita ka ng personal na interes. Maging matiyaga at hayaang tumibay ang pagkakaibigan habang naglalaan kayo ng panahon sa isa’t isa. Ang resulta, magiging magkaibigan kayo magpakailanman.
8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) lfb aral 10-11