Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb25 Hulyo p. 14-15
  • Agosto 25-31

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Agosto 25-31
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—2025
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—2025
mwb25 Hulyo p. 14-15

AGOSTO 25-31

KAWIKAAN 28

Awit Blg. 150 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. Pagkakaiba ng Masama at Matuwid na Tao

(10 min.)

Takot ang masama; matapang ang matuwid (Kaw 28:1; w93 5/15 26 ¶2)

Hindi nakakapag-isip nang tama ang masama; nakakagawa ng tamang desisyon ang matuwid (Kaw 28:5; it-2 1374 ¶3)

Walang halaga ang masama kahit mayaman siya; mahalaga ang matuwid kahit mahirap siya (Kaw 28:6; it-2 36 ¶2)

Brother na nakaupo sa sahig ng selda ng bilangguan habang nakatingin sa itaas at nananalangin.

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Kaw 28:14—Ano ang babala sa tekstong ito? (w01 12/1 12 ¶1)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

(4 min.) Kaw 28:1-17 (th aralin 10)

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) BAHAY-BAHAY. Sabihin sa kausap mo kung paano matatapos ang digmaan at karahasan. (lmd aralin 5: #5)

5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) BAHAY-BAHAY. Sabihin sa kausap mo kung paano matatapos ang digmaan at karahasan. (lmd aralin 5: #4)

6. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(2 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. Sabihin sa kausap mo kung paano matatapos ang digmaan at karahasan. (lmd aralin 1: #4)

7. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Sabihin sa kausap mo kung paano matatapos ang digmaan at karahasan. (lmd aralin 2: #4)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 112

8. Napopoot Ka Ba sa Karahasan?

(6 min.) Pagtalakay.

Batang lalaki na tutok na tutok sa paglalaro ng video game.

Nagsimula ang karahasan kay Satanas na Diyablo, na tinawag ni Jesus na “mamamatay-tao.” (Ju 8:44) Matapos sumama ng ilang anghel sa pagrerebelde ni Satanas, lumaganap ang karahasan sa lupa at naging napakasama nito sa paningin ng Diyos. (Gen 6:11) Habang papalapít na tayo sa katapusan ng marahas na mundong ito ni Satanas, nagiging mas malupit at walang pagpipigil sa sarili ang maraming tao.—2Ti 3:1, 3.

Basahin ang Awit 11:5. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Ano ang nararamdaman ni Jehova sa mga taong mahilig sa karahasan? Bakit ganito ang nararamdaman niya?

  • Paano makikita sa mga sport at libangan sa ngayon na mahilig ang mga tao sa karahasan?

Basahin ang Kawikaan 22:24, 25. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Paano nakakaapekto sa pananaw natin tungkol sa karahasan ang mga taong nakakasama natin at ang mga pinipili nating libangan?

  • Paano makikita sa pinipili nating libangan na mahilig tayo sa karahasan?

9. Espesyal na Kampanya sa Setyembre

(9 min.)

Pahayag ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Pasiglahin ang lahat na makibahagi sa kampanya, at banggitin ang mga kaayusan ng kongregasyon.

I-play ang VIDEO na Kapayapaang Hindi Magwawakas (Awit Para sa 2022 Kombensiyon).

10. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

(30 min.) lfb aral 12-13

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 113 at Panalangin

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share