SETYEMBRE 15-21
KAWIKAAN 31
Awit Blg. 135 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Mga Aral Mula sa Maibiging Payo ng Isang Ina
(10 min.)
Ituro sa mga anak ang pananaw ni Jehova tungkol sa sex at pag-aasawa (Kaw 31:3, 10; w11 2/1 19 ¶7-8)
Ituro sa mga anak na tularan ang pananaw ni Jehova tungkol sa alak (Kaw 31:4-6; ijwhf artikulo 4 ¶11-13)
Ituro sa mga anak na tularan ang pagtulong ni Jehova sa mga tao (Kaw 31:8, 9; g17.6 9 ¶5)
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Kaw 31:10-31—Ano ang nakatulong sa mga Israelita na makabisado ang mga talata mula sa Hebreong Kasulatan? (w92 11/1 11 ¶7-8)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Kaw 31:10-31 (th aralin 10)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Magpasimula ng pakikipag-usap sa isang tao na nagsabi o gumawa ng mabuti. (lmd aralin 5: #3)
5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(4 min.) BAHAY-BAHAY. Ipakipag-usap ang isang paksa mula sa “Mga Katotohanang Gustong-gusto Nating Ituro” na nasa apendise A ng brosyur na Mahalin ang mga Tao. (lmd aralin 1: #4)
6. Pagdalaw-Muli
(5 min.) BAHAY-BAHAY. Imbitahan sa espesyal na pahayag ang isang taong tumanggap ng Bantayan Blg. 1 2025. (lmd aralin 7: #4)
Awit Blg. 121
7. Tulungan ang Anak Mo na Gumamit ng Gadyet sa Matalinong Paraan
(8 min.) Pagtalakay.
Madalas na madali lang para sa mga bata na matutuhan ang paggamit ng mga gadyet. Napansin mo rin ba iyan? Baka hindi mo na nga sila kailangang turuan kung paano gagamitin ang mga gadyet, pero kailangan mo silang turuan kung paano ito gagamitin sa matalinong paraan. Kung isa kang magulang, paano mo matutulungan ang anak mo na magawa iyan?
I-play ang VIDEO na Gamitin sa Pinakamabuting Paraan ang Oras. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Bakit mahalagang magtakda tayo ng limitasyon sa paggamit ng mga gadyet?
Ano pang ibang bagay ang dapat nating paglaanan ng oras?
Kapag nagtatakda ng mga patakaran para sa pamilya mo, ibase ito sa mga prinsipyo sa Bibliya, hindi sa ginagawa ng ibang mga magulang. (Gal 6:5) Puwede mong itanong sa sarili:
Ipinapakita ba ng anak ko na kaya niyang kontrolin ang sarili niya kapag ipinapagamit ko sa kaniya ang gadyet ko? Puwede na ba siyang magkaroon ng sariling gadyet?—1Co 9:25
Hindi ko na ba siya kailangang bantayan kapag gumagamit siya ng gadyet?—Kaw 18:1
Anong mga app at website ang puwede kong ipagamit sa anak ko at alin ang hindi?—Efe 5:3-5; Fil 4:8, 9
Gaano karaming oras ko siya papayagang gumamit ng gadyet para may panahon pa rin siya sa mas mahahalagang gawain?—Ec 3:1
8. Lokal na Pangangailangan
(7 min.)
9. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) lfb aral 18-19