NOBYEMBRE 10-16
AWIT NI SOLOMON 3-5
Awit Blg. 31 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Mas Mahalaga ang Panloob na Pagkatao
(10 min.)
Makikita sa pananalita ng Shulamita ang panloob na pagkatao niya (Sol 4:3, 11; w15 1/15 30 ¶8)
Inihalintulad ang kalinisan niya sa moral sa isang nakakandado at magandang hardin (Sol 4:12; w00 11/1 11 ¶17)
Mas mahalaga ang panloob na pagkatao kaysa sa pisikal na hitsura, at lahat ay puwedeng magkaroon nito (g04 12/22 9 ¶2-5)
TANUNGIN ANG SARILI, ‘Anong mga katangian ng mga kapatid ang pinapahalagahan ko?’
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Sol 3:5—Bakit ang “mga anak na babae ng Jerusalem” ay pinasumpa “sa harap ng mga gasela at babaeng usa sa parang”? (w06 11/15 18 ¶4)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Sol 4:1-16 (th aralin 2)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) BAHAY-BAHAY. Direktang mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 6: #4)
5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Ipakita sa kausap mo kung paano maghahanap sa jw.org ng impormasyon sa wika niya. (lmd aralin 4: #3)
6. Pahayag
(5 min.) ijwbq artikulo 131—Tema: Ano ang Sinasabi ng Bibliya Hinggil sa Paglalagay ng Makeup at Pagsusuot ng Alahas? (th aralin 1)
Awit Blg. 36
7. Mag-asawa, ‘Pero Dapat na Tagasunod ng Panginoon’ (Gen 28:2)
(8 min.)
8. Magiging Mabuti Kaya Akong Asawa?
(7 min.) Pagtalakay.
Naghahanap ka ba ng mapapangasawa? Kapag inobserbahan ka ng isang Kristiyanong gustong mag-asawa, makikita ba nila sa iyo na mature ka sa espirituwal? Totoo, puwedeng magmukhang nakapokus sa espirituwal ang isa. Pero makikita sa iba’t ibang sitwasyon ang panloob na pagkatao ng isa.
Makikita sa ibaba ang mga katangian ng mga taong mature sa espirituwal. Maglagay ng katumbas na teksto.
Pag-ibig at pagtitiwala kay Jehova
Kayang manguna o kayang magpasakop
Hindi makasarili at mapagsakripisyo
Mahusay gumawa ng desisyon, balanse, at makatuwiran
Masipag
9. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) lfb aral 34-35