Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwb25 Nobyembre p. 6-7
  • Nobyembre 17-23

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nobyembre 17-23
  • Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—2025
Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—2025
mwb25 Nobyembre p. 6-7

NOBYEMBRE 17-23

AWIT NI SOLOMON 6-8

Awit Blg. 34 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. Manatiling Malinis sa Moral

(10 min.)

Gusto ng mga kapatid na lalaki ng Shulamita na manatili siyang malinis sa moral (Sol 8:8, 9; it “Awit ni Solomon, Ang” ¶11)

Naging panatag siya kasi nalabanan niya ang mga tukso (Sol 8:10; yp 188 ¶2)

Isa siyang magandang halimbawa para sa mga kabataan (yp2 33)

Tatlong lalaking Israelita na nakahawak ang mga kamay sa mga bisig nila habang nasa harap ng batong pader.

TANUNGIN ANG SARILI, ‘Paano ko matutulungan ang mga kakongregasyon ko na single na malabanan ang tuksong gumawa ng imoralidad?’

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Sol 8:6—Bakit tinawag na “liyab ni Jah” ang tunay na pag-ibig? (w15 1/15 29 ¶3)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

(4 min.) Sol 7:1-13 (th aralin 12)

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(2 min.) BAHAY-BAHAY. Magsimula ng pakikipag-usap gamit ang jw.org contact card. (lmd aralin 4: #4)

5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(2 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. Magsimula ng pakikipag-usap sa isang lugar ng negosyo gamit ang isang tract. (lmd aralin 1: #4)

6. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(2 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Magsimula sa isang kumustahan pero matatapos ang pag-uusap nang hindi ka nakapangaral. (lmd aralin 2: #4)

7. Ipaliwanag ang Paniniwala Mo

(5 min.) Pagtatanghal. ijwfq artikulo 43—Tema: May Sariling Tuntunin Ba ang mga Saksi ni Jehova Pagdating sa Pakikipag-date? (th aralin 7)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 121

8. Tumakas Mula sa Seksuwal na Imoralidad

(15 min.) Pagtalakay.

Sa Awit ni Solomon, inaya ng pastol ang Shulamita na maglakad-lakad sila sa isang romantikong lugar. (Sol 2:10-14) Posibleng malinis naman ang intensiyon niya. Pero para matanggihan ng Shulamita ang imbitasyong ito, may ipinagawa sa kaniya ang mga kapatid niyang lalaki. (Sol 2:15) Alam kasi ng mga kapatid niya na puwedeng mauwi sa tukso kapag silang dalawa lang ang magkasama sa isang romantikong lugar.

Pinapayuhan ng Bibliya ang mga Kristiyano na ‘tumakas mula sa seksuwal na imoralidad.’ (1Co 6:18) Dapat nating iwasan ang anumang gawain na puwedeng mauwi sa kasalanan. Sinabi ng manunulat ng Awit ni Solomon: “Nakikita ng matalino ang panganib at nagtatago, pero tulóy lang ang mga walang karanasan at pinagdurusahan ang epekto nito.”—Kaw 22:3.

I-play ang VIDEO na ‘Batid ng Diyos ang mga Lihim ng Puso.’ Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Ano ang mga natutuhan mo sa video?

    Eksena mula sa video na “Batid ng Diyos ang mga Lihim ng Puso.” Nakatanggap ng text ang brother habang nasa pulong.
    Eksena mula sa video na “Batid ng Diyos ang mga Lihim ng Puso.” Magkatabing nakaupo ang brother at isang babae sa school. Hinawakan ng babae ang kamay ng brother.
    Eksena mula sa video na “Batid ng Diyos ang mga Lihim ng Puso.” Kausap ng brother ang mga magulang niya habang nasa mesa.

9. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

(30 min.) lfb aral 36-37

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 51 at Panalangin

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share