PEBRERO 16-22
ISAIAS 36-37
Awit Blg. 150 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. “Huwag Kang Matakot Dahil sa mga Salitang Narinig Mo”
(10 min.)
Nagpunta ang Rabsases sa Jerusalem para takutin ang bayan ni Jehova (Isa 36:1, 2; it “Hezekias” Blg. 1 ¶14)
Gusto niyang manghina sila at mawalan ng pag-asa (Isa 36:8; ip-1 386 ¶10)
Tinuya niya sila dahil sa pagtitiwala kay Jehova at sa mga nangunguna sa bayan Niya (Isa 36:7, 18-20; ip-1 388 ¶13-14)
Hindi dapat matakot ang mga lingkod ni Jehova sa mga nananakot sa kanila.—Isa 37:6, 7
PARA SA PAMPAMILYANG PAGSAMBA: Panoorin ang VIDEO na “O Jehova, . . . sa Iyo Ako Naglalagak ng Aking Tiwala,” at pag-usapan ang mga aral dito.
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Isa 37:29—Sa paanong paraan nilagyan ni Jehova ng renda ang pagitan ng mga labi ni Haring Senakerib? (it “Renda” ¶5)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Isa 37:14-23 (th aralin 2)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) BAHAY-BAHAY. Ipakipag-usap ang isang katotohanan mula sa apendise A ng brosyur na Mahalin ang mga Tao. (lmd aralin 1: #4)
5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. (lmd aralin 3: #5)
6. Ipaliwanag ang Paniniwala Mo
(5 min.) Pagtatanghal. ijwbq artikulo 110 ¶1-4—Tema: Ano ang Bautismo? (th aralin 17)
Awit Blg. 118
7. “Kanino Ka Ba Umaasa?”
(15 min.) Pagtalakay.
Kinuwestiyon o pinagtawanan na ba ng iba ang paniniwala mo sa Diyos, ang paniniwala mo sa Bibliya, o ang desisyon mong maging Saksi ni Jehova? Baka dahil diyan, natakot ka. Puwede ka ring magduda sa mga paniniwala mo dahil sa sinasabi ng iba. Ano ang puwede mong gawin para hindi iyan mangyari sa iyo?
Basahin ang Isaias 36:4, 5. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Bakit mahalagang maging mas kumbinsido ka sa mga pinaniniwalaan mo?
I-play ang VIDEO na Buhay ng Teenager—Tama Bang Maniwala na May Diyos? Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Ano ang ginawa nina Elibaldo at Crystal para maging mas kumbinsido sila sa pinaniniwalaan nila?
Ano ang nakakumbinsi sa iyo na may Diyos?
Anong mga teksto sa Bibliya ang nakakumbinsi sa iyo na . . .
mahal ka ni Jehova?
lagi kang tutulungan ni Jehova?
nahanap mo na ang bayan ng Diyos?
8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) lfb aral 62-63