PEBRERO 23–MARSO 1
ISAIAS 38-40
Awit Blg. 4 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
Karga-karga ng isang pastol sa sinaunang Israel ang isang batang tupa
1. “Gaya ng Isang Pastol, Aalagaan Niya ang Kawan Niya”
(10 min.)
Inilaan at iningatan ni Jehova ang Salita niya, ang Bibliya, para mapalapít tayo sa kaniya (Isa 40:8; w23.02 2-3 ¶3-4)
Mahal at inaalagaan niya tayo (Isa 40:11; cl 82 ¶7)
Kilala niya ang bawat isa sa atin, at tinutulungan niya tayong makayanan ang mga problema natin (Isa 40:26-29; w18.01 8 ¶4-6)
PARA SA PAGBUBULAY-BULAY: Paano nakatulong ang paglalarawan kay Jehova bilang pastol sa Isaias 40:11 para lumalim ang pag-ibig mo sa kaniya?
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Isa 40:3—Paano natupad noong unang siglo C.E. ang pananalitang ito? (ip-1 400 ¶7)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Isa 40:21-31 (th aralin 11)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(2 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Humanap ng pagkakataong masabi sa isang tao ang natutuhan mo sa nakaraang pulong. (lmd aralin 4: #3)
5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(2 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Humanap ng paraan para sabihin sa kausap mo ang ginagawa mo para turuan ang iba tungkol sa Bibliya. (lmd aralin 4: #4)
6. Pakikipag-usap Muli
(2 min.) BAHAY-BAHAY. (lmd aralin 7: #5)
7. Paggawa ng mga Alagad
(5 min.) lff aralin 18: Sumaryo, Ano ang Natutuhan Mo?, at Subukan Ito. Gumamit ng isang artikulo mula sa seksiyong “Tingnan Din” para tulungan ang inaaralan mo sa Bibliya na mapahalagahan ang pag-ibig na ipinapakita ng mga Saksi ni Jehova sa isa’t isa. (lmd aralin 11: #3)
Awit Blg. 160
8. Taunang Ulat ng Paglilingkod
(15 min.) Pagtalakay.
Matapos basahin ang patalastas tungkol sa taunang ulat ng paglilingkod mula sa tanggapang pansangay, anyayahan ang mga tagapakinig na magkomento kung paano sila napatibay ng mga impormasyong nasa 2025 Ulat sa Taon ng Paglilingkod ng mga Saksi ni Jehova sa Buong Daigdig. Interbyuhin ang mga napiling mamamahayag na may nakakapagpatibay na karanasan sa ministeryo nitong nakaraang taon.
Based on NASA/Visible Earth imagery
Noong 2025, masipag na nagbahay-bahay at nagturo ng Bibliya ang mga lingkod ni Jehova
Ano ang nagustuhan mo sa 2025 Ulat sa Taon ng Paglilingkod?
9. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) lfb aral 64-65