Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mrt artikulo 29
  • Kung Paano Mababawasan ang Pag-aalala

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Mababawasan ang Pag-aalala
  • Iba Pang Paksa
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga tip para mabawasan ang pag-aalala
  • Paano Ko Maihihinto ang Labis na Pag-aalala?
    Gumising!—2001
  • Huwag Mabalisa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • Mateo 6:34—“Huwag Alalahanin ang Bukas”
    Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya
  • 2 Tulong Para Masolusyunan ang mga Problema
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2018
Iba Pa
Iba Pang Paksa
mrt artikulo 29
Matandang lalaki na mukhang nag-aalala.

Kung Paano Mababawasan ang Pag-aalala

Nakakasamâ sa kalusugan at emosyon mo ang sobrang pag-aalala. Puwede ka pa ngang magkaroon ng mas malalaking problema dahil dito.

Mga tip para mabawasan ang pag-aalala

  • Malungkot na mukha.

    Bawasan ang panonood, pagbabasa, o pakikinig ng masasamang balita. Hindi mo kailangang malaman ang lahat ng detalye tungkol sa isang masamang pangyayari. Kung magbababad ka sa masasamang balita, lalo ka lang matatakot at mag-aalala.

    Prinsipyo sa Bibliya: “Ang pagkasira ng loob ay nakauubos ng lakas.”—Kawikaan 17:22.

    “Nakakaadik tumingin sa bago at nakakagulat na mga balita. Pero hindi magandang makasanayan iyan. Napansin ko na hindi na ako masyadong nag-aalala nang bawasan ko ang pagtingin sa mga balita.”—John.

    Pag-isipan: Kailangan mo ba talagang laging maging updated sa mga balita?

  • Orasan.

    Sundin ang iskedyul mo. Magtakda ng oras ng paggising, pagkain, paggawa ng gawaing-bahay, at pagtulog. Kapag may iskedyul ka, mararamdaman mong normal ang buhay mo at tutulong iyan para mabawasan ang pag-aalala mo.

    Prinsipyo sa Bibliya: “Ang mga plano ng masipag ay tiyak na magtatagumpay.”—Kawikaan 21:5.

    “Nang magkaroon ng COVID-19 pandemic, napabayaan ko ang iskedyul ko at naubos ang panahon ko sa paglilibang. Gusto kong gamitin ang oras ko sa pinakamabuting paraan, kaya gumawa ako ng iskedyul ng mga dapat kong gawin sa bawat araw.”—Joseph.

    Pag-isipan: May iskedyul ka ba para maramdaman mong may natatapos ka sa bawat araw?

  • Masayang mukha.

    Magpokus sa magagandang bagay. Kung ang laging laman ng isip mo ay mga maling desisyon na ginawa mo noon at mga bagay na ikinakatakot mong mangyari sa hinaharap, lalo ka lang mag-aalala. Mas mabuting mag-isip ng dalawa o tatlong bagay na puwede mong ipagpasalamat.

    Prinsipyo sa Bibliya: “Ipakita ninyong mapagpasalamat kayo.”—Colosas 3:15.

    “Kapag nagbabasa ako ng Bibliya, naiiwasan kong isipin ang masasamang balita at nakakapagpokus ako sa magagandang bagay. Baka lagi mo nang naririnig iyan, pero nakakatulong talaga!”—Lisa.

    Pag-isipan: Madalas bang puro negatibong bagay ang naiisip mo at nakakalimutan mo nang isipin ang magagandang nangyayari sa buhay mo?

  • Regalo.

    Isipin ang iba. Huwag ibukod ang sarili mo kapag nag-aalala ka, kahit iyan ang mas madaling gawin. Sa halip, mag-isip kung paano mo matutulungan ang iba.

    Prinsipyo sa Bibliya: “[Isipin] ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lang ang sa inyo.”—Filipos 2:4.

    “Sumasaya ako kapag nakakatulong ako sa iba. Nagawan ko na ng mabuti ang iba, nabawasan pa ang pag-aalala ko. Ang totoo, wala na akong panahon para mag-alala.”—Maria.

    Pag-isipan: Sino sa mga kakilala mo ang mas nangangailangan ng tulong, at paano mo sila matutulungan?

  • Puso.

    Ingatan ang kalusugan mo. Magkaroon ng sapat na ehersisyo at pahinga. Kumain ng masusustansiyang pagkain. Kung iingatan mo ang kalusugan mo, mas magiging maganda ang pananaw mo sa buhay at makakatulong ito sa iyo na huwag mag-alala.

    Prinsipyo sa Bibliya: “May . . . pakinabang sa pag-eehersisyo.”—1 Timoteo 4:8, talababa.

    “Hindi kami masyadong makalabas ng anak ko, kaya isinama namin sa iskedyul namin ang pag-e-exercise sa loob ng bahay. Dahil dito, gumaan ang pakiramdam namin at naging mas mabait at mapagpasensiya kami sa isa’t isa.”—Catherine.

    Pag-isipan: May kailangan ka bang baguhin sa paraan ng pagkain mo at pag-eehersisyo para mas maging malusog ka?

Bukod sa mga tip na ito, nakatulong sa marami ang maaasahang mga pangako ng Bibliya tungkol sa isang magandang kinabukasan para mabawasan ang pag-aalala nila. Tingnan ang artikulong “Ano ang Gagawin ng Kaharian ng Diyos?”

Mga teksto tungkol sa pag-aalala

Awit 55:22: “Ihagis mo kay Jehova ang pasanin mo, at aalalayan ka niya.”a

Ibig sabihin: Sa pamamagitan ng panalangin, puwede nating ihagis sa Diyos ang pasanin natin, at kasama diyan ang pag-aalala. Sa panalangin, kinakausap natin ang Maylalang, na umaalalay at “nagpapatibay sa atin sa harap ng lahat ng pagsubok.”—2 Corinto 1:3, 4, talababa.

Kawikaan 12:25, talababa: “Ang sobrang pag-aalala ay nagpapadepres sa tao, pero ang positibong salita ay nagpapasaya rito.”

Ibig sabihin: Makipag-usap sa kapamilya o mga kaibigan na makakapagpatibay sa iyo at makakatulong.

Mateo 6:27: “Sino sa inyo ang makapagpapahaba nang kahit kaunti sa buhay niya dahil sa pag-aalala?”

Ibig sabihin: Kadalasan, walang naitutulong ang pag-aalala. Hindi nito napapabuti ang sitwasyon at hindi rin ito nakakatulong para makaisip ka ng solusyon.

Mateo 6:31, 32: “Huwag kayong mag-alala at magsabing ‘Ano ang kakainin namin?’ o, ‘Ano ang iinumin namin?’ o, ‘Ano ang isusuot namin?’ . . . Alam ng inyong Ama sa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito.”

Ibig sabihin: Alam ng Diyos na Jehova ang pangangailangan natin sa pagkain, damit, at tirahan bago pa man natin ito hilingin sa kaniya.

a Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.—Awit 83:18.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share