Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwbq artikulo 30
  • Bakit Hindi Pinakikinggan ng Diyos ang Ilang Panalangin?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Hindi Pinakikinggan ng Diyos ang Ilang Panalangin?
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang sagot ng Bibliya
  • Maging Malapít sa Diyos sa Panalangin
    Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
  • Ang mga Panalangin na Sinasagot
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Kung Papaano Makakamit ang Tulong sa Panalangin
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Kaninong mga Panalangin ang Sinasagot?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
ijwbq artikulo 30

Bakit Hindi Pinakikinggan ng Diyos ang Ilang Panalangin?

Ang sagot ng Bibliya

May mga panalanging hindi sinasagot ng Diyos. Narito ang dalawang dahilan.

1. Ang panalangin ay salungat sa kalooban ng Diyos

Hindi sinasagot ng Diyos ang mga panalanging salungat sa kaniyang kalooban, o kahilingan, na nasa Bibliya. (1 Juan 5:14) Halimbawa, sinasabi ng Bibliya na hindi tayo dapat maging sakim. Ang pagsusugal ay nagtataguyod ng kasakiman. (1 Corinto 6:9, 10) Kaya kung ipananalangin mong manalo ka sa lotto, hindi ka sasagutin ng Diyos. Ang Diyos ay hindi isang genie na tutupad sa lahat ng kahilingan mo. At ang totoo, dapat mo itong ipagpasalamat. Kasi nakakatakot isipin kung ano ang puwedeng hilingin ng iba sa Diyos.—Santiago 4:3.

2. Ang nananalangin ay ayaw sumunod sa Diyos

Hindi pinakikinggan ng Diyos ang mga masuwayin sa kaniya. Halimbawa, sinabi noon ng Diyos sa mga nag-aangking sumasamba sa kaniya pero ayaw namang sumunod: “Kahit nananalangin kayo ng marami, hindi ako nakikinig; ang inyo mismong mga kamay ay napuno ng pagbububo ng dugo.” (Isaias 1:15) Pero kung nagbago sana sila at ‘itinuwid ang mga bagay-bagay,’ pinakinggan sila ng Diyos.—Isaias 1:18.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share