Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwbq artikulo 155
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pagbibigay?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pagbibigay?
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang sagot ng Bibliya
  • Kailan tama ang pagbibigay?
  • Kailan nagiging mali ang pagbibigay?
  • “Iniibig ng Diyos ang Masayang Nagbibigay”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Mayroon Ka Bang Espiritu ng Pagbibigay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Iniibig ni Jehova ang mga Nagbibigay na Masaya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Makinabang sa Pagbibigay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
Iba Pa
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
ijwbq artikulo 155
Lalaking may hawak na regalo

Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pagbibigay?

Ang sagot ng Bibliya

Pinasisigla ng Bibliya ang pagbibigay nang kusa at may tamang motibo. Nakikinabang hindi lang ang tumatanggap kundi pati na ang nagbibigay. (Kawikaan 11:25; Lucas 6:38) Sinabi ni Jesus: “May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.”—Gawa 20:35.

  • Kailan tama ang pagbibigay?

  • Kailan nagiging mali ang pagbibigay?

  • Mga teksto sa Bibliya tungkol sa pagbibigay

Kailan tama ang pagbibigay?

Tama ang pagbibigay kapag ginagawa ito nang kusang-loob. Sinasabi ng Bibliya: “Gawin ng bawat isa ang ayon sa ipinasiya niya sa kaniyang puso, hindi mabigat sa loob o sa ilalim ng pamimilit, sapagkat iniibig ng Diyos ang masayang nagbibigay.”—2 Corinto 9:7.

Ang pagbibigay nang mula sa puso ay bahagi ng “pagsamba” na sinasang-ayunan ng Diyos. (Santiago 1:27) Ang isang taong bukas-palad na tumutulong sa mga nangangailangan ay nakikipagtulungan sa Diyos, na itinuturing itong pagpapautang sa Kaniya. (Kawikaan 19:17) Sinasabi ng Bibliya na susuklian ng Diyos ang gayong pagbibigay.—Lucas 14:12-14.

Kailan nagiging mali ang pagbibigay?

Kapag ginagawa ito nang may makasariling motibo. Halimbawa:

  • Para magpasikat sa mga tao.—Mateo 6:2.

  • Para tumanggap ng kapalit.—Lucas 14:12-14.

  • Para makuha ang pabor ng Diyos at maligtas.—Awit 49:6, 7.

Kapag sinusuportahan nito ang mga gawain o bagay na hinahatulan ng Diyos. Halimbawa, mali ang pagbibigay ng pera para sa pagsusugal, pagdodroga, o paglalasing. (1 Corinto 6:9, 10; 2 Corinto 7:1) Isa pa, hindi rin tamang magbigay sa taong may kakayahang suportahan ang sarili pero ayaw namang magtrabaho.—2 Tesalonica 3:10.

Kapag nakakahadlang ito sa mga pananagutang ibinigay ng Diyos. Itinuturo ng Bibliya na dapat maglaan ang ulo ng pamilya para sa kaniyang sambahayan. (1 Timoteo 5:8) Hindi tamang magbigay nang magbigay ang ulo ng pamilya sa iba hanggang sa puntong naisasapanganib niya ang kaniyang pamilya. Hinatulan din ni Jesus ang mga ayaw sumuporta sa kanilang matatandang magulang dahil idinadahilan nila na ang lahat ng kanilang pag-aari ay “isang kaloob na inialay sa Diyos.”—Marcos 7:9-13.

Mga teksto sa Bibliya tungkol sa pagbibigay

Kawikaan 11:25: “Ang kaluluwang bukas-palad ay patatabain, at ang saganang dumidilig sa iba ay sagana ring didiligin.”

Ibig sabihin: Sa pagbibigay, hindi lang ang tumatanggap ang nakikinabang kundi maging ang nagbibigay.

Kawikaan 19:17: “Siyang nagpapakita ng lingap sa maralita ay nagpapautang kay Jehova, at ang kaniyang pakikitungo ay babayaran Niya sa kaniya.”

Ibig sabihin: Itinuturing ng Diyos na may utang siya sa mga tumutulong sa nangangailangan, at nangangako siyang susuklian niya sila nang sagana.

Mateo 6:2: “Kapag nagbibigay ka ng mga kaloob ng awa, huwag kang hihihip ng trumpeta sa unahan mo, gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw ... upang luwalhatiin sila ng mga tao.”

Ibig sabihin: Hindi tayo nagbibigay para lang magpasikat sa iba.

Gawa 20:35: “May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.”

Ibig sabihin: Nagbibigay ng kasiyahan ang taos-pusong pagkabukas-palad.

2 Corinto 9:7: “Gawin ng bawat isa ang ayon sa ipinasiya niya sa kaniyang puso, hindi mabigat sa loob o sa ilalim ng pamimilit, sapagkat iniibig ng Diyos ang masayang nagbibigay.”

Ibig sabihin: Nagpapasaya sa Diyos ang kusang-loob na pagbibigay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share