Puno ng Itim na Mulberi
Ang itim na mulberi (Morus nigra) ay tinatawag ding sycamine, at isang beses lang itong lumitaw sa Bibliya nang magturo si Jesus sa mga apostol tungkol sa pananampalataya. (Luc 17:5, 6) Sinasabing ang salitang Griego na ginamit dito, sy·kaʹmi·nos, ay ang puno ng mulberi, at karaniwan sa Israel ang itim na mulberi. Matibay ang punong ito, at ang taas nito ay umaabot nang mga 6 m (20 ft). Malalaki at hugis-puso ang mga dahon nito, at ang mga bunga nito ay kulay pula o itim at kahawig ng blackberry.
Kaugnay na (mga) Teksto: