Pinakalumang Piraso ng Kristiyanong Griegong Kasulatan
Makikita rito ang harap at likod ng Papyrus Rylands 457 (P52), isang napakalumang piraso ng isang kopya ng Ebanghelyo ni Juan. Natagpuan ito sa Ehipto noong 1920 at ngayon ay nasa John Rylands University Library sa Manchester, England. Mababasa sa harap ang isang bahagi ng Ju 18:31-33, at sa likod naman, ang isang bahagi ng Ju 18:37, 38. Dahil may nakasulat sa harap at likod ng papirong ito, maliwanag na bahagi ito ng isang codex. Ang piraso ay 9 cm (3.5 in) ang haba at 6 cm (2.4 in) ang lapad. Sinasabi ng maraming iskolar na ito ang pinakalumang manuskritong Griego ng Kristiyanong Griegong Kasulatan na makukuha sa ngayon; pinaniniwalaan na mula ito noong mga unang bahagi ng ikalawang siglo C.E. Kaya malamang na ginawa ang kopyang ito mga ilang dekada lang mula nang isulat ang Ebanghelyo ni Juan noong mga 98 C.E. Halos walang kaibahan ang mababasa sa pirasong ito kung ikukumpara sa mas bago at mas kumpletong mga manuskritong Griego na ginawang basehan ng mga bagong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan.
Credit Line:
© The University of Manchester. Licensed under CC BY-NC-SA 4.0 (http://creativecommons.org/licenses/by/4.0/). Derivative work based on images: http://www.library.manchester.ac.uk/rylands/whats-on/exhibitions/rylands-gallery/
Kaugnay na (mga) Teksto: