Ikalawang Liham ni Pablo sa mga Taga-Corinto
Makikita rito ang isang pahina ng papirong codex na tinatawag na P46, na pinaniniwalaang mula pa noong mga 200 C.E. May natira sa codex na ito na 86 na pahina. Mababasa rito ang siyam sa mga liham ni Pablo ayon sa ganitong pagkakasunod-sunod: Roma, Hebreo, 1 Corinto, 2 Corinto, Efeso, Galacia, Filipos, Colosas, at 1 Tesalonica. Minarkahan dito ang pamagat, kung saan ang mababasa ay “Para sa mga Taga-Corinto 2.” Ang koleksiyong ito ay patunay na noon pa man, gumagamit na ang mga eskriba ng mga pamagat para tukuyin ang mga aklat ng Bibliya.—Tingnan sa Media Gallery, “Unang Liham ni Pablo sa mga Taga-Corinto.”
Credit Line:
© The Trustees of the Chester Beatty Library, Dublin/CBL BP II, f.61r/www.cbl.ie
Kaugnay na (mga) Teksto: