Salaming Metal
Makikita sa kaliwa ang isang salaming bronse na mula pa noong ikatlo o ikalawang siglo B.C.E., at sa kanan naman, ang posibleng hitsura ng ganitong salamin noong unang siglo C.E. Gumagawa ang Corinto ng mga produktong yari sa bronse, gaya ng mga salamin na kilalá sa mataas na kalidad nito. Pero hindi ganoon kalinaw ang nakikita sa mga salaming metal noon kung ikukumpara sa mga salaming ginagamit sa ngayon. Sa unang liham ni Pablo sa mga taga-Corinto, ipinakita niya ang pagkakaiba kung sa salaming metal makikita ang isang tao at kung makikita ito nang mukhaan.—1Co 13:12.
Credit Line:
The Metropolitan Museum of Art, New York/Purchase, 1896/www.metmuseum.org
Kaugnay na (mga) Teksto: