Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w15 4/1 p. 15
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Kaparehong Materyal
  • Salamin, II
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Salaming Metal
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Isang Romanong Senturyon, o Opisyal ng Hukbo, na Nakabihis Para sa Digmaan
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Opisyal ng Hukbo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
w15 4/1 p. 15

ALAM MO BA?

Ano ang papel ng senturyon sa hukbong Romano?

Estatuwa ng senturyong Romano

Stela ng senturyon na si Marcus Favonius Facilis

Maraming beses na binanggit ang mga senturyong Romano sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Ang opisyal ng hukbo na nangasiwa sa pagpatay kay Jesus ay isang senturyon, gaya ni Cornelio, ang unang Gentil na nakumberte sa Kristiyanismo. Senturyon din ang opisyal na nangasiwa sa paghagupit kay apostol Pablo at si Julio na naghatid kay Pablo sa Roma.—Marcos 15:39; Gawa 10:1, talababa sa New World Translation of the Holy Scriptures—With References; 22:25; 27:1.

Ang senturyon ay karaniwan nang kumandante ng isang hukbo na binubuo ng mga 50 hanggang 100 sundalo. Kabilang sa kaniyang mga atas ang pagsasanay at pagdidisiplina sa mga sundalo niya, pag-iinspeksiyon sa kanilang mga kasuutan at kagamitan, at pagbibigay sa kanila ng utos habang nasa tungkulin.

Ang senturyon ang pinakamataas na ranggong puwedeng maabot ng isang ordinaryong sundalo. Ginagampanan ng magagaling na sundalo at lider ang katungkulang ito. Ang pagiging disiplinado at epektibo ng makapangyarihang hukbong militar ng Roma ay nakadepende sa kanila. Ayon sa isang reperensiya, ang mga senturyon “ang karaniwan nang pinakamakaranasan at may pinakamaraming alam sa hukbo.”

Ano ang pagkakaiba ng mga salamin noong panahon ng Bibliya kaysa sa ngayon?

Sinaunang salamin ng mga Ehipsiyo

Sinaunang salamin ng mga Ehipsiyo

Di-tulad ng mga babasagíng salamin ngayon, ang mga salamin noong panahon ng Bibliya ay karaniwan nang yari sa napakakintab na metal—kadalasan nang bronse. Pero puwede rin itong yari sa tanso, pilak, ginto, o elektrum. Ang mga salamin ay unang binanggit sa Bibliya may kaugnayan sa pagtatayo ng tabernakulo, ang unang sentro ng pagsamba ng Israel. Nag-abuloy ang mga babae ng mga salamin para sa paggawa ng sagradong hugasang tanso at ng patungan nito. (Exodo 38:8) Malamang na kailangang tunawin ang mga salamin para sa layuning ito.

Ang mga salaming nahukay ng mga arkeologo sa loob at labas ng Israel ay karaniwan nang natatagpuang kasama ng mga alahas at iba pang palamuti ng mga babae. Pabilog ang mga ito na may hawakang yari sa kahoy, metal, o garing, at ang hugis ay gaya ng sa katawan ng babae. Karaniwan nang walang palamuti ang di-makintab na likuran nito.

Ang mga sinaunang salamin ay malabo kumpara sa mga babasagíng salamin ngayon. Malamang na iyan ang tinutukoy ni apostol Pablo nang sabihin niya: “Sa kasalukuyan ay nakakakita tayo ng malabong anyo sa pamamagitan ng salaming metal.”—1 Corinto 13:12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share