“Ang Damit Ninyo ay Kinain ng Insekto”
Makikita sa larawan kung paano nakakasira ng tela ang mga insekto. (Makikita rito ang isang insektong kumakain ng tela [Tineola bisselliella] at ang larva nito.) Para idiin na walang saysay ang pagtitiwala sa kayamanan, binanggit ng manunulat ng Bibliya na si Santiago ang tungkol sa mga insekto na naninira ng damit. (San 5:2) Noong unang siglo C.E., karaniwan nang nasusukat ang kayamanan ng isang tao sa mga bagay na mayroon siya, gaya ng mga butil, langis ng olibo, at damit. Pero kahit gaano pa kamahal ang isang damit, mawawalan ito ng silbi kapag sinira ito ng mga larva, o higad. Ang larva, o higad, hindi ang mismong insektong may pakpak, ang naninira sa damit. Napakatakaw ng mga larva, at kaya ng mga itong kainin ang lahat ng uri ng tela noong panahon ng Bibliya, gaya ng lana, lino, balahibo ng kambing o kamelyo, at kahit pa nga katad. Binanggit din ng mga manunulat ng Hebreong Kasulatan ang perwisyong nagagawa ng mga insektong ito. (Job 13:28; Isa 51:8) Sa Sermon sa Bundok, ipinakita ni Jesus na dapat na ‘mag-imbak tayo ng kayamanan sa langit’ imbes na magtiwala sa materyal na kayamanan, dahil kaya itong sirain ng mga insekto.—Mat 6:19, 20.
Credit Line:
Clemson University Department of Entomology, Cooperative Extension Service
Kaugnay na (mga) Teksto: