Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Tangà”
  • Tangà

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tangà
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Magandang Mariposa
    Gumising!—2001
  • “Ang Damit Ninyo ay Kinain ng Insekto”
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Kapag Bulag ang Pag-ibig
    Gumising!—2000
  • Ang Di-mapigil na Mariposa Hitana
    Gumising!—1985
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Tangà”

TANGÀ

[sa Heb., ʽash; sas (tangà sa damit); sa Gr., ses; sa Ingles, moth].

Isang insektong may apat na pakpak at kahawig ng paruparo ngunit naiiba dahil ang mga antena nito’y kadalasang mabalahibo at walang maliliit na bilog sa dulo. Kapag nagpapahinga, ang mga pakpak ng tangà ay hindi nakatindig, di-gaya sa mga paruparo. Sa halip, ang mga ito’y nakatiklop at nakalapat sa ibabaw ng katawan ng insekto o kaya nama’y nakabuka sa mga tagiliran nito. Gayundin, ang mga tangà ay karaniwan nang aktibo sa gabi. Maliwanag na ang insektong tinutukoy sa Kasulatan ay ang webbing clothes moth (Tineola bisselliella), lalo na habang ito’y nasa mapaminsalang yugtong larva. (Job 13:28; Aw 39:11; Isa 50:9; 51:8; Os 5:12; Mat 6:19, 20; Luc 12:33; ihambing ang San 5:2.) Ginamit ni Elipaz ang pagiging madaling durugin ng tangà upang ilarawan ang pagiging mahina ng taong mortal.​—Job 4:17, 19, 20.

Ang mga babaing clothes moth ay nangingitlog sa mga kayong lana o seda o sa mga materyal na yari sa balahibo ng hayop. Ikinakalat nila ang mga itlog upang magkaroon ng sapat na lugar at materyal na makakain ang mga uod na lalabas. Bago kumain ang mga uod, ikinukulong muna nila ang kanilang sarili sa loob ng isang “bahay” o balot na gawa sa makukuhang mga hibla. Nananatili sila sa loob ng “bahay” na ito habang kumakain.​—Job 27:18.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share