Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • nwtstg
  • Metapora

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Metapora
  • Glosari
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Ilustrasyon sa Bibliya—Nauunawaan Mo ba ang mga Ito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • “Kayo ang Asin ng Lupa”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Asin—Isang Mahalagang Produkto
    Gumising!—2002
  • Asin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Glosari
nwtstg

Metapora

Isang tayutay na nagpapalitaw ng pagkakapareho ng dalawang bagay sa pagsasabing ang isang bagay ay ang mismong bagay na pinagkukumparahan.

Gaya ng iba pang paghahambing, maiintindihan ang metapora kapag natukoy ang tatlong bahagi nito: ang paksa, ang larawan o konseptong pinagkukumparahan ng paksa, at ang pagkakatulad ng dalawang bagay na pinagkukumpara.

Maraming metapora sa Bibliya. Halimbawa, gumamit si Jesus ng metapora nang sabihin niya sa mga tagasunod niya: “Kayo ang asin ng mundo.” (Mat 5:13) Sa paghahambing na ito, ang paksa ay “kayo,” na tumutukoy sa mga tagasunod ni Jesus. Ang larawan na pinagkukumparahan ay ang “asin.” Sa kontekstong ito, ang pagkakatulad ay ang kakayahan ng mga itong magpreserba. Ang aral? Kung paanong napepreserba ng asin ang pagkain para hindi ito mabulok, nakakatulong sa iba ang mga alagad para maiwasan ang pagkabulok sa moral sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng mga bagay na iniutos ni Jesus. (Tingnan ang study note sa Mat 5:13.) May iba pang metapora sa Bibliya na mababasa sa Aw 18:2; 84:11; 121:5; Ju 10:7; 15:1.

Ang simile ay isa pang tayutay na parang metapora, pero mas mapuwersa ang metapora kaysa sa simile. Sa simile, sinasabi na ang isang bagay ay gaya ng isa pang bagay. Ang ilang halimbawa nito ay mababasa sa Gen 22:17; Aw 1:3; 10:9.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share