Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g85 10/8 p. 20-22
  • Paano Ko Makakasundo ang Aking Magulang sa Pangalawang Asawa?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Ko Makakasundo ang Aking Magulang sa Pangalawang Asawa?
  • Gumising!—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Maging Ganap sa Inyong Pag-iisip”
  • Kung Paano Ito Ginawa ng Iba
  • Papaano Ko Pakikitunguhan ang Muling-Pag-aasawa ng Aking mga Magulang?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
  • Paano Kapag Nag-asawang Muli ang Magulang Ko?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Maaaring Magtagumpay ang mga Pamilya sa Muling Pag-aasawa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • “Pamumuhay sa Loob ng Pamilya sa Pangalawang Asawa”
    Gumising!—1986
Iba Pa
Gumising!—1985
g85 10/8 p. 20-22

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .

Paano Ko Makakasundo ang Aking Magulang sa Pangalawang Asawa?

KARANIWAN na, ang mga membro ng pamilya ay nangangailangan ng mga taon upang makabagay sa isa’t-isa. Ngunit sa isang pamilya sa pangalawang asawa ang lahat ay biglang pinag-iisa. At kung ang iyong magulang sa pangalawang asawa ay istrikto sa pagiging maayos at ikaw naman ay hindi gaanong nag-iintindi, tiyak na magkakaroon kayo ng ilang di pagkakaunawaan. Yamang ang karamihan ng mga problema ay nalulutas sa panahon, ang iba ay napakahirap.

“Ipinalalabas niya sa akin ang basurahan!” tutol ng 11-taóng-gulang na si Lynch sa kaniyang ina. “Bagaman mahal ko ang aking tiyuhin, hindi ko maunawaan kung bakit sasabihan niya ako kung ano ang gagawin,” sabi ni Lynch, ngayo’y 20 anyos. “Inaakala ko na ang nanay ko lamang ang makagagawa niyan. Ang ideya ng pagtutuwid niya sa akin ay parang walang kaugnayan.” Oo, ang disiplina ang isa sa pinakamaselang isyu sa isang pamilya sa pangalawang asawa.

Ang kawalang kakayahan na ipakipag-usap ang mga damdamin ay isa pang maselang problema na dapat lutasin. Ang sabihin ang nilalaman ng iyong puso sa isang ganap na estranghero ay hindi madali. Kung minsan hindi mo pa nga maunawaan ang iyong sariling mga emosyon. At dahilan sa hinakang mga ideya o simpleng kawalang kaalaman, maaaring hindi ka maunawaan ng iyong magulang sa pangalawang asawa.

Gayunman ang mga hadlang na ito ay maaaring mapagtagumpayan. Papaano?

“Maging Ganap sa Inyong Pag-iisip”

“Mga kapuwa Kristiyano, huwag kayong maging isip-bata sa inyong pag-unawa. Sa kasamaan maging tulad kayo ng mga bata, ngunit maging ganap sa inyong pag-iisip.” (1 Corinto 14:20, Becka) Ang payong ito ay ibinigay upang ituwid ang kaguluhan at kalituhan na umiiral sa kongregasyong Kristiyano sa sinaunang Corinto. Tutulong din ito upang lumikha ng isang masigla, maayos na pamilya sa pangalawang asawa. Ngunit paano mo maikakapit ito?

Ang pagtanggap ng awtoridad ng iyong magulang sa pangalawang asawa na disiplinahin ka ay isang paraan upang ipakita na ikaw ay ‘ganap na sa iyong pag-iisip.’ Ginagampanan niya ang mga tungkulin ng isang likas na magulang at samakatuwid ay karapat-dapat ng iyong paggalang at pagsunod. (Kawikaan 1:8; Efeso 6:1-4) Noong panahon ng Bibliya si Esther ay pinalaki ng isang ama-amahan, o “katiwala,” nang mamatay ang kaniyang mga magulang. Bagaman hindi siya ang kaniyang likas na magulang, si Mardocheo ‘ay nag-utos sa kaniya,’ na sinunod niya kahit na siya ay may sapat na gulang na. Siya’y naging isang mahusay na babae, sa katunayan isang reyna!​—Esther 2:7, 15, 17, 20.

“Bilang isang kabataan ako ay nagtataka kung baga ang aking tiyuhin ay labis na nagpaparaya sa akin sapagkat hindi siya nagmamalasakit sa akin,” gunita ni Elizabeth. Ngunit nang sa wakas ay disiplinahin siya nito, sabi niya: “Ako’y galit na galit at ikinandado ko ang pinto, ngunit isang bagay ang nagpatigil sa akin. Sa kabila ng galit at pagkapahiya, nadama ko na ako ay minamahal at pinagmamalasakitan.” Oo, ang disiplina ay nagpapakita na ikaw ay minamahal!​—Kawikaan 13:24.

Alam din ng maygulang na tao kung paano ipakikipag-usap ang kaniyang mga damdamin sa isang paraan na hindi pumuputok sa isang tulad-batang pagsabog. Kung ikaw ay ‘magiliw’ at sinisikap mong maging ‘matamis sa iyong mga labi’ ito ay nakadaragdag ng “pagkamapanghikayat” sa kung ano ang iyong sinasabi, sapagkat hindi mo agad ‘itinataboy’ ang iba.​—Colosas 4:6; Kawikaan 16:21.

Isa pa, magkakaroon ng mga di pagkakaunawaan. Kung ikaw ay nakikipamuhay na kasama ng iba ikaw ay malamang na magkaroon ng ilang reklamo​—subalit gayundin ang iyong magulang sa pangalawang asawa. Sikaping gawin ang gaya ng hinihimok ng Colosas 3:13: “Patuloy na magbata ng mga kahinaan ng isa’t-isa at saganang magpatawaran sa isa’t-isa kung ang sinuman ay may reklamo laban sa kaninuman. Gaya ni Jehova na saganang nagpapatawad sa inyo, ganiyan din ang gawin ninyo.”

Ang nabanggit na payo ng Bibliya ay talagang gumagana, ngunit nangangailangan ito ng pakikipagtulungan sa lahat ng membro ng pamilya. Maaaring madama mo na sa kabila ng pagsisikap na ikapit ang mga mungkahing ito, hindi mo pa rin makasundo ang iyong magulang sa pangalawang asawa. Huwag kang sumuko! Ang iyong mga pagsisikap ay maaaring panatilihin ang kapayapaan sa tahanan. Kapansin-pansin, kinapanayam ng Gumising! ang ilang kabataan na, bagaman hindi madali, ay naging malapit sa kanilang magulang sa pangalawang asawa.

Kung Paano Ito Ginawa ng Iba

Gumising!: Paano mo naiwasan na magdamdam sa disiplina ng iyong magulang sa pangalawang asawa?

Lynch: Ang aking ina at tiyuhin ay laging nagkakaisa sa disiplina. Kapag may nangyari sila ay nagkakaisa sa kanilang disisyon, kaya kapag ako ay pinapalo alam ko na ito ay mula sa kanilang dalawa.

Linda: Napakahirap sa simula sapagkat sasabihin ko, “Anong karapatan ninyong gawin ito sa akin?” Ngunit pagkatapos ay naiisip ko ang sinasabi ng Bibliya na ‘Igalang ang iyong ina at ama.’ Kahit hindi siya ang aking tunay na ama, sa paningin ng Diyos siya pa rin ang aking ama. Sinikap kong isipin ang mga bagay mula sa pangmalas ng Diyos. Ang isyu ay higit pa sa pamilya; ito ay nagsasangkot ng pagpapalugod kay Jehova.

Robin: Batid ko na lubhang makasasakit sa damdamin ng aking ina na ako’y magalit sa taong minamahal niya. Hindi ako lumayas sa dahilang ito mismo​—bagamam gusto ko. Ngunit nang maglaon nang matanto ko ang ilang mga problema na mula roo’y ipinagtanggol niya ako, naunawaan ko na tama siya.

Gumising!: Ano ang nagpaunlad ng mabuting pakikipagtalastasan?

Lynch: Kailangang maging interesado ka sa kung ano ang ginagawa ng iyong magulang sa pangalawang asawa. Tinulungan ko siya sa kaniyang sekular na gawain. Habang kami ay nagtatrabaho kami ay mag-uusap. Tumulong ito sa akin na maunawaan kung ano ang kaniyang iniisip. Kung minsan ako ay mauupo na kasama niya at mag-uusap kami tungkol ‘sa mga bagay na walang saysay.’ Maaaring ito’y magtinging isang pag-aaksaya ng panahon, ngunit sa paanuman kapag ikaw ay nagsasalita nakakapulot ka ng mga mensahe na hindi mabigkas na tutulong sa iyo na madama mo ang dinarama ng taong iyon. Natututuhan mo rin kung ano ang nakasasakit sa kaniya at ito ay nagpapaunlad ng empatiya.

Valerie: Kapag ang mga tao’y napopoot sa isa, sinisikap nilang huwag gumugol ng panahon sa taong iyon. Subalit kailangang gawin mo ang kabaligtaran. Kami ng aking tiyahin ay gumugol ng maraming panahon na magkasama at talagang naunawaan ko siya. Kami ay naging ang pinakamatalik na magkaibigan.

Robin: Ang aking ama ay namatay isang taon lamang bago muling nag-asawa si Inay. Hindi ako naging malapit sa aking tiyuhin sapagkat ayaw kong halinhan niya ang aking ama. Naunawaan ng aking tiyuhin kung gaano ko kamahal ang aking ama. Ginawa nitong madali para sa akin na makipag-usap sa kaniya at ibuhos ang aking mga niloloob. Ngunit ang pinakamalaking tulong ay na nanalangin ako na tulungan sana ako ng Diyos na makalimutan ang kamatayan ng aking ama at maging malapit sa aking tiyuhin. Nanalangin ako nang nanalangin. Talagang sinagot ni Jehova ang mga panalangin na ito.

Gumising!: Ano ang ginawa mo upang mapalapit?

Valerie: Kung minsan hihilingin ko sa aking tiyahin na sumama sa akin na manood ng sine​—kaming dalawa lamang. O kung ako ay nasa labas ako’y bibili ng mga bulaklak o isang plorera, isang bagay upang ipakita ko sa kaniya na naaalaala ko siya. Talagang pinahahalagahan niya ito.

Eric: Kailangan mong hanapin ang isang bagay na kapuwa ninyo naiibigan. Ang tanging bagay na pangkaraniwan sa amin ng aking tiyuhin ay na siya ang asawa ng aking ina at na kapuwa kami nakatira sa iisang bahay. Ang pagkakuha ko ng isang trabaho sa pinapasukan niyang trabaho ang nagbigay sa amin, sa kauna-unahang pagkakataon, ng isang bagay na mapag-uusapan. Samantalang ito ay nakatulong nang kaunti, ang pinakamalaking tulong ay dumating nang ako’y magsimulang magkaroon ng gayundin interes sa Bibliya na gaya niya. Habang ako ay nagiging mas malapit sa Diyos na Jehova naging malapit ako sa aking tiyuhin. Ngayon talagang mayroong isang bagay na pangkaraniwan sa amin!

Gumising!: Paano ka personal na nakinabang?

Robin: Nang ako ay namumuhay na kasama lamang ng aking ina, ako ay rebelde at sunod ang layaw. Ang aking paraan ang nais kong masunod sa tuwina. Ngayon natutuhan kong isaalang-alang ang iba at maging higit na mapagbigay. Akala ko nang ako’y pitong taóng gulang na hinding-hindi ko maiibigan ang aking tiyuhin. Ngunit kung bibigyan mo ng pagkakataon ang iyong magulang sa pangalawang asawa, makikita mo na maaari ka niyang mahalin na parang kaniyang tunay na anak. Ngayon pagkalipas ng 11 mga taon para siyang tunay kong ama.

Lynch: Tinulungan ako ng aking tiyuhin na mag-isip na gaya ng isang lalaki. Tinulungan niya akong magkaroon ng mga kasanayan at kung papaano gagamitin ang aking mga kamay. Kung mahirap na mga panahon at nangangailangan ako ng kasama, naroroon siya. Nang mag-asawang muli ang aking ina ako ay napapasangkot sa maraming kaguluhan sa paaralan, nakikipag-away araw-araw. Hindi ako mapangasiwaan ng aking ina. Subalit ang karagdagang impluwensiya ng aking itay ay nakatulong upang ituwid ako. Oo, siya ang pinakamabuting ama na maaaring makuha ng sinuman.

Nang ang 16-taóng-gulang na si Lynch ay hilingin na sumulat sa paaralan tungkol sa paksang “Ang Isa na Hinahangaan Ko,” siya ay nagsimula: “Hinahangaan ko ang kaniyang mga paraan ng pag-iisip at ang pakikitungo niya sa aking ina. Siya ang taong minamahal kong tunay.” Isinulat niya ito tungkol sa kaniyang tiyuhin. Taglay ang mga pangitain ng ‘alamat ng balakyot na magulang sa pangalawang asawa’ sa mga isipan ng marami, ang napili ni Lynch ay maaaring kakatwa. Yamang pinatutunayan ng estadistika ang kawalang katatagan ng maraming pamilya sa pangalawang asawa, paano mo matatamo ang gayong pagkamalapit?

[Talababa]

a Ang The Holy Bible in the Language of Today, ni William F. Beck.

[Larawan sa pahina 21]

Ang pagdisiplina ang isa sa pinakamaselang problema sa isang pamilya sa pangalawang asawa

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share