Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g85 10/22 p. 29-31
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Talkathon” sa UN
  • Walang “mga Digmaan” Mula Noong 1941
  • Pagkahumaling sa Palakasan
  • Aktibong Utak
  • Ang Pag-aasawa ay Pumipigil ng mga Bisyo
  • Ipinagbawal na Operasyon
  • Mga Pagkahulog sa mga Escalator
  • Pangingisda sa Pamamagitan ng Satellite
  • Paghahambing ng Krimen
  • Nanganganib na mga Hayop
  • Ang Walang Kurdong Nagbababalang Telepono
  • Paskong Walang Punungkahoy
  • Pagkoryente sa mga Tigre
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1985
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1993
  • Pamamalakaya ng mga Tao sa Karagatan ng Daigdig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Ang Pagiging mga Mamamalakaya ng mga Tao
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Iba Pa
Gumising!—1985
g85 10/22 p. 29-31

Pagmamasid sa Daigdig

“Talkathon” sa UN

● “Ang tatlong-buwan-haba na taunang seremonya, ngayo’y nagtatapos sa New York ay nakalipas na hindi halos napapansin,” sabi ng The Economist sa pagtukoy sa 1984 na mga sesyon ng United Nations General Assembly na ginanap mula Setyembre hanggang Disyembre. Napupuna na ang karamihan ng mga pamahalaan ng daigdig ay nagsusugo ng mga kinatawan “upang magpahayag at pagtalunan ang mga resolusyon,” binabanggit ng ulat na “sa ilang mga eksepsiyon, ang mga resolusyong ito ay kaagad nalilimutan. Sa bawat sesyon ay nakakagawa ng mahigit na 200 na mga resolusyon, na bumubuo ng halos sangkapat ng isang milyong mga salita. Ang karamihan sa mga salitang ito ay pag-uulit taun-taon.” Tinatawag ang pagpupulong ng United Nations na “isang larawan ng matagal at nakapapagod, walang saysay at magastos na talkathon,” ang ulat ay nagsasabi na kung ito “ay babawasan, sabihin pa, mga 50 mga resolusyon, marahil kalahati sa mga ito ang may tunay na pakinabang.”

Walang “mga Digmaan” Mula Noong 1941

● “Ang pormal na pagpapahayag ng digmaan ay hindi na uso,” sabi ng The Globe and Mail ng Toronto, Canada. “Ang kahuli-hulihang panahon na ito ay nangyari ay noong Dis. 11, 1941, nang, pagkatapos salakayin ang Pearl Harbor, ang mga alyado ng Hapon, ang Alemanya at Italya, ay nagdeklara ng digmaan sa Estados Unidos.” Winawalang-bahala ang pormalidad, may mga 150 hanggang 220 na mga digmaan ang ipinakipaglaban mula noong Digmaang Pandaigdig II. Noong 1984 halos sampung digmaan ang ipinakipagdigma, bagaman walang bagong mga digmaan ang naganap sa loob ng taon. “Noong 1984, gaya noong 1983, lahat ng mga digmaan sa daigdig ay ipinakipaglaban sa mga bansa sa Third World. Bunga nito, ang iba na may kaya-kaya o may magandang kinabukasan ay nasira; sa iba ang pagpapaunlad ay naurong,” sabi ng artikulo.

Pagkahumaling sa Palakasan

● “Ang pro football na kampeonato ang pangunahing pustahan ng bansa,” sabi ng The Wall Street Journal, “kung saan 17% ng mga maygulang na Amerikano ang pumusta sa 1984 Super Bowl, sang-ayon sa isang Gallup surbey.” Tinatayang $5 bilyon hanggang $10 bilyon (U.S.) ang ipinusta sa pagkakataong iyon. “Mas maraming Amerikano ang nanood ng laro noong Linggo [noong Enero 20] (110 milyon) kaysa roon sa mga bumoto noong 1984 na eleksiyon ng presidente (89 milyon),” sabi ng New York Daily News. “Ang 30-segundong patalastas o komersiyal noong panahon ng laro ay nagkahalaga ng napakalaking $525,000 [U.S.] na, gaya ng sabi ng announcer na si Frank Gifford, ay higit pa kaysa sa halaga ng pagpapatayo sa orihinal na istadyum kung saan ginaganap ang laro.” Sabi pa ng Daily News na “pagkatapos ng gayong matatag na pagtaguyod, ang mga laro ay halos nakakadismaya.” Sa taóng ito maraming mga fans ang hindi nasiyahan sapagkat ito’y isang-panig na tagumpay para sa nagwaging team.

Aktibong Utak

● “Ang mga taong sinasanay ang kanilang mga utak ng mga gawaing gaya ng mga crossword puzzle o palaisipan sa kalagitnaan ng kanilang buhay ay malamang na mapanatili ang mga kasanayang pangkaisipan sa dakong huli ng buhay kaysa roon sa mga tamad ang isip,” sabi ng The Vancouver Sun sa isang ulat nito tungkol sa isang pag-aaral na inilabas ng Pennsylvania State University. Ang pananaliksik, na nagsimula noong 1956, ay batay sa mga pagsusulit na kinukuha ng 400 katao tuwing ikapitong taon at batay sa impormasyon na kanilang ibinibigay tungkol sa kanilang mga hanapbuhay, kinikita, mga libangan, at mga karanasan sa paglalakbay. “Yaong mga taong walang masiglang buhay ay nagpakita ng lubhang pag-urong,” sabi ni Warner Schaie, isang propesor sa human development and psychology na itinuturing na isang awtoridad tungkol sa pagtanda. Kinikilala ng pag-aaral ang bahagi ng genetiko at pisyolohikal na mga salik sa pag-alam sa mental na kakayahan ng isang may edad na tao. Subalit pinabubulaanan nito ang paniwala na ang mga tao ay walang kontrol sa humihinang mga kakayahan ng isipan habang sila ay nagkakaedad, sabi ni Schaie.

Ang Pag-aasawa ay Pumipigil ng mga Bisyo

● “Sa unang mga taon pagkatapos ng high school, ang mga kabataang nag-asawa ay nagpakita ng pinakamalaking pagbaba sa paggamit ng alkohol at droga [kaysa roon sa mga nanatiling walang asawa at doon sa mga nagsasama lamang nang hindi kasal],” sabi ng New York Daily News sa pagtatasa ng mga bagong natuklasan ng isang isinasagawang pag-aaral ng University of Michigan. Inihambing ng pag-aaral ang 17,000 mga nagtapos sa high school na tinanong tungkol sa kanilang mga bisyo sa kanilang huling taon sa high school at sa sumunod na tatlong mga taon. “Hindi pa namin alam kung ano nga ba ang mayroon tungkol sa pag-aasawa na nagkaroon ng ganitong epekto,” sabi ni Jerald G. Bachman, isa sa mga mananaliksik. “Ngunit maaaring ito’y may kaugnayan sa kung paano ginugugol ng mga kabataang ito ang kanilang malayang panahon. Inuulat ng mga kabataang mag-asawa na madalas pa rin silang lumabas​—na nagde-‘date’ sa isa’t-isa sa halip na ‘lumabas na kasama ng ibang mga lalaki’ o ‘lumabas na kasama ng ibang mga babae.’” Ang paggamit din ng alkohol at droga ay hindi nagbago sa mga kabataan na namumuhay na magkasama nang hindi kasal pagkatapos ng high school. Ngunit lubha itong dumami sa mga walang asawa na umalis na ng bahay.

Ipinagbawal na Operasyon

● “Sa pangkalahatan, ang bilang ng mga operasyon na isinasagawa sa Estados Unidos ay dumarami nang limang ulit na mas mabilis kaysa sa populasyon,” ulat ng New York Daily News. Naniniwala si Dr. Eugene G. McCarthy ng New York Hospital-Cornell Medical Center na ang pagdami ay dahilan sa mabilis na pagdami ng mga seruhano na nagtatapos sa mga paaralang pangmedisina. Ang mas maraming mga seruhano ay nangangahulugan ng mas maraming operasyon, sabi niya. Paano natin maiiwasan ang operasyon ng seruhano? Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagkuha ng ikalawang opinyon bago magpasiya. Sa isang pambansang surbey, 14 porsiyento ng 5,000 mga pasyente ang hindi inirekomendang paopera pagkatapos kunin ang isang pangalawang opinyon. Sa Estado ng New York, ang sapilitang pagkuha ng ikalawang opinyon ay nagbawas ng 17 porsiyento ng mga hysterectomies, 36 porsiyento ng mga operasyon sa tuhod, at 19 porsiyento na pag-alis ng prostate.

Mga Pagkahulog sa mga Escalator

● “Ang mga grid pattern sa mga escalator sa Hilagang Amerika ay lumilikha ng visual depth illusion na pangunahing sanhi ng tinatayang 60,000 mga pagkahulog taun-taon,” ulat ng The Medical Post ng Toronto, Canada. Ang mga pagkahulog samantalang umaakyat sa isang escalator ay mas madalas kaysa pagbaba, “samantalang sa mga hagdan, ang mga tao ay bihirang mahulog kapag umaakyat,” sabi ni Dr. Theodore Cohn, kasamang propesor ng physiological optics sa University of California sa Berkeley. Siya ay nag-aalok ng ilang simpleng solusyon upang maiwasan ang mga pagkahulog: “Ang pagtatakip ng isang mata samantalang minamasdan ang escalator ay nag-aalis sa depth illusion at hindi nangyayari ang disoryentasyon. Ang isa pang paraan ay lapitan ang escalator nang pahilis.”

Pangingisda sa Pamamagitan ng Satellite

● Ang industriya ng pangingisda ay bumabaling sa mga weather satellite upang masumpungan ang pinakamabuting mga dako na pangingisdaan, ulat ng Asahi Evening News ng Hapon. Paano ito ginagawa? Ang U.S. satellite na NOAA, na sumasakop sa lahat ng mga karagatan ng daigdig, ay nagpapadala ng mga data para sa infrared na mga larawan sa lupa minsan tuwing mga ilang oras para sa alin mang dako. Pinagbubukud-bukod ng isang aparato na nasa pantanging mga bapor na pangisda ang mga data upang matiyak ng mga mangingisda ang mga temperatura ng karagatan sa paggamit ng 16 iba’t ibang kulay sa video monitor. Mula sa mga display na ito masasabi nila kung saan nagsasalikop ang mga agos ng karagatan, kung saan kadalasang magandang pangisdaan. Sa isang maagang pagsubok, ang ilang mga bapor na pangisda ay nakakuha ng sampung tonelada ng mga bonito na ginagamit ang pamamaraang ito. Mga 20 bapor ang nasasangkapan ng ganitong aparato.

Paghahambing ng Krimen

● Ipinagpapalagay ng maraming mga tao na ang krimen ay palasak sa lahat ng malalaking lunsod. Hindi gayon, sabi ng The Express ng Easton, Pennsylvania. Tinatawag nito ang Tokyo, isa sa pinakamalaking lunsod ng daigdig, na “isa sa pinakaligtas ng lunsod sa daigdig.” Sang-ayon sa huling mga bilang, sa Tokyo 1.6 mga pagpatay, 5.6 mga pagnanakaw, at 3.8 mga panggagahasa ang nagaganap sa bawat 100,000 mga tao, kaypala’y taunang bilang. Ngunit sa Lunsod ng New York may 22.8 mga pagpatay, 1,183.7 na mga pagnanakaw, at 51.6 na mga panggagahasa sa bawat 100,000 katao sa gayunding panahon. “Sinasabi ng metropolitan pulis ng Tokyo ang isang mataas na bilang ng mga pag-aresto na 95 porsiyento sa marahas na krimen,” dagdag pa ng report.

Nanganganib na mga Hayop

● Apatnapu’t anim na katutubo at dayuhang mga uri ng halaman at mga hayop ang naidagdag o iminungkahing itala sa nanganganib na mga uri sa Fish and Wildlife Service ng U.S. Interior Department. Kabilang sa pinakahuling mga hayop na naitala ay ang wood stork, ang woodland caribou, at ang dambuhalang panda ng Tsina. Subalit, sabi ng The New York Times, “mayroon pang mahigit 1,000 ‘mga kandidato’ para pangalagaan” na wala pa sa talaan. Kapuna-puna, ang brown pelican ay iminungkahing alisin sa talaan ng nanganganib na hayop. Kung ang mungkahi ay maisakatuparan, “ito ang kauna-unahang panahon na ang isang nilikha ay maaalis sa talaan dahilan sa . . . [ito] ay hindi na nanganganib na malipol,” sabi ng ulat. “Karaniwan nang ang isang uri ay naaalis sa talaan pagkaraan na ito ay maging lipol na uri.”

Ang Walang Kurdong Nagbababalang Telepono

● “Sinasabi ng Food and Drug Administration na ito ay mayroong 120 mga reklamo mula sa mga mamimili na nagsabing ang kanilang pandinig ay napinsala ng . . . nabibitbit na mga telepono na pinaaandar ng baterya,” ulat ng The Express ng Easton, Pennsylvania. Bakit ang suliraning ito? Sapagkat ang mga teleponong walang kurdon, na karaniwan nang may mekanismong tumutunog sa earpiece mismo, ay hindi humihinto ng pagtunog kapag ito’y inangat mo. Hindi katulad ng dating mga telepono, kailangang isuwits ng gumagamit upang huminto ang ingay. Kung makalimutan ng gumagamit, ang mataas-decibel na pagtunog ay maaaring lumikha ng permanenteng pagkasira ng pandinig. Dapat ding mag-ingat ang mga mamimili kapag ginagamit ang mga teleponong ito at ilayo sa mga bata, sabi ng FDA. Maraming mga tagagawa ang idinidisenyong-muli ang mga teleponong ito.

Paskong Walang Punungkahoy

● “Bawat punungkahoy na putulin, kabilang na ang mga Christmas firs, ay nakadaragdag sa problema ng namamatay na kagubatan.” Gayon ang sabi ng pulitiko ng Greens na si Jutta Ditfurth sa Abendpost ng Frankfurt. Ang Greens, isang aktibong pulitikal na partido tungkol sa kapaligiran sa Federal Republic of Germany, ay kinampihan ng ilang mga ekologo sa paghimok sa publiko na huwag bumili ng mga Christmas tree noong nakaraang taon. Subalit tinutulan ito ng mga manggugubat at mga opisyal ng agrikultura sa Federal Republic of Germany. “Walang sinuman ang dapat matakot sa pagpinsala ng mga kagubatan na sinira ng polusyon sa pamamagitan ng pagbili ng isang Christmas tree,” sabi ng Association of German Forest Owners. Sinasabi nito na halos 90 porsiyento ng 17 milyong mga Christmas tree na ipinagbibili taun-taon ay pinuputol mula sa mga puno ng fir na itinanim lalo na para sa kapaskuhan o ibinawas sa kagubatan bilang bahagi ng pamamaraan na paglilinang-punungkahoy. Gayumpaman, ang maagang mga benta ay naging matumal noong 1984. “Ang kampaniya ng Greens ay nagkaroon ng maliwanag na epekto,” sabi ng nagtitinda ng punungkahoy na si Horst Mueller.

Pagkoryente sa mga Tigre

● Ang pagsusuot ng baluti sa katawan at mga helmet at ang paggamit ng mga lebintador ay ilan sa mga pamantayang depensa laban sa pagsalakay ng tigre sa Sundarbans, ang 3,000-milya-kuwadrado (7,800 sq km) na delta ng mga ilog ng Ganges at Brahmaputra na naghihiwalay sa India at Bangladesh. Gayumpaman,bagaman ang dakong ito ay hindi matao, “ang mga mangingisda, mga mamumutol ng punungkahoy at mga nangungolekto ng pulot-pukyutan ay regular na dumadalaw rito at nakakain ng mga tigre sa dami na halos 50 isang taon,” sabi ng The Times ng London sa isang report kamakailan ng Earthscan, bahagi ng base-London na International Institute for Environment and Development. Kamakailan sinusubok ng mga manggagawa sa larangan ang bagong pamaraan upang bawasan ang mga kamatayan​—pagkakabit ng mga kawad ng koryente sa mga dummy o tau-tauhan sa mga baterya ng kotse sa pamamagitan ng isang transformer. Ang 240-boltaheng koryente ay waring nagbibigay ng leksiyon sa mga tigre, ngunit kung ang mga tau-tauhang ito ay makababawas ng mga kamatayan ay hindi pa matiyak. Ang Sundarbans ang tirahan ng 600 hanggang 700 na mga tigre, na inaakalang siyang pinakamalaking populasyon ng tigre sa daigdig.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share