Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 2/22 p. 16-18
  • Paano Ako Makakaalpas sa mga Droga?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Ako Makakaalpas sa mga Droga?
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pisikal na Paggaling
  • Ang Pang-akit ng Mabuting Pakiramdam
  • Kailangang-kailangan ang Ganap na Pagtigil!
  • Paano Ako Makakabangon Mula sa Pag-abuso sa Droga?
    Gumising!—1986
  • Mapagtatagumpayan ba ang Pakikipagbaka sa Droga?
    Gumising!—1999
  • Kung Paanong ang Bawal na Droga ay Nakaaapekto sa Iyong Buhay
    Gumising!—1999
  • Droga—Sino ba ang Gumagamit ng mga Ito?
    Gumising!—2001
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 2/22 p. 16-18

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .

Paano Ako Makakaalpas sa mga Droga?

HABANG ang droga ay marahang nagkakabisa, hinintay ni Ann ang unang bugso ng katuwaan. Maraming beses na niya itong naranasan. Siya ay mahihiga, ipipikit ang kaniyang mga mata, at waring siya ay natutunaw sa bahagyang kamalayan, walang anumang kabatiran sa lahat ng bagay sa paligid niya.

Subalit iba ngayon. Pagpikit ng kaniyang mga mata at siya’y nalipos ng euporikong bugso, siya ay nawalan ng malay. Nahirapan siyang huminga at naging iregular ang tibok ng kaniyang puso. Muntik na siyang mamatay.

“Nagising ako sa ospital,” gunita ni Ann, ang kaniyang mukha ay nagbabadya ng pagpapasalamat sa bagay na siya ay buháy ngayon upang ikuwento ang kaniyang istorya. “Maraming beses na akong muntik-muntikanang mamatay, subalit sa kabutihang palad ako ay tumanggap ng tulong na kinakailangan ko bago ko mapatay ang aking sarili.”

Mapalad nga si Ann. Gayunman, libu-libong ibang mga kabataan ang hindi naging mapalad. Taun-taon isang nakababahalang bilang ng mga kabataan ang namamatay dahilan sa mga droga. Maraming iba pa ang nagnanais umalpas sa mga droga subalit nabibigo sila pagkatapos sumubok ng isang buhay na malaya sa droga.a Bakit nangyayari ito? Ang publikasyong Recovery and Relapse ay naglalaan ng isang himaton: “Sa katotohanan emosyonal na pagpipigil ang aming tunguhin, hindi lamang basta pisikal na abstenensiya.”

May kaugnayan dito, ganito ang sabi ng isang tagapayo sa isang malaking drug rehabilitation center sa New York sa Awake!: “Ang sekreto ng pag-alpas sa mga droga ay hindi basta paghinto ng paggamit ng mga droga kundi bagkus ay baguhin ang iyong paraan ng pag-iisip, ang iyong buong pangmalas sa buhay. Dapat mong mahinuha na higit kang masisiyahan sa buhay nang walang mga droga kaysa nang ikaw ay gumagamit ng mga droga.”

Subalit paano magagawa ito ng isa? Sang-ayon sa maraming pangunahing mga programa sa rehabilitasyon sa droga, ang pag-alpas sa mga droga ay dapat magsangkot ng pisikal at emosyonal na paggaling, na doo’y maaari pa nating idagdag ang espirituwal na paggaling. Ang lahat ay mahalaga para sa isang maligaya, malaya sa droga na pag-iral.

Pisikal na Paggaling

Ang unang hakbang ay ang pisikal na paggaling. (Tatalakayin ng hinaharap na isyu ng Gumising! ang emosyonal at espirituwal na paggaling.) Mangyari pa, kasangkot dito ang paghinto sa paggamit ng mga droga. Kung ang isang tao ay pisikal na dumidependeb sa mga droga, malamang na makaranas siya ng mga sintomas sa paghinto (withdrawal symptom), kalakip na ang labis na pagkabalisa, pangangatal, pagsusuka, di pagkatulog, saykosis, o mga kumbulsiyon.​—Ihambing ang Kawikaan 23:31, 32.

“Ako’y lubhang nininerbiyos,” gunita ni Allen, na ginugol ang 12 mga taon ng kaniyang buhay sa maling paggamit ng mga droga. “Nang una akong tumigil sa paggamit ng mga droga, ang paghinto ay napakasama anupa’t hindi man lamang ako makapagmaneho ng kotse.” Sa liwanag ng mga panganib na nasasangkot, matalinong magpatulong sa isang may kakayahang manggagamot na pamilyar sa pag-aalis ng epekto ng droga.

Kung ang isang tao ay pisikal o emosyonal na dumidepende sa mga droga, iminumungkahi ng karamihan sa mga propesyonal sa rehabilitasyon sa droga na siya ay ganap na tumigil sa lahat ng droga na maaaring may bumabago-kalagayan na epekto sa kaniya. Ang mga bumabago-kalagayan ay mga droga na binabago ang mental at emosyonal na mga kakayahan ng isa. Sa madaling salita, ito ay mga droga na nagpapangyari sa iyong maantok, makatulog, maging mahinahon, masigla, nininerbiyos, higit na alisto, o maging sanhi ng mga guniguni. Kabilang dito ang mga trangkilayser, mga narkotiko, sedatibo, alkohol, pati na ang mga gamot para sa sipon o ubo, na maaaring naglalaman ng mga nagbabago-kalagayan na gaya ng antihistamine o alkohol.

Bakit dapat iwasan ng dating sugapa sa droga ang lahat ng gayong mga gamot o droga? Sang-ayon sa isang publikasyon sa rehabilitasyon sa droga: “Ang tanging paraan upang huwag magpatuloy o mapahinto ang bisyo ay huwag kumuha ng unang droga, pildoras o inumin. . . . Idiniriin namin ito sapagkat alam namin na kapag kami ay gumamit ng anumang anyo ng gamot o droga, o ihalili ito sa isa pa, kami ay muling nagiging sugapa.”

Upang ilarawan: Isaalang-alang ang halimbawa ng isang pagaling nang gumagamit ng heroin. Ano ang maaaring mangyari kung, pagkaraang huminto sa heroin sa loob ng ilang panahon, siya ay nagsisimulang uminom ng alkohol? Siya ay tunay na nanganganib na muling pasiglahin ang kaniyang pagnanais na maging “high.” At minsang mapasigla ang kaniyang pagnanais na maging high, napakahirap para sa kaniya na huwag magbalik sa mga droga. Ang “pagnanais,” sabi ng Recovery and Relapse, “na minsan masimulan ang pamamaraan sa pamamagitan ng isang turok ng narkotiko, isang pildoras, o isang inumin, at hindi na kami maaaring huminto sa aming sariling pagkukusa.”​—Ihambing ang Kawikaan 23:35.

Iyan ang nangyari kay Allen, na huminto sa mga droga sa mahigit na isang taon. Noong siya’y nasa ospital, binigyan siya ng isang narkotikong pamatay ng kirot. Pinasigla ng gamot ang kaniyang pagnanais na maging high. Anong resulta? “Nang ako ay lumabas ng ospital, ako ay umiinom na parang baliw,” gunita ni Allen. “Sa wakas ako ay nagbalik sa lahat ng uri ng mga droga sa lansangan.”

Ang Pang-akit ng Mabuting Pakiramdam

Upang maunawaan itong higit, makabubuting isaalang-alang ang pangunahing dahilan sa paggamit ng mga droga​—upang maging mabuti ang pakiramdam. Ito nga ang idinisenyong gawin ng mga drogang nagbabago-kalagayan. Sa ilang mga kaso, ito ay nagsisilbi sa isang kapaki-pakinabang na layunin. Halimbawa, ano kung ikaw ay may matinding kirot mula sa mga pinsalang natamo sa isang malubhang aksidente ng kotse? Ang iyong doktor ay maaaring magreseta ng isang narkotikong gamot na pumapatay-kirot upang tulungan ka na bumuti ang pakiramdam habang ikaw ay pagaling. Bukod sa pagpatay sa kirot, maaari ring paginhawain ka ng gamot sa pamamagitan ng pagbawas ng iyong pagkabalisa. Ito ay dahilan sa mga katangian ng narkotikong nagbabago-kalagayan, na maaaring nakatutulong sa paggaling ng isang pasyente na dumanas ng isang malubhang trauma.​—Ihambing ang Kawikaan 31:6.

Subalit kaiba naman ito sa isang sugapa sa droga. Papaano? Bueno, bakit niya ginagamit ang droga? Siya ba ay pisikal na may karamdaman? Siya ba ay dumaranas ng malubhang mga pinsala? Sa karamihan ng mga kaso, hinahangad niya lamang ang nagpapabago-kalagayan na epekto ng droga. At bakit? Maaaring magsimula siyang uminom ng mga droga para lamang sa katuwaan, sa kasiyahan na natatamo sa pagiging high. Subalit hindi nagtatagal nalalaman niya na ang nagbabago-kalagayan na mga katangian ng mga droga ay maaaring kagyat (bagaman pansamantala) na pinagiginhawa ang emosyonal na mga paghihirap sa buhay. At mentras mas marami siyang ginagamit na mga droga, lalo siyang dumidepende sa mga ito upang takasan ang mga bagay sa kaniyang buhay na nagpapahirap sa kaniya. Ang pang-akit na takasan ito ang siyang nagpapabalik sa kaniya sa droga para sa higit at higit pang nagbabago-kalagayan na epekto nito.

Kaya ang suliranin sa paggaling mula sa maling paggamit ng droga ay hindi lamang ang pisikal na pagkasugapa sa droga kundi gayundin ang mental na pagdepende sa nagbabago-kalagayan na katangian ng droga. Sa kadahilanang iyan, pagkatapos ng paghinto, ang pagaling nang sugapa sa droga ay dapat na lutasin ang pangmatagalang suliranin na matutong mamuhay nang maligayang buhay nang walang mga droga.

Kailangang-kailangan ang Ganap na Pagtigil!

Kaya ang konklusyon ay ito: Ang ganap na pagtigil sa mga droga ay mahalaga sa paggaling.c Ang Bibliya ay nagsasabi sa atin: “Kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo.” (Mateo 5:30) Oo, pinakamabuting ‘putulin,’ o gumawa ng lubusang pag-alpas mula sa, anumang bagay na makapagpapatisod sa atin sa buhay. Hindi ba’t kapit iyan sa isang bagay na mas nakamamatay na gaya ng maling paggamit ng mga droga?​—1 Pedro 2:11.

Subalit minsang ang isang gumagamit ng droga ay magpasiyang huminto sa mga droga, paano siya makapananatili sa kaniyang disisyon? Ang Bibliya ay sumasagot, “Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong isip.” (Roma 12:2) Oo, dapat niyang baguhin ang kaniyang paraan ng pag-iisip, ang kaniyang buong pangmalas sa buhay. Dapat niyang tigilan ang paghahangad na takasan ang mga kahirapan sa buhay sa pamamagitan ng mga drogang nagpapabago-kalagayan at may pagtitiwalang harapin ang mga ito, ginagawa ang gayon sa paraan na talagang nagpapangyari sa kaniya na masiyahan sa buhay sa kabila ng anumang mga kahirapan na maaaring maranasan niya.

Subalit paano magagawa ito? Sa pamamagitan ng kasunod na dalawang hakbang na nasasangkot sa paggaling​—ang emosyonal at espirituwal. Ang mga ito ay tatalakayin sa hinaharap na isyu.

[Mga talababa]

a Pakisuyong tingnan ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Dapat Tanggihan ang mga Droga?” sa labas ng Gumising! noong Agosto 8, 1985.

b Hindi niyan ibig sabihin na lahat ng gumagamit ng droga ay pisikal na dumidepende rito. Ang iba ay paminsan-minsang gumagamit ng mga droga upang maging “high.” Gayunman agad na nalalaman ng mga ito na ang pagiging high ay maaaring gamitin na isang paraan ng paglutas sa mga paghihirap. Ito, mangyari pa, ay maaaring umakay sa emosyonal na pagdepende at pisikal na pagkasugapa.

c Mangyari pa, may ilang nagsasapanganib-buhay na mga kalagayan kung kailan maaaring kailanganin ang paggamit ng nagbabago-kalagayan na droga sa isang dating sugapa. Sa kasong ito ang droga ay gumaganap ng isang mahalagang bahagi sa aktuwal na paggaling mula sa trauma dahilan sa karamdaman o aksidente. Pananagutan ng dating gumagamit ng droga na ipaalam sa kaniyang doktor ang tungkol sa kaniyang nakalipas na kasaysayan sa mga droga. Minsang malaman ng doktor ang gayong impormasyon, nasa mas mabuting kalagayan siya na magpasiya kung anong gamot ang kinakailangan o hindi.

[Larawan sa pahina 17]

Maaari kaya siyang akayin ng iniresetang mga gamot na muling maging sugapa?

[Larawan sa pahina 18]

Bago magreseta ng gamot ang isang doktor, dapat ipaalam sa kaniya ang nakaraang maling paggamit sa droga ng pasyente

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share