Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 3/8 p. 29-31
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ginawang-Muli ang Bomba sa Hiroshima
  • Kahirapang Aprikano
  • Isang Nahahating Bahay
  • Unang Naisin
  • Muling Itinago
  • Hindi Mananakaw na Pagtatanghal ng Sining
  • Nanganganib ng mga Elepante
  • Patay na Dagat
  • Mga Aborsiyon ng Taga-Canada
  • Mga Sanggol na Nag-iisip
  • Mga Pag-inom sa TV
  • Ang Salapi ay Nagsasalita!
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1986
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1992
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1986
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—1985
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 3/8 p. 29-31

Pagmamasid sa Daigdig

Ginawang-Muli ang Bomba sa Hiroshima

Isang katulad na katulad ng bomba atomika na pumatag sa Hiroshima ang ginawa ng mga mananaliksik sa Los Alamos National Laboratory sa New Mexico. Ang dahilan? Upang lutasin ang misteryo na nananatili pa rin tungkol sa mga epekto ng radyasyon mula sa pagsabog mga 40 taon na ang nakalipas. Samantalang ang bomba sa Nagasaki at iba pang mga bomba na sinubok ay mga sandatang plutonio, ang bomba sa Hiroshima lamang ang bombang uranio. Noong maagang 1980’s, ipinakita ng muling pagtatasa sa pagsabog nito na ang dating mga kalkulasyon ay mali, at na sa halip na radyasyon na neutron, ang karamihan ng inilabas ng bomba ay mga gamma rays. Isang pinagsamang pagsisikap ng mga 60 siyentipiko mula sa Estados Unidos at Hapón ay kasalukuyang ginagawa upang lutasin ang suliranin tungkol sa kung aling kalkulasyon ang wasto at upang itatag ang data na tutulong upang maglagay ng ligtas ng mga hangganan para sa pagkalantad ng tao sa radyasyon. “Ang aralin ay na wala kaming tunay na ideya sa lawak ng biyolohikal na mga epekto ng mga sandatang nuklear na ginagamit sa panahon ng digmaan,” sabi ni Dr. Hugh DeWitt, isang pisikó sa isa sa dalawang mga pasilidad sa Estados Unidos kung saan ang mga sandatang nuklear ay idinidisenyo. “Ang mga kahihinatnan ay maaaring masahol pa kaysa inaakala ng sinuman sa Kagawaran ng Pagtatanggol.”

Kahirapang Aprikano

“Ang ika-21 miting ng Organisasyon sa Pagkakaisa ng Aprika ay nagwakas . . . pagkatapos na pagtibayin ang isang deklarasyon na ang karamihan ng mga bansa sa kontinente ay malapit na sa ‘pagbagsak ng kabuhayan,’” ulat ng The New York Times. “Nakakaharap ng halos 150 milyong mga Aprikano ang mga kakapusan ng pagkain, at halos kalahati ng mga bansa sa Aprika ang umaasa sa tulong na pagkain.” Kabilang sa mga paraan na iminungkahi upang mabawasan ang mga problema ay ang higit na pamumuhunan sa agrikultura, isang mas kapaki-pakinabang na patakaran ng pagpipresyo para sa mga magsasaka, at ang pagkakaroon ng mga pangganyak para sa paglago sa industriya. “Ang suliranin ngayon ay kung baga aktuwal na ikakapit ang mga rekomendasyong ito,” sabi ng isang opisyal sa Silangang Aprika. Yamang napapansin na ang ilang mga bansa ay nagsimula nang gumawa ng mga pagbabago, sabi pa niya: “Ang iba, tapatan, ay tila may ibang prayoridad.”

Isang Nahahating Bahay

“Ang Kagawaran ng Agrikultura ay gumugugol ng $5.3 milyong isang taon sa pananaliksik upang gawin ang tabako na ‘isang ligtas na sigarilyo,’” ulat ng The New York Times, samantalang ang Department of Health and Human Services ay nagsasabi na ang gayong pananaliksik ay walang kabuluhan. “Ang konklusyon na narating namin mga ilang taon na ang nakalipas ay na walang ligtas na sigarilyo,” sabi ni Donald R. Shopland, pansamantalang direktor ng Office on Smoking and Health. “Mas mabuti pang gastusin ang salaping iyan upang ihinto ang paninigarilyo sa halip na sikaping baguhin ang inhinyerya ng sigarilyo.” Ang pananaliksik ng Kagawaran ng Agrikultura ay may sampung taon na. Ikinakaila ng tagapagsalita ng industriya ng tabako na sila ay gumagawa ng gayunding pananaliksik. Sabi ng isa: “Wala kaming nalalamang anumang bagay na gumagawa sa sigarilyo na hindi ligtas, kaya paano kami makagagawa tungo sa pagkakaroon ng mas ligtas na sigarilyo?”

Unang Naisin

“Ano ang gustung-gusto ng mga kabataang Hapones?” tanong ng Asahi Evening News. “Sang-ayon sa isang surbey kamakailan, ang salapi. At nasumpungan ng surbey na hindi sila sinisikap na pigilin ng kanilang mga magulang.” Ang surbey sa 1,244 mga estudyante sa primarya- at junior-high-school at sa kanilang mga magulang sa Koganei, isang lunsod sa labas ng Tokyo, ay isinagawa ng konsilyo ng lunsod tungkol sa mga suliranin ng mga kabataan. Bakit nila gusto ang salapi? “Para sa kasiyahan ng pagkakaroon nito,” sabi ng 57 porsiyento ng mga kabataan sinurbey, samantalang 43 porsiyento ang nagsabi na kinakailangan nila ang salapi “upang bumili ng isang bagay.” Sabi ng pahayagan: “Ang konsilyo ay naghinuha na ang bagay na mahigit sa 50 porsiyento ng mga kabataan ay interesado sa salapi ay nagpapahiwatig na ang kanilang daigdig ay di naiiba sa daigdig ng mga may sapat na gulang kung saan ang yen ay makapangyarihan-sa-lahat.”

Muling Itinago

Ang pangalan ng Diyos, na Jehova, ay nahayag kamakailan sa panahon ng pagbabago at pagkukumpuni sa 200-taóng-gulang na simbahan ng Kuhmoinen, Finland. Habang inaalis ang lumang pintura, ang salitang “Jehova” (Pinlandes na pagbaybay sa banal na pangalan) sa malalaking titik ay malinaw na mababasa sa dingding sa itaas mismo ng altar at sa ilalim ng isang malaking iginuhit na larawan sa dingding. Ang hinaharap ng “bahagyang nakalilitong salitang ito, gayundin ng malaking ipinintang larawan sa dingding,” sabi ng lokal na pahayagang Kuhmoisten Sanomat, “ay isinaalang-alang ayon sa iba’t ibang aspekto nito sa loob ng kongregasyon, at sila ay nagpasiya na ipaubaya ang disisyon sa konsilyo ng parokya.” Inaakala ng kurador ng museo ng Central Finland, si Janne Vilkuna, na ang iginuhit na larawan “ay napakahalaga anupa’t ito ay dapat na kumpunihin agad taglay ang propesyonal na kasanayan,” ulat ng pahayagan. Subalit ang konsilyo ng parokya ay nagkaisa na takpan ang iginuhit na larawan ng entrepanyo o panel at sa gayo’y itago ang “nakalilitong” pangalan ng Diyos.

Hindi Mananakaw na Pagtatanghal ng Sining

Nang ang mga 150 napakahalagang mga gawa ng sining mula sa Unyong Sobyet ay inilulan sa barko kamakailan para sa pagtatanghal sa London, “walang komboy ng mga sasakyan o nasasandatahang mga trak, walang malalaking seguro, at walang mga kapaligirang kontrolado ang temperatura,” ulat ng Observer. Bakit? Sapagkat lahat ng mga gawa ng sining ay dumating sa anyong holograpiko (tatlong dimensiyon na larawan). Ito’y nagpangyari na ilakip ang mga bagay na napakatanda na at napakadelikado upang ilipat-lipat, gayundin ginawa nitong posible na ang mga ito ay maitanghal sa iba’t ibang dako nang sabay-sabay. “Ang isa lamang ‘piraso’ na nakatanghal, isang Scythian pektoral na ginto noong ikaapat ng siglo BC, ay nakaseguro sa halagang $10 milyong at kailangang mayroong permanenteng nasasandatahang bantay nang ito ay maglakbay sa Estados Unidos mga ilang taon na ang nakalipas,” sabi ng pahayagan. Ang may kulay na mga hologramo na sinasabing pinakamahusay na uring nagawa kailanman, ay ginawa sa pamamagitan ng isang “malakas, pitong wavelength pulsed laser.”

Nanganganib ng mga Elepante

Ang Central African Republic ay isa sa huling kanlungan ng mga elepante sa Aprika, sabi ng mga tagapangalaga ng maiilap na hayop. Subalit inuulat ng isang pangkat na nagsurbey sa himpapawid ang isang “lubhang pag-unti” sa populasyon ng mga elepante roon sa nakalipas na apat na taon, sang-ayon kay Dr. Iain Douglas-Hamilton, isang membro ng pangkat na nagsurbey at isang kilalang dalubhasa sa mga elepante sa Aprika. Pinapatay ng mga mangangaso mula sa Sudan at Chad ang mga hayop dahilan sa kanilang mga pangil. Isa pa, pinapatay ito ng lokal na mga tao dahilan sa kanilang garing at karne. Tinataya ng pangkat na nagsurbey na ang populasyon ng elepante sa republika ay bumaba mula 80,000 tungo sa 15,000 sa nakalipas na sampung taon.

Patay na Dagat

“Ang North Sea ay biyolohikal na mamamatay sa loob ng 25 mga taon sa pinakamatagal, at maaaring sa loob ng tatlong taon,” sabi ng The German Tribune, na nag-uulat tungkol sa surbey na isinagawa ni Propesor Konrad Buchwald ng Hanover University. Sang-ayon kay Buchwald, ang pinakamabuting magagawa ay panatilihin ang polusyon sa kasalukuyang antas nito. Wala siyang nakikitang pag-asa sa pagsasauli sa North Sea sa dati nitong katayuan kung tungkol sa kalinisan nito.

Mga Aborsiyon ng Taga-Canada

Isinisiwalat ng isang pederal na pag-aaral ng Statistic Canada na ang bilang ng mga aborsiyon ng mga tin-edyer ay dalawang ibayong mahigit ang itinaas kaysa mga aborsiyon ng mga babaing mahigit 25 anyos. May 16 na mga paglalaglag na isinasagawa sa bawat 1,000 ng mga batang babae sa pagitan ng edad na 15 at 19. Maihahambing ito sa 7 sa bawat 1,000 sa mga babae na ang edad ay 25 hanggang 44, at 18 sa bawat 1,000 sa mga babaing 20 hanggang 24 anyos. “Sa 17,725 na mga aborsiyon na isinagawa sa mga tin-edyer noong 1981, 7 porsiyento ang inulit na mga operasyon, tumaas mula 5 porsiyento,” sabi ng The Globe and Mail ng Toronto, Canada, sa pag-uulat ng mga tuklas. Ang dami ng mga inulit na aborsiyon sa mga babaing edad 20 hanggang 24 ay tumaas sa 16 porsiyento mula 11 porsiyento.”

Mga Sanggol na Nag-iisip

“Ang pag-asa na ang isang sanggol na 2-araw-na-gulang ay maaaring aktuwal na nagsasagawa ng panimulang pag-iisip ay pinagkakaguluhan ng mga dalubhasa sa paglaki ng bata,” ulat ng The Toronto Star. Kamakailan lamang, sabi ng report, naniniwala ang mga dalubhasa na ang mga sanggol na wala pang 8 o 12 na mga buwan ay hindi nakapag-uugnay ng mga impormasyon mula sa mahigit sa isa ng kanilang mga pandamdam. Subalit sa taunang miting ng American Association for the Advancement of Science sa taóng ito, iniulat ni Andrew Meltzoff ng University of Washington na ang mga sanggol na 12 hanggang 21 araw ang gulang ay napansin na ginagaya ang mga pagkilos ng mukha. Siya’y naghinuha na ang isang sanggol ay may kakayahang “iugnay ang mga impormasyon na tinatanggap nito mula sa iba’t ibang pandamdam sa pagkasilang, at ito ay may sikolohikal na mga mekanismo sa pag-uugnay sa sarili nito at sa ibang tao mula sa simula.”

Mga Pag-inom sa TV

Ang mga magulang na nababahala tungkol sa kung ano ang napapanood ng kanilang mga anak sa TV ay mayroon pang isang bagay na dapat ikabahala: ang pag-inom. Sang-ayon sa isang surbey ng nangungunang mga brodkast sa TV sa United Kingdom, 71.7 porsiyento ng lahat ng katha-kathang mga programa ay nagtatampok ng mga eksena ng pag-inom ng alak, at sa katamtaman ay may 3.4 gayong mga eksena sa bawat oras. Gayunman, higit pang nakababahala ay ang tuklas na “kaunting-kaunti lamang ang mga paglalarawan ng pag-inom ng alak na may mas espisipikong mga kahihinatnan, gaya ng mga pagsalakay, mga aksidente sa kotse, sunog, pagpatay sa kapuwa, pag-abuso sa pamilya, o karamdaman,” sabi ni Anders Hansen, ang mananaliksik ng University of Leicester na nagsagawa ng pag-aaral. Sa kabaligtaran, ang gayong mga programa ay nagbibigay ng impresyon sa mga nanonood na ang pag-inom ay bahagi ng mabuting buhay o istilo ng pamumuhay ng mga mayaman at nakaririwasa.

Ang Salapi ay Nagsasalita!

Sa pagsisikap na tulungan ang mga bulag, ang Science-Technology Work Shop ng Carleton University sa Canada ay gumagawa ng isang nabibitbit, mababang-halagang aparato na maaaring “bumasa” sa halaga ng perang papel at “sabihin” ang halaga nito sa Pranses o Ingles sa pamamagitan ng isang voice synthesizer. Malalaman ng isang napakaliit na microprocessor ang halaga sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri sa serye ng matingkad at di-matingkad na mga guhit, kahawig niyaong mga masusumpungan sa maraming produkto sa maraming bansa. Ang mga tagapagtaguyod ng imbensiyon ay umaasa na ang mga guhit ay isasama sa mga perang papel ng Canada sa susunod na panahon na ang mga ito ay muling idisenyo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share