Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 6/8 p. 13-15
  • Gaano Kahalaga ang Hitsura?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gaano Kahalaga ang Hitsura?
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Para Lalong Gumanda
  • Malakas na mga Impluwensiya
  • Nilalabanan ang ‘Magagandang Taong’ Pantasiya
  • Ang Kaisipan ng Diyos Tungkol Dito
  • Gaano Kahalaga ang Hitsura?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
  • Paano Ko Gagawing Mas Kaakit-akit ang Aking Sarili?
    Gumising!—2002
  • Sobrang Conscious Ba Ako sa Hitsura Ko?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Kapag ang Pag-aalala sa Hitsura ay Naging Obsesyon
    Gumising!—2004
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 6/8 p. 13-15

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .

Gaano Kahalaga ang Hitsura?

‘Hindi ko naiibigan ang aking katawan,’ panangis ng 16-anyos na si Maria. ‘Sa palagay ko’y hindi ako maganda’

SABI mo’y hindi mo naiibigan ang iyong hitsura? Bueno, iilan sa atin​—kung mayroon man​—ang lubhang nasisiyahan sa ating pisikal na hitsura. Di-gaya ni Narcissus, na naibigan ang kaniyang larawan sa isang lawa ng tubig, ang iba sa atin ay halos manlumo kapag nakikita natin ang ating larawan sa salamin.

Totoo ito lalo na kung ikaw ay isang lumalaki, marahil ay nababalisa-sa-sarili na kabataan. ‘Hindi ko naiibigan ang aking katawan,’ panangis ng 16-anyos na si Maria. ‘Sa palagay ko’y hindi ako maganda.’ Ganiyan din ang hinanakit ng trese-anyos na si Bob: ‘Hindi ko nagugustuhan ang aking buhok, ang pagtikwas nito sa likod.’

Mangyari pa, natural lamang na naisin nating maging kaakit-akit. At ang pagsisikap na pangalagaan ang iyong personal na hitsura ay mabuti. Gayumpaman, ang pagkabahala ba tungkol sa iyong hitsura ay nagiging pangunahin sa iyo? Hindi mo ba naiibigan ang iyong sarili dahilan sa iyong hitsura? Kung gayon, tanungin ang iyong sarili, Matuwid ba ang aking mga reklamo? Maaari kayang ako’y nadadala lamang ng walang-lubay na paghahangad na lalong gumanda?

Para Lalong Gumanda

Oo, para sa marami, ang buhay ay parang walang katapusang hangaring lalo pang gumanda. Nakakita na kayo ng mga gayon. Ang likas na balingkinitang babae na nag-aakalang napakapayat niya anupa’t halos masuka siya sa kakakain. Ang maganda’t mabilog na babae na nag-aakalang siya’y mataba anupa’t halos gutumin niya ang kaniyang sarili sa kamatayan. O yaong gaya ni Annie, na mas matangkad kaysa sa kaniyang mga kaklase. Nasisiyahan ba siya sa kaniyang taas? Nagugunita niya: “Ako ay mas mataas sa lahat. Ikinahihiya ko ito. Mayroon akong maliit na kaibigan at inggit na inggit ako sa kaniya.”

Sa gayon, ang mga pantulong sa kagandahan, mga aparato, at mga mekanismo ay nananagana. Ang mga plastic surgeon ay dumami at umasenso ang kabuhayan. At sa panganib ng kalusugan at kaligayahan, ang mga kabataan ay nababalisa sa mga bagay na hindi maaaring baguhin. Mayroon bang lunas sa animo’y tsubibong ito ng kawalang kasiyahan? Mayroon! Subalit ang susi ay ang pagkakaroon ng tamang pangmalas sa iyong hitsura. Paano mo ito matatamo? Simulan natin sa pamamagitan ng pag-unawa kung bakit gayon ang nadarama mo.

Malakas na mga Impluwensiya

Maraming mga puwersa na nakakaimpluwensiya sa ating mga palagay at mga inaakala tungkol sa ating hitsura. Ang isang impluwensiya ay nagmumula sa atin mismo. Tinatawag ng Bibliya ang gayon na “pita ng kabataan.” (2 Timoteo 2:22) Ang mga pitang ito ay maaaring mahayag mismo sa maraming paraan, at ang isa ay ang labis-labis na pagkabahala sa hitsura.

Gayunman, kapuna-punang ipinakikita ng propesor sa saykayatri na si Richard M. Sarles na ang mga pitang iyon ay kadalasan nang itinataguyod: “Ang pagbibinata o pagdadalaga ay isang panahon ng pagbabago kung saan nagaganap ang malaking reorganisasyon ng katawan. . . . Upang pakitunguhan ang kaasiwaan ng pagbabago sa katawan, ang karamihan ng mga nagbibinata o nagdadalaga ay umaasa sa kasiguruhan ng kanilang mga kaedad.” Sa ibang pananalita, kung hindi napapansin ng ating mga kaibigan kung gaano kalaki ang ating ilong, maaari nating hindi pansinin ito. Subalit kapag napansin ng ating mga kaedad, pinapansin din natin ito.

Isa pang malakas na impluwensiya ay ang tusong sistema na kilala bilang media. Mula sa kabataan patuloy, tinuturuan tayo ng TV, mga aklat, at mga pelikula na ang “mabuting” mga tao ay magaganda at na ang “masamang” mga tao ay pangit, isang paksang walang-lubay na umaalingawngaw sa media. Pinalulubha nito ang hilig ng di-sakdal na mga tao na ‘tingnan ang mga bagay-bagay ayon sa panlabas na halaga nito,’ upang uriin ang mga tao ayon sa kanilang mga hitsura.​—2 Corinto 10:7.

Sa gayon gagawin ng media na paniwalaan mo na kung ikaw ay hindi balingkinitan, mapanghalina, high cheekboned, malasutla ang kutis na kagandahan, o ikaw ay maskulada, mabuti pang magtago ka na​—o huwag ka nang umasang maging popular, matagumpay, o maligaya. Mangyari pa, may kamalayan marahil ay nakikita mo ang pamamaraan o taktika rito ng media: kawalang saysay. Gayunman, ang karamihan ng epekto ng media ay subconscious. Tuso o tahasan, ang kagandahan ay minimithi o sinasamba sa lahat ng panahon! Ang kaakit-akit na mga hitsura ay nagbibenta ng anumang bagay mula sa mga pabango hanggang sa mga lagari. Bunga nito, binibili ng maraming tao hindi lamang ang produkto kundi ang pilipit na paniniwalang ang hitsura ang mahalaga sa lahat.

Nilalabanan ang ‘Magagandang Taong’ Pantasiya

Walang alinlangan, kung gayon, ang ‘magagandang tao’ na pantasiya ay nakakaimpluwensiya sa marami. Ang buhay ay nagiging walang-katapusang ikot ng usong mga pagkain, masagwang mga kosmetiko, at mamahaling mga paggagamot. Gayunman, ang Bibliya ay nagsasabi: “Huwag hayaang hubugin kayo ng sanlibutan.” (Roma 12:2, Phillips) Isip-isipin: Sino ang nagtataguyod ng ideya na kinakailangan mong tularan ang isang anyo o hitsura kung nais mong maging popular, matagumpay, o maligaya? Hindi ba ang mga tagagawa at mga tagapag-anunsiyo na nakikinabang mula sa gayong panlilinlang? Bakit hahayaan mong hubugin nila ang iyong pag-iisip? At kung ang mga pamimintas tungkol sa iyong hitsura ay mula sa mga kaibigan, sino nga ang nangangailangan ng ganiyang “mga kaibigan”?

Ang Bibliya ay nagpapayo pa sa iyo na “mag-isip upang magkaroon ng isang matinong kaisipan.” (Roma 12:3) Maaaring mangahulugan iyan ng hindi basta paniniwala sa propaganda​—mula sa mga kaibigan o mula sa media​—na nagtataguyod ng pagkadiskontento sa sarili. Hindi ba’t totoo na kakaunti lamang ang talagang mukhang mga supermodelo? “Ang kagandahan ay parang bula,” sabi ng Bibliya. (Kawikaan 31:30, Byington) Kaya kahit na ang mga taong binabayaran dahilan sa kanilang mga hitsura ay nasa kanilang tugatog sa sandaling panahon lamang​—sapagkat sila ay pinapalitan ng bagong mga mukha. Isa pa, maaaring pagandahin ang mukha at katawan ng makeup, lighting, at photographic magic. Ang iba ay nabigla nang personal nilang makita ang kanilang paboritong kilalang tao nang walang kaayus-ayos sa mukha!

Isaalang-alang pa ang isang punto: Hindi ba’t ang karamihan sa iyong mga kaibigan ay pangkaraniwan lamang ang hitsura? Ang iba sa kanila ay maaari pa ngang ipalagay na hindi kaakit-akit ng ilang mga pamantayan. At kumusta naman ang iyong mga magulang? Ang sinuman ba sa kanila ay maaaring ilagay sa takip na isang fashion magasin? Malamang na hindi. Subalit binabago ba niyan ang pagtingin mo sa kanila? Sa katunayan, minsang maintindihan mo kung ano talaga sila at hindi kung ano ang kanilang hitsura, malamang na bihira mo pa ngang pag-isipan ang tungkol sa kanilang hitsura.

Sa wakas, hindi ba totoo na bilang isang lumalaking kabataan, sa anu’t ano man ang iyong hitsura ay nagbabago? Ang mga tin-edyer ay gumugulang sa iba’t ibang antas. Kaya’t kung ikaw ay napakababa o napakataas, o kung ang iyong kutis ay hindi maganda, magtiis ka. Ipaubaya mo sa panahon ang ilan sa mga tinatawag na mga kapintasang ito.

Ang pagsusuri sa gayong mga bagay taglay ang matinong isipan ay maaaring mag-ingat sa iyo sa kabiguan na tularan ang mga artista o mga modelo o gumawa ng di-kinakailangang mga paghahambing ng iyong sarili sa ibang mga kabataan. Mayroon kang mabuting mga katangian na nakahihigit sa anumang pisikal na kakulangan​—guniguni man o tunay. Gayunman, mayroon pang isang mahalagang salik na dapat mong isaalang-alang.

Ang Kaisipan ng Diyos Tungkol Dito

Napansin mo ba kung paanong kaunti lamang ang binabanggit ng Bibliya tungkol sa hitsura ng mga tao? Bakit hindi tayo sinabihan kung ano ang hitsura ni Abraham, Maria​—o kahit na ni Jesus? Maliwanag, hindi ito itinuturing ng Diyos na mahalaga.

Sa katunayan, minsan ay tinanggihan ng Diyos na maging hari ang binatang nagngangalang Eliab, na totoong may hitsura at maganda ang pangangatawan! Ipinaliwanag ng Diyos na Jehova kay propeta Samuel: “Huwag mong tingnan ang kaniyang hitsura at ang kaniyang taas. . . . Sapagkat ang pagtingin ng tao ay di-gaya ng pagtingin ng Diyos, dahil sa ang nakikita lamang ng hamak na tao ay yaong nakikita ng mga mata; ngunit para kay Jehova, nakikita niya ang nasa puso.” (1 Samuel 16: 6, 7) Bagkus pinili ng Diyos ang batang nagngangalang David.

Matuwid lamang, kung gayon, hinihimok tayo ng Bibliya na ituon ang ating pansin, hindi sa panlabas na kagayakan, kundi sa “lihim na pagkatao sa puso.” (1 Pedro 3:3, 4) Mangyari pa, hindi ito nangangahulugan na dapat nating pabayaan ang ating panlabas na hitsura. Hinihimok tayo ng Bibliya na panatilihin ang mataas na pamantayan sa pananamit at pag-aayos. (Ihambing ang 1 Timoteo 2:9.) Isa pa, kung minsan maaaring makapanlumo sa atin nang bahagya ang ating panlabas na hitsura. Subalit anong kaaliwan na malaman na sa Diyos, ang Isa na talagang mahalaga, ang ating hitsura ay hindi siyang pinakamahalagang bagay! “Nakikita niya kung ano ang nasa puso.” Hindi ba’t matalino kung gayon na huwag labis na mag-alala tungkol sa iyong hitsura kundi bagkus ay pagandahin ang iyong puso sa harap niya?

[Larawan sa pahina 14]

Kung ano ang kinaiinisan mo sa iyong sarili ay maaaring kinaiinggitan ng iba

[Larawan sa pahina 15]

Mayroon kang magandang mga katangian na nakahihigit sa anumang pisikal na mga kakulangan

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share