Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 7/8 p. 3
  • Digmaan o Kapayapaan—At Ikaw

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Digmaan o Kapayapaan—At Ikaw
  • Gumising!—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Tunay na Kapayapaan—Saan Kaya Magmumula?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Kapayapaan at Katiwasayan—Ang Pangangailangan
    Gumising!—1986
  • Ang Digmaan na Tatapos sa mga Digmaan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Pulitika—Ang Bunga Nito Noong Digmaang Pandaigdig I
    Gumising!—1985
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 7/8 p. 3

Digmaan o Kapayapaan​—At Ikaw

Ano ang Digmaan?

“Ang digmaan ay isang elemento ng kaayusan ng daigdig na itinatag ng Diyos. Kung walang digmaan ang daigdig ay hindi susulong at padadala na lamang sa materyalismo.”​—Mariskal de-kampong Aleman na si Helmuth von Moltke.

“Sugpuin mo ang digmaan, at ito’y parang pagsugpo sa pamamaraan ng kalikasan.”​—Joseph P. Goebbels, Nazing ministro sa propaganda at pambansang patalastas.

‘Isang bahagi ng pulitika.’​—Pinunong Ruso na si Lenin.

“Ang tanging pag-aaral ng isang prinsipe. Dapat niyang ituring ang kapayapaan bilang isang pahinga, na magbibigay sa kaniya ng panahon upang magpakana, at tustusan ang kaniyang kakayahan na isagawa, ang mga planong militar.”​—Italyanong pulitikal na pilosopo na si Niccolò Machiavelli.

Ano ang Kapayapaan?

“Isang yugto ng pandaraya sa pagitan ng dalawang yugto ng paglalaban.”​—Ambrose Bierce, peryodistang Amerikano.

“Isang naghihingalong kalagayan, na pinangyari ng labis na mga sibilyan, na sinisikap lunasan ng digmaan.”​—Cyril Connolly, kritiko at manunulat na Ingles.

“Isang panaginip, at hindi pa nga isang magandang panaginip.”​—Helmuth von Moltke.

ANO ang palagay mo sa siniping mga kapahayagan? Nakikita mo ba ang isang mapang-uyam na paglapit o pagharap sa digmaan at kapayapaan? Nagbibigay ba ito sa iyo ng impresyon na para sa maraming tao, lalo na sa mga namumuno at mga pulitiko, ang buhay ay walang halaga​—basta hindi ang kanilang buhay ang nakataya? Gayunman natitiyak namin na anuman ang iyong nasyonalidad nanaisin mong mabuhay sa isang daigdig na mapayapa at nagkakaisa.

Sa loob ng 6,000 taon ng kasaysayan ng tao, daan-daang angaw ang nasawi sa digmaan. Kahit na pagkatapos maranasan ang dalawang digmaang pandaigdig, ang kapayapaan at pagkakaisa ay parang isang panaginip lang. Gaya ng isinulat ni Gwynne Dyer sa kaniyang bagong aklat na War: “Noong huling dalawang taon ng Digmaang Pandaigdig II, mahigit isang milyon katao ang pinapatay sa bawat buwan. Kung ang mga dakilang kapangyarihan ay minsan pang makipagdigma sa isa’t isa, ginagamit ang lahat ng mga sandata na taglay nila ngayon, isang milyon katao ang mamamatay sa bawat minuto.” At kung makikidigma ang mga kapangyarihang nagtataglay ng mga sandatang nuklear, kukonsultahin ba muna nila ang opinyon ng mga tao? Ang kasaysayan ay sumasagot ng hindi.

Ang nakaraang mga labanan at ang kasalukuyang potensiyal ng pagpatay ay aakay sa atin na magtanong, Ano ang mga sanhi ng digmaan? Ano ang mga pag-asa sa isang tunay, walang hanggang kapayapaan sa ating panahon​—hindi lang basta isang pahinga sa pagitan ng mga digmaan? At sa nuklear na panahong ito, ang walang hanggang kapayapaan ba ay isang mailap na panaginip?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share