Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 3/22 p. 27
  • Ipagbawal ang Paninigarilyo sa mga Eruplano?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipagbawal ang Paninigarilyo sa mga Eruplano?
  • Gumising!—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Talaga Bang Gayon Kasama ang Paninigarilyo?
    Gumising!—1991
  • Sigarilyo—Tinatanggihan Mo ba Ito?
    Gumising!—1996
  • Ikinakalat Ba Nila ang Kamatayan?
    Gumising!—1988
  • “Maaari Mong Ihinto—Nagawa Namin!”
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 3/22 p. 27

Ipagbawal ang Paninigarilyo sa mga Eruplano?

Tinalakay ng doktor at abugadong si Lee S. Glass hindi pa natatagalan ang kontrobersiyal na paksang ito sa isang artikulo sa Newsweek.

Ulat niya: “Nang banggitin ko sa isang superbisor ng maintenance ang tungkol sa paninigarilyo, ako’y sinabihan na ito’y totoong magastos para sa mga airlines. Ang lahat ng libra-librang mga tabakong iyon na nagiging mga onsa ng abo ay hindi basta naglalaho. Pagkatapos mag-iwan ng maraming carcinogen nito sa bawat bagà ng maninigarilyo, ito ay nagtutungo sa sistema ng bentilasyon, sinisira ang mekanismo nito na katulad ng atherosclerosis. Binabarahan ng usok na iyon ang mga tubong metal kung paanong binabarahan nito ang mga arteriya ng naninigarilyo, at malaki ang nagagastos upang ayusin ang mga sistema.” Kung gayon bakit ipinahihintulot ng mga airlines ang hindi kinakailangang gastos na ito, samantalang higit na panahon at salapi ang matitipid nila sa pagbabawal sa paninigarilyo?

“Ang dahilan kung bakit ipinahihintulot iyon ng mga airlines,” sabi ni Glass, “ay sapagkat ang mga buwis na nakukuha sa pagbibili nito sa mga maninigarilyo ay nakahihigit sa halaga na matitipid sa pamamagitan ng pagbabawal sa paninigarilyo.”

Si Glass ay hindi sang-ayon sa argumentong ito. Ikinakatuwiran niya na sa malaunan, ang maliit na mga kalugihan ay mababawi sa pamamagitan ng pagtangkilik ng mga hindi naninigarilyo at “ng bawat organisasyon laban sa paninigarilyo mula sa Savannah hanggang sa San Francisco.” Sa dakong huli, “makukuha rin [ng mga airlines] ang mga maninigarilyo, na hindi magsisigarilyo, sapagkat walang upuan para sa mga maninigarilyo. Malaki ang mababawas nila sa mga halaga ng maintenance sapagkat ang kanilang mga bentilador ay mawawalan ng mga labí ng usok. Maisasagawa nila ang isang malaking hakbang tungo sa pagpapahusay ng pambansang kalusugan at maaaring di-tuwirang makatulong sa ilan na huminto sa paninigarilyo.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share