Mula sa Aming mga Mambabasa
Pagpapasulong ng Iyong Pagbabasa
Salamat sa inyong artikulong “Maaari Kang Maging Lalong Mahusay na Mambabasa!” (Enero 22, 1985 sa Tagalog) Problema ko ang pagbabasa ng marami subalit kaunti ang natatandaan. Sinusunod ang mga mungkahi sa inyong artikulo, inaakala kong ako ay sumulong ng 70 porsiyento sa pagtatanda ng impormasyon na aking nabasa, lalo na kapag ikinakapit ko ang mungkahi sa kahon na may pamagat na “Pagrerebista ng Di Katha,” sa pahina 12.
J. H., Brazil
Tulong sa Paaralan
Ako’y isang guro ng matematika at siyensiya sa high school. Alam ng aking mga estudyante na ako ay isa sa mga Saksi ni Jehova. Noong nakaraang Disyembre ang bawat estudyante ay kailangang gumawa ng isang paksa tungkol sa kapayapaan. Isang araw, dalawang estudyante ang pumunta sa aking bahay at nagtanong kung mayroon akong anumang babasahin tungkol sa paksang kapayapaan. Maligaya akong nagpatotoo sa kanila at inalok sila ng inyong mga labas tungkol sa kapayapaan. (Abril 8 at 22, 1986 sa Tagalog) Pagkaraan ng ilang araw, halos lahat ng estudyante sa paaralan ay nagtungo sa aking tahanan upang kunin ang mga isyung ito nang sila’y makapaghanda ng iniatas sa kanila na paksa. Isa sa mga estudyante ay tumanggap ng gantimpala.
G. C., Italya
Pag-inom at Pagmamaneho
Ang aking taos-pusong pagpapasalamat sa inyong serye ng mga artikulo tungkol sa pag-inom at pagmamaneho. (Agosto 8, 1986 sa Tagalog) Bilang isang direktor sa kaligtasan ako ay hinihiling ilang beses sa isang taon na magbigay ng mga presentasyon sa mga organisasyon ng simbahan tungkol sa maling gamit ng alkohol at mga epekto nito. Ang mga reperensiya mula sa Bibliya na ginamit sa lahat ng artikulo ay gagamitin ko sa aking programa. Minsan pa, salamat sa paglalathala ng tampok na ito sa isang totoong nakapagtuturo at relihiyosong liwanag.
R. W., Nebraska, E.U.A.
Katatapos ko lamang basahin ang inyong mga artikulo tungkol sa pag-inom at pagmamaneho. Ako’y nagtuturo ng edukasyon sa pagmamaneho (driver education) sa isang senior high school at nasumpungan ko na ang mga artikulo ay napakahusay ang pagkakasulat at nagbibigay ng tumpak na ulat ng problema. Tinalakay ko ang paksa tungkol sa pag-inom at pagmamaneho sa aking mga estudyante sa unang semestre. Ang inyong mga artikulo ay magsisilbing isang ekselenteng rebista tungkol sa mahalagang paksang ito. Nais kong humingi ng pahintulot na gumawa ng mga photocopy ng mga artikulong ito upang ipamahagi sa humigit-kumulang 515 mga estudyante sa mga klase ko sa driver education.
R. D., Pennsylvania, E.U.A.
Ang pahintulot ay ipinagkakaloob sa pamamagitan ng tuwirang liham.—ED.
Ako’y awang-awa kay Shirley Ferrara at sa kaniyang asawang si Steve. Kami ng mister ko ay nawalan ng aming anak na lalaki sa isang aksidente ng kotse noong Setyembre 1982. Siya ang aming kaisa-isang anak at 18 anyos lamang. Siya’y isang pasahero sa isang kotse na minamaneho na isang lasing na lasing na kabataan. Dahilan sa teknikalidad, inalis ng Korte Suprema ng Colorado ang mga pagsasakdal ng homisidyo laban sa binatang nagmamaneho, bagaman ang kaniyang BAC ay mahigit sa 0.10 porsiyento na itinuturing na legal na lasing. Ang huling balita ko siya ay malakas pa ring uminom at nagmamaneho pa rin na lasing. Sana siya ay matulungan bago makapatay naman siya ng iba.
J. G., Colorado, E.U.A.
Kami ng mister ko ay namatayan ng aming 16-anyos na anak na babae dahilan sa isang lasing na nagmamaneho noong 1983. Siya ang aming kaisa-isang anak. Bagaman sinisikap ng mga awtoridad na gawin ang lahat ng kanilang magagawa upang bawasan ang pagmamaneho ng mga lasing, nasa bawat indibiduwal na gawin ang kaniyang bahagi. Subalit batid naming mag-asawa na tanging sa pamamagitan lamang ng bagong sistema ni Jehova maaalis ang suliranin tungkol sa pagmamaneho nang lasing at ang aming mga mahal sa buhay ay ibabalik sa pagkabuhay-muli.
R. E., Indiana, E.U.A.