Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 12/22 p. 20
  • Mga Sandata—Ano ang Halaga Nito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Sandata—Ano ang Halaga Nito?
  • Gumising!—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Negosyo ng Armas—Papaano Ka Naaapektuhan
    Gumising!—1989
  • Kapangyarihan Ba ng Tao ang Susugpo Nito?
    Gumising!—1989
  • Kapayapaan at Katiwasayan—Ang Pangangailangan
    Gumising!—1986
  • Mga Patubò—Ang Hindi Mapigil na “Roller Coaster”
    Gumising!—1985
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 12/22 p. 20

Mga Sandata​—Ano ang Halaga Nito?

ANG militar na mga badyet ngayon ng mga bansa ay nakakalito sa isipan. Salungat din ito sa mabuting damdamin, kapag nakikita mo na ang gayong mga pagkakagastos para sa mga sandata ay inuuna kaysa mahigpit na mga pangangailangan ng tao. Inihula ng Bibliya sa “panahon ng katapusan” na itatalaga ng isang “hari” (o nagpupunong kapangyarihan) ang “ginto” at “mahahalagang bato” nito (ang likas na yaman o kayamanan nito) sa pagluwalhati sa “diyos ng mga kuta” (militarismo). Ang iba pang mga kapangyarihan ay gagaya. Ang bulag na pangakong ito sa mga sandata ay karaniwang nagkakait sa mga mamamayan kahit na ng normal na panustos ng mga pangangailangan. Ang mga kakapusan at mga pagpila sa mga tindahan ay naging pangkaraniwan.​—Daniel 11:35-38.

Isaalang-alang ang halaga ng pagkalaki-laking pagkakagastos na ito sa mga sandata, gaya ng iniulat sa babasahing Pranses na Plus, ng Marso 30, 1985, inilathala sa Montreal, Canada.

◻ Sa bawat segundo na lumilipas, ang mga bansa sa daigdig ay gumugugol ng mahigit na $37,000 (U.S.) sa mga sandata.

◻ Mahigit na 50 milyon katao ang tuwiran o di-tuwirang nagtatrabaho sa paggawa ng mga sandata.

◻ Sa Estados Unidos ng Amerika, 62 cents sa bawat dolyar ang ginugugol sa pananaliksik na nauugnay sa militar, at 27 porsiyento ng lahat ng pagkakagastos ng gobyerno ay para sa mga layunin ng pagtatanggol; kahit na sa Switzerland, mahigit na 25 porsiyento ng lahat ng pagkakagastos ng pamahalaan ay para sa pagtatanggol.

◻ Sa 12 mga bansang malakas magluwas ng mga sandata, ang Sobyet Unyon at Estados Unidos ay nagluluwas ng 73 porsiyento ng lahat ng mga napagbilhang sandata, halos 9 porsiyento ang sa Pransiya, at ang Canada noong 1984 ay nagluwas ng mga $1.3 bilyong sa kagamitang militar.

Ang mga bansang baón sa utang at hirap na hirap sa pagbabayad ng mga utang sa ibang mga bansa ay kabilang sa mga malakas gumastos sa mga sandata.

◻ Sa mahigit na $350 bilyong na pagkakautang ng mga bansa sa Latin Amerika sa Kanluraning mga bangko, halos $90 bilyong ay nakatalaga sa mga pagkakagastos militar.

◻ Ang Peru, na may pagkakautang na mga $13 bilyong, ay gumugol ng $4 na bilyong para sa mga sandata noong 1983.

◻ Nakita ng mga bansang nakikipagdigma sa Central America na ang kanilang pagkakagastos sa militar ay lumaki ng 50 porsiyento sa pagitan ng 1979 at 1983.

◻ Kung isasaalang-alang ang kalagayan sa kabuhayan pati na ang implasyon sa ilang mga lupain, ang taunang halaga ng pagkakautang ng bawat tao, para tustusan ang militar ay nakalilito: Argentina, $210; Chile, $120; Venezuela, $67; Mexico, $19; Brazil, $17.

Isip-isipin kung anong pagpapala at laking ginhawa kapag ang labis-labis na nakapagpapabigat na pagkakagastos militar na ito ay hihinto! Gayunman, ang mga bansa ay hindi hihinto sa kanilang sariling kalooban. Si Jehova lamang na Makapangyarihan-sa-lahat na Diyos ang makapagpapahinto sa kanila, at pahihintuin niya sila. Narito ang kaniyang tiyak na pangako: “Kaniyang patitigilin ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa,” oo, “Kaniyang wawakasan ang digmaan sa buong daigdig,” at “susunugin ang mga sasakyang pandigma sa apoy.”​—Awit 46:9; The Psalms for Today, ni R. K. Harrison.

Ang mga salitang ito ay maaasahan at totoo sapagkat “ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan” ay hindi maaaring magsinungaling!​—Roma 16:20; Hebreo 6:18; Apocalipsis 21:1-5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share