Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 6/8 p. 4-5
  • Ang Negosyo ng Armas—Papaano Ka Naaapektuhan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Negosyo ng Armas—Papaano Ka Naaapektuhan
  • Gumising!—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Napakalaking “Pagnanakaw”
  • Inaagawan sila ng edukasyon:
  • Inaagawan sila ng pera:
  • Inaagawan sila ng pagkain at inumin:
  • Inaagawan sila ng kalusugan at buhay:
  • Kapangyarihan Ba ng Tao ang Susugpo Nito?
    Gumising!—1989
  • Mga Sandata—Ano ang Halaga Nito?
    Gumising!—1986
  • Mga Pagsisikap Upang Iligtas ang mga Bata
    Gumising!—1994
  • Bakit ang Krisis ng Pagtaas-ng-Bilihin?
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 6/8 p. 4-5

Ang Negosyo ng Armas​—Papaano Ka Naaapektuhan

“ANG problema sa gugulin ng militar ay kung hanggang saan tayo makakarating nang hindi sinisira ang sinisikap nating ipagtanggol.” Nang sabihin ito ng dating pangulo ng E.U. na si Eisenhower noong 1956, ang pandaigdig na guguling militar sa halagang umiiral noon ay wala pang kalahati ng kasalukuyang gugol. Papaano kayo naaapektuhan ng dambuhalang paglaking ito sa negosyo ng armas? Ilalarawan ito ng ulat sa isang pagsasaliksik, ang World Military and Social Expenditures:

1.Sa kasalukuyang halaga ng pandaigdig na gugulin sa armas, dapat isakripisyo ng karaniwang indibiduwal ang tatlo hanggang apat na taon ng pagtatrabaho upang matustusan ito.

2. Dahil sa pagbili ng magagastos na armas, ang susunod na mga lahi ay magmamana ng ga-bundok na utang.

3. Isang tao sa bawat 5 ang lubhang naghihikahos bunga ng pagpapabaya sa kapakanang panlipunan alang-alang sa pag-unlad ng lakas militar. Patuloy na lumalaki ang bahagi ng populasyon ng daigdig na nagtiis ng kawalan ng edukasyon, mahinang kalusugan, at matinding gutom.

4. Ang pagdiriin ng militar sa higit pang teknolohiya ay lumilikha ng mas kaunting trabaho kung ang katumbas ding halaga ay gugugulin sa edukasyon, kalusugan, pabahay, at iba pang pangangailangang pambayan. Dumarami ang walang trabaho.

5. May 1 sundalo sa bawat 43 tao sa daigdig subalit 1 lamang doktor para sa bawat 1,030 tao.

6. Ang maraming taon ng sobrang militarismo ay lumikha ng isang kapaligiran na mas mabuway at mas mapanganib sa buhay ng tao kaysa alinmang yugto sa kasaysayan.

7. Ang mga sandata ng lansakang pagpatay, na may napakasensitibong gatilyo, ay gumagawang bihag sa buong sangkatauhan.

Isang Napakalaking “Pagnanakaw”

Ang mga dukha sa daigdig ang higit na naaapektuhan ng negosyo sa armas​—sa mayayamang bansa at maging sa mahirap. Ganito ang sinabi ni Dwight D. Eisenhower: “Bawat baril na ginagawa, bawat bapor-de-giyerang inilulunsad, bawat rocket na pinaiilanlang ay katumbas ng pagnanakaw sa mga nagugutom na hindi napakakain, sa mga giniginaw na hindi nadaramtan. Ang armadong daigdig ay hindi basta gumagasta ng pera. Winawaldas nito ang pawis ng kaniyang paggawa, ang talino ng kaniyang mga siyentipiko, ang bahay ng kaniyang mga anak.” Ano ang kahulugan ng “pagnanakaw” na ito para sa mga biktima?

Inaagawan sila ng edukasyon:

▪ Ang halaga ng isang bagong nuklear na submarino ay katumbas ng taunang badyet sa edukasyon ng 23 nagpapaunlad na bansa na may higit sa 160 milyong mag-aaral.

▪ Ang badyet ng Hukbong Panghimpapawid ng E.U. ay mas malaki kaysa kabuuang badyet sa edukasyon ng mahigit isang bilyong bata sa Aprika, Latin Amerika, at Asia, maliban sa Hapón.

Inaagawan sila ng pera:

▪ Sa nakaraang mga taon, 75 porsiyento ng pag-aangkat ng armas ay mula sa Mahihirap na Bansa​—isang walang-taros na paggugol ng salapi na nag-atang ng mabibigat na pagkakautang sa ibang bansa na hindi kayang mabayaran.

▪ Pagsapit ng 1988 ang pinagsamang utang sa ibayong dagat ng Mahihirap na Bansa ay umabot sa dambuhalang $1.3 trilyon ($1,300,000,000,000).

▪ Ang pandaigdig na taunang badyet sa militar ay katumbas ng kinikita ng 2.5 bilyong tao sa 44 na pinakadukhang mga bansa.

Inaagawan sila ng pagkain at inumin:

▪ Mga $590,000 bawat araw ang kailangan sa pagpapaandar ng isang aircraft carrier, samantalang araw-araw sa Aprika lamang, 14,000 bata ang namamatay sa gutom o sanhing kaugnay ng gutom.

▪ Ang badyet ng depensa militar sa Mahihirap na Bansa ay pitong ulit kaysa noong 1960, ngunit para sa 1 tao sa bawat 2, ang tubig na maiinom lamang nila ay marumi at baka nakamamatay pa.

Inaagawan sila ng kalusugan at buhay:

▪ Bawat minuto mga 30 bata ang namamatay bunga ng pinakakaraniwang sakit sa daigdig. Mahahadlangan sana ito ng pagpapabakuna, paglilinis, at wastong pagkain kung ang mga pangangailangang panlipunan at pangkalusugan ay inuuna sa halip na ang sa militar.

▪ Ang isang programa ng pagpapabakuna na magliligtas sa 750 milyong bata laban sa sakit na nakakahawa ay tinatayang makakatumbas ng dalawang araw lamang na paggugol ng daigdig sa armas.

▪ Sa mas mahihirap na bansa, ang karaniwang lawig ng buhay ay mas maigsi ng 30 taon kaysa sa mas mayayamang bansa, at ang isang sanhi ay ang pagpapabaya sa kapakanan ng kalusugan dahil sa paghahangad ng mas maraming armas.

Oo, malaki ang sagutin ng mga negosyante sa armas sa kaaba-abang kalagayan ng daigdig. Ano ang nadarama nila sa mga kalagayang ito? “Hindi kami binabagabag ng budhi. Tumutulong kami sa sarili naming pag-unlad,” sabi ng pangalawang ministrong panlabas ng isang bansang nangunguna sa paggawa ng armas. Subali’t maaaring itanong ng karaniwang tao, ‘Masusugpo ba ito?’ Tatalakayin natin ito sa susunod na dalawang artikulo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share