Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 1/8 p. 10-12
  • Dapat Ba Akong Sumunod sa Pinakabagong Uso?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Dapat Ba Akong Sumunod sa Pinakabagong Uso?
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Sumusunod sa Uso ang mga Kabataan?
  • Masama ba ang Lahat ng Kausuhan?
  • Dapat ba Akong Sumunod sa Usong Iyon?
  • Mga Kausuhan—Dapat ba Akong Sumunod?
    Gumising!—1994
  • Mga Kausuhan—Ano ang Pang-akit Nito?
    Gumising!—1994
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1995
  • Ang Di-magandang Aspekto ng Pagiging Kaakit-akit ng Moda
    Gumising!—2003
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 1/8 p. 10-12

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .

Dapat Ba Akong Sumunod sa Pinakabagong Uso?

TUNGKOL sa isang bagong uso na kilala bilang “break-dancing,” ganito ang komento ng ilang mga kabataan: “Ginagawa nila ito sa paaralan​—sa gym at sa mga pasilyo.” “Nakita kong ginagawa nila ito sa ibabaw ng mga mesa at mga bangko sa paaralan.” Ang bagong kausuhan sa pananamit at sa mga gupit ng buhok, pati na ang “punk,” ay popular na mga kausuhan. Ang pagsusuot ng mga sapatos na pantakbo na kasama ng amerikana at ang mga larong video ay napatampok din bilang mga kausuhan. Oo, ang ating panahon ay isang panahon ng mga kausuhan. Subalit bakit? Saan ba nanggagaling ang mga kausuhan?

Ang isang uso o kausuhan ay binibigyang-kahulugan bilang isang paghahangad o interes na karaniwang sinusundan ng labis-labis na sigasig ng ilan subalit panandalian lang. Isaalang-alang, halimbawa, ang sandaling pagkahilig sa laruan na kilala bilang Hula Hoop. Ang Newsweek ng Disyembre 12, 1983, ay nagsabi: “Walang laruan na nakalikha ng kahibangan sa masa kaysa Hula Hoop. Ang $2 na bilog na plastik ay gumulong sa eksena noong 1958 at 30 milyong mga Amerikano ang mabilis na nahumaling dito. Subalit gayundin kabilis na pinagsawaan nila ang tatlong-piye na hoop at sa pagtatapos ng taon naglaho ang kausuhan.”

Paano ba unang-una na’y nagiging napakapopular ang mga kausuhan? Sa ilang kaso, ikinakalat ito nang bibigan. Gayunman, kadalasan nang itinataguyod ng mga musikero, mga artista sa entablado at sa pelikula, mga manlalaro, mga maypagawaan, mga pangkat na panlahi, at iba pa ang kausuhan. Ang mahusay na mga anunsiyo o mga komersiyal sa TV ay pantanging idinisenyo upang bihagin ang pansin ng mga kabataan. Subalit bakit kadalasang pinupuntirya ng mga tagapag-anunsiyo ang mga kabataan?

Bakit Sumusunod sa Uso ang mga Kabataan?

Likas lamang na naisin mong ikaw ay tanggapin ng iba, at nadarama nga ng mga kabataan lalo na ang gayong pangangailangan. Nababatid ito, sinasamantala ito ng ilang tagapag-anunsiyo bilang isang paraan upang palaganapin ang isang uso. Karaniwang inilalarawan ng mga anunsiyo na ang mga kabataan ay tanyag, matagumpay, at maligaya sapagkat suot nila, ginagamit, o pinakikinggan ang ganito o ganoong produkto. Ganito ang sabi ng isang taong kinapanayam ng U.S.News & World Report: “Ang mga uso, saanman ito mangyari, ay lumilikha ng isang uri ng katayuan. . . . Ang mga uso ay nakakaakit din sa pagnanais ng mga tao na maging bahagi ng isang bagay na bago.”

Ang disiotso-anyos na si Neil ay sumasang-ayon. “Ang lahat ay nagnanais na tanggapin,” sabi niya, ipinaliliwanag kung bakit napakaraming kabataan ang sumusunod sa mga uso. Napansin din ni Gerald, na 18 din, na ang mga kabataan ay maaaring nagsusuot ng pananamit na may ngalan-pangkalakal upang “makuha ang paggalang ng kanilang mga kaibigan.” Ang lakas ng gayong panggigipit ng mga kaedad ay mainam na sinusuma ng 13-taóng-gulang na si Pam nang sabihin niya: “Sapagkat nakikita mong suot ito ng iyong mga kaibigan ay nais mo ring magkaroon nito.”

Marahil may nakikilala kang mga kabataan na sumusunod sa isang uso hindi dahilan sa ito ay totoong personal na kaakit-akit sa kanila kundi dahilan sa ito ay ipinalalagay na uso. Nakadama ka na ba ng gayon? Gayumpaman, marahil ay naitatanong mo . . .

Masama ba ang Lahat ng Kausuhan?

Hindi naman. Halimbawa, isang gawain na nauso nitong mga ilang taon ay ang pagtakbo. Ang ilan na sumunod sa hilig na ito nang katamtaman lamang ay nagsabing ito ay nakatulong sa kanilang kalusugan.

Subalit ang mga kausuhan ay hindi laging nakapagpapalusog. Kunin halimbawa ang tinatawag na “break-dancing.” Ito ay inilarawan na “isang masiglang pagsasama ng akrobatiks o animo’y sirkero at robot na mga pagkilos,” “isang kombinasyon ng akrobatiks, pantomina at musika.” Mangyari pa, ang pagsasayaw ay maaaring maging malinis at nakalulusog na katuwaan.

Subalit dapat pansinin na ang ilang anyo ng break dancing ay iniulat na mapanganib. Sinasabing maaari itong pagmulan ng mga kirot sa gawing ibaba ng likod at problema sa pagyuko, mga sintomas na tinatawag ng American Family Physician na “break-dance back syndrome.” Lalo nang mapanganib ang pag-ikot-ulo. Sang-ayon sa Asiaweek, isang kabataan sa Malaysia ang nabali ang leeg at namatay samantalang nagbi-break-dancing. Hindi kataka-taka na sa Djakarta, Indonesia, ipinagbawal ng pamahalaan ang pag-ikot-ulo, bagaman ipinahihintulot ang ibang hindi gaanong mapanganib na anyo ng pagsayaw. Matalino bang sundin ang isang gawain na maaaring magsapanganib sa iyong kalusugan o pati na sa iyong buhay?​—Ihambing ang 1 Cronica 11:17-19.

Dapat ba Akong Sumunod sa Usong Iyon?

Ipinahihintulot ng ilan na ang iba ang magpasiya para sa kanila sa kung ano ang uso at hindi uso. Bunga nito, sila ay nagiging alipin. Gaya ng sinasabi ng Roma 6:16: “Hindi baga ninyo nalalaman na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka-alipin upang tumalima sa kaniya, kayo’y mga alipin niya sapagkat sa kaniya kayo tumatalima?” Kapuna-puna, ganito ang sabi ng magasing McCall’s: “Halos lahat ng bagay ay napasakop sa moda o uso: ang pagkain, mga libangan, aklat, salitang balbal, mga muwebles, alagang hayop, mga tao, mga lugar.” Subalit matalino bang maging “alipin” ng iba, hinahayaang sila ang magpasiya kung ano ang dapat mong kanin, basahin, o bilhin, o kung saan ka dapat pumunta?

Isang kawikaan ng Bibliya ang nagsasabi: “Pinaniniwalaan ng sinumang walang karanasan ang bawat salita, ngunit ang matalino ay tumitinging mabuti sa kaniyang paglakad.” (Kawikaan 14:15) Kasuwato ng matalinong payo na iyan, maging maingat tungkol sa pagpapahintulot sa iba na diktahan ka kung ano ang uso at hindi uso. Huwag maging padalus-dalos na hayaang diktahan ka ng iba kung ano ang magiging bahagi ng iyong istilo ng pamumuhay, pagkain, o pananamit.

Isa pang bagay na dapat isaalang-alang bago sundin ang isang uso ay ang istilo ng pamumuhay niyaong mga nagtataguyod at gumagawa nito. Kadalasan na ang mga taong ito ay namumuhay ng imoral na mga buhay na mababanaag sa mga kausuhan na kanilang itinatampok. Ang ilan ay nagpapahayag ng pagtutol at paghihimagsik sa pamamagitan ng mga kausuhan na pinasisimulan nila. Nanaisin ng isang Kristiyanong naghahangad na iayon ang kaniyang buhay sa mga pamantayan ng Bibliya na isaalang-alang kung paanong ang isang partikular na kausuhan ay nakatutugon sa kung ano ang sinasabi ng Bibliya sa Filipos 4:8: “Anumang bagay ang totoo, anumang bagay ang karapat-dapat pag-isipan, anumang bagay ang matuwid, anumang bagay ang malinis, anumang bagay ang kaibig-ibig, anumang bagay ang may mabuting ulat, kung may anumang kagalingan at kung may anumang kapurihan, patuloy na pag-isipan ninyo ang mga bagay na ito.” Kung ang isang uso ay hindi nakatutugon sa talaang iyan, matalino bang sundin ito?

Ang iba pang mga bagay na dapat isaalang-alang ay: (1) Paano minamalas ito ng iyong mga magulang? Bago ituring ang iyong mga magulang na makaluma o ‘hindi sang-ayon dito,’ tandaan ang payo ng Bibliya sa Kawikaan 23:22: “Dinggin mo ang iyong ama na nagpangyaring maisilang ka, at huwag mong hamakin ang iyong ina dahil lamang sa siya’y matanda na.”

(2) Paano nito maaapektuhan ang pangmalas ng iba sa iyo at sa kung ano ang kinakatawan mo? Talaga bang mahalaga kung ano ang palagay ng iba? Nakita ni apostol Pablo ang pangangailangan na mangatuwiran sa ibang mga Kristiyano noong unang siglo tungkol sa kanilang pananagutan na isaalang-alang ang pangmalas ng kapuwa mga Kristiyano. Sabi niya: “Kaya, kung ang pagkain ay nakapagpapatisod sa aking kapatid, hindi na ako kakain kailanman ng karne, upang huwag akong makatisod sa aking kapatid.”​—1 Corinto 8:13.

(3) Paano ito makakaapekto sa iyo sa pisikal at espirituwal na paraan? Bago sundin ang isang partikular na uso, tanungin ang iyong sarili: Ang pagsunod ba rito ay nagpapabanaag ng “katinuan ng isip”? (2 Timoteo 1:7) Isasapanganib ba nito ang aking kalusugan, marahil pati na ang aking buhay? Mas mabuti ang gugulin ang iyong panahon sa pagtataguyod ng mga bagay na hindi makapipinsala sa pisikal o makasisira sa iyong espirituwal na pagsulong.

Kaya, bagaman maraming kabataan ang nagmamadali sa pagsunod sa pinakabagong mga uso at moda, maaari kang maging iba. Maaari mong matutuhan na mag-isip para sa iyong sarili at gumawa ng matalinong mga pasiya. “Ang tanawin ng sanlibutang ito ay nagbabago,” sabi ng Bibliya. (1 Corinto 7:31) Hindi mo kinakailangang humabol sa patuloy na pagbabago na nagpangyari sa marami na mabahala tungkol sa kung ano ang kanilang gagawin, sasabihin, o susuotin. (Ihambing ang Mateo 6:31, 32.) Gawin mong tunguhin sa iyong buhay ang pagkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos. Ang paglinang sa mga katangian na nakalulugod sa Diyos ay tutulong din sa iyo na magtamo ng tunay na mga kaibigan​—mga kaibigan na tatanggapin ka hindi dahilan sa sumusunod ka sa pinakabagong uso kundi kung ano ka bilang isang persona.

[Blurb sa pahina 10]

Karaniwang inilalarawan ng mga anunsiyo na ang mga kabataan ay tanyag, matagumpay, at maligaya sapagkat sinusunod nila ang isang kausuhan

[Larawan sa pahina 11]

Natatandaan mo ba ang Hula Hoop?

Ano ang palagay mo tungkol sa “break-dancing”?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share