Pagbabalik ng mga Buwaya
Dahilan sa maraming taon ng masinsinang pangangaso, hanggang nitong kalagitnaan ng 1960’s ang mga buwaya ay sinasabing iilan na lamang at nanganganib na malipol. Gayunman, ang pagbabalik nito sa timog-silangang mga rehiyon ng Estados Unidos ay kapuna-puna anupa’t ang mga reptilya ngayon ay nagiging isang panganib sa dumaraming tao.
Ang mga game agents sa Florida ay humahawak ng kasindami ng 18 mga reklamo araw-araw may kaugnayan sa mga buwaya na lumalapa sa kanilang mga alagang hayop, nagbibilad sa araw sa mga palaruan ng golf, natutulog sa mga haywey, o gumagala-gala sa mga residensiyal na dako. Ang mga kahihinatnan ay maaaring maging grabe. Noong nakaraang taon hindi kukulanging siyam na mga buwaya na sumalakay sa mga tao ang iniulat sa Florida lamang. Isa sa mga ito ay may kinalaman sa isang walong-taóng-gulang na sinalakay samantalang nakatingkayad sa isang lawa ng mga pato sa Walt Disney World.
Nagkukomento tungkol sa suliranin ng walang pinipiling ugali sa pagkain ng mga buwaya, ganito ang paliwanag ni Kapitan Bob Poole ng Florida Game and Fresh Water Fish Commission: “Talagang hindi nalalaman ng isang buwaya ang kaibahan sa pagitan ng isang kamay ng tao at ng isang pakpak ng manok.”
[Picture Credit Line sa pahina 31]
Gatorama photos