Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 9/8 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Phobia
  • Panganganak o Aborsiyon?
  • Relihiyon sa Pulitika
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Aborsiyon?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Aborsiyon—Hindi Talaga Solusyon
    Gumising!—2009
  • Aborsiyon
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Aborsiyon—Ito ba ang Lunas?
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 9/8 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Phobia

Nais ko kayong pasalamatan sa artikulong “Phobias​—Those Mysterious Fears.” (Pebrero 8, 1987, sa Ingles) Sa tuwina’y ikinahiya ko na ipakipag-usap ang tungkol dito sa iba, subalit nang ako ay bata pa, hindi ako natatakot sa dilim hanggang nang narinig ko sa isang programa sa radyo ang tungkol sa sobrenatural. Mula noon, gayon na lamang ang takot ko sa dilim anupa’t hindi ako pupunta sa isang silid tungo sa ibang silid kung kailangan kong magdaan sa isang silid na hindi nakasindi ang ilaw. Nilinaw ng inyong artikulo ang bagay na iyan sa akin, ipinakikita na ang aking mga nadarama ay hindi naman kaduwagan.

H. M., Brazil

Panganganak o Aborsiyon?

Nakaligtaan ng inyong malawakang pagtalakay tungkol sa aborsiyon ang isang punto: ang epekto ng pagdadalang-tao sa kalusugan at buhay ng ina. (Abril 8, 1987) Ang sinadyang pagpapalaglag o aborsiyon upang iwasan ang panganganak ng isang hindi naiibigang anak ay isang kusang pagkitil ng buhay ng tao. Subalit paano ninyo minamalas ang kusang pagpapalaglag upang iwasan ang kamatayan o mahinang pangangatawan ng ina?

A. A., Nigeria

Hindi tama na kitlin ang buhay ng isang di pa isinisilang na sanggol dahilan lamang sa ang pagpapahintulot sa pagdadalang-tao na sumapit sa kagampang panahon ay maaari, o malamang pa nga, na magsapanganib sa kalusugan ng ina. Ang potensiyal na panganib ay hindi nagbibigay-matuwid sa gayong malupit na pagkilos. Sa maraming kaso, binabalaan ng mga doktor ang isang ina na ang pagdadalang-tao ay magsasapanganib sa kaniyang kalusugan, subalit ang kinalabasan ay isang malusog na sanggol at wala namang namamalaging pinsala sa ina. Isa pa, kumusta naman ang potensiyal na panganib sa pisikal at emosyonal na maaaring maranasan ng ina dahilan sa isang aborsiyon? Maaaring magkaroon ng isang sitwasyon kung saan, sa panahon ng panganganak, kailangang mamili sa pagitan ng buhay ng ina o niyaong sa sanggol. Nasa mga indibiduwal na nasasangkot ang magpasiya. Sa maraming lupain, gayunman, dahilan sa modernong mga pamamaraan sa medisina ay bihirang mangyari ang ganitong kalagayan.​—ED.

Relihiyon sa Pulitika

Ako’y sumusulat dahil sa inyong labas tungkol sa “Relihiyon sa Pulitika​—Ito ba ang Kalooban ng Diyos?” (Abril 22, 1987) Personal na hindi ko iniintindi ang inyong mga pagtuligsa sa nasyonalismo, subalit yamang ako ay may pinagmulang Aleman, tinututulan ko ang inyong malimit na paggamit sa Alemanya at sa Third Reich bilang diwa ng kasamaan. Sinasabi ninyo na masamang makialam ang relihiyon sa pulitika. Subalit ano ba ang inyong ginagawa? Hindi ninyo sinisikap na magkaroon ng pag-ibig na gaya ng dapat taglayin ng mga Kristiyano; inyong pinanunumbalik ang pagkapoot.

E. M., Canada

Hindi namin pinipintasan ang mga Aleman, ni pinupukaw man ng aming mga artikulo ang dating pagkapoot. Gayunman, isinagawa ng Nazismo ang ilan sa kasuklam-suklam na krimen na naitala sa kasaysayan ng tao. Ang makasaysayang bagay na iyan ay hindi dapat waling-bahala o kaligtaan ng kasalukuyang salinlahi. At ito ay isang natatanging halimbawa ng kung gaano kamali para sa mga relihiyon na makisangkot sa pulitika. Hindi maaaring natamo ng Nazismo ang kapangyarihan nito kung wala ang suporta o patangkilik, hayagan man o lihim, ng mga simbahang Lutherano at Katoliko. Ilan lamang ito sa mga halimbawa ng masamang mga resulta kapag ang mga simbahan ay nakikisangkot sa pulitika, gaya ng tinalakay sa aming artikulo na nabanggit sa itaas.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share