Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 9/22 p. 12
  • Mga Nagbibilad sa Araw Mag-ingat!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Nagbibilad sa Araw Mag-ingat!
  • Gumising!—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Ingatan ang Iyong Balat!
    Gumising!—2005
  • Masama Bang Magbilad sa Araw?
    Gumising!—2009
  • Ano Ba ang Kanser? Ano ang mga Sanhi Nito?
    Gumising!—1987
  • Ikaw na Mahilig sa Araw—Ingatan ang Iyong Balat!
    Gumising!—1999
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 9/22 p. 12

Mga Nagbibilad sa Araw Mag-ingat!

HABANG ang mga tao ngayon ay patungo sa maaraw na mga tabing-dagat sa ilang bahagi ng daigdig at mga ilawang pang-suntan naman sa ibang dako, dapat nilang pakinggan at sundin ang babalang ibinigay ng ACS (American Cancer Society).

“Ang labis-labis na pagbibilad sa araw,” sabi ng ACS, ay siyang pinakakaraniwang sanhi ng kanser sa balat. Sino ang lalo nang nanganganib? Bagaman walang sinuman ang hindi tinatablan ng nakapipinsalang epekto ng araw, ang pulyeto ng ACS, ang Fry Now. Pay Later., ay nagbababala sa “mga nagbibilad sa araw na sadyang ibinibilad ang kanilang mga sarili sa ultraviolet na radyasyon ng araw.” Sabi nito: “Ang mga taong madaling masunog sa araw at maputi na may mapula o blond na buhok ang mas malamang na magkaroon ng kanser sa balat.” At ang panganib ay mas mataas sa mga dako kung saan may matinding sikat ng araw sa buong panahon.

Sa 450,000 bagong mga kaso ng kanser sa balat na iniuulat taun-taon sa Estados Unidos, humigit-kumulang 22,000 mga kaso ang narikonosi na malubhang melanoma​—ang hindi gaanong pangkaraniwan subalit pinakagrabe sa mga kanser sa balat​—na nagsisimula sa mga selula ng balat na lumilikha ng maitim na kulay na tinatawag na melanin. Ang mga melanoma ay maaaring magsimula sa o malapit sa isang nunal. Ang mga ito ay kakikitaan ng isang kayumanggi o itim na kulay at may kaugalian na kumalat sa iba pang bahagi ng katawan.

Paano malalaman ng isa ang pagkakaiba ng isang normal na nunal sa isang melanoma? Bagaman ang tanging paraang upang matiyak ay kunsultahin ang iyong manggagamot, itinatala ng pulyetong Why You Should Know About Melanoma, na inilathala ng ACS sa pakikipagtulungan sa American Academy of Dermatology, ang apat na “ABKD” nagbababalang hudyat ng melanoma: Asimetria (ang kalahati ay hindi kahawig ng kalahati), “Border Irregularity” (ang mga gilid ay hindi pantay-pantay, may gatlâ, o malabo), Kulay (ang kulay ay hindi pare-pareho), at ang Diyametro ay mas malaki kaysa 1/4 ng pulgada (6 mm) (ang anumang bigla o patuloy na paglaki sa sukat ay dapat bigyang-pansin).

Kung ang karamdaman ay maagang marikonosi, ang mga tsansa na gumaling ito ay malaki. Mas mabuti pa, idiniriin ng ACS, ang karamihan ng mga kanser sa balat ay maaaring hadlangan sa pamamagitan lamang ng paggamit ng matinong kaisipan at iwasan ang init ng araw sa katanghalian, sa paggamit ng mga pantabing sa araw kapag nasa tabing-dagat o nasa pool, at pagdaramit.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share