Glaciers—“Kakila-kilabot na Yelo”
ANG mga glacier ay nag-aanyo kapag ang maraming di-natunaw na niyebe, na sama-samang namuo, ay lumaki nang lumaki sa mga gilid ng bundok. Ang uring ito ay tinatawag na valley glacier. Kapag ito ay mabigat na mabigat na, ito ay gumugulong tungo sa isang libis o sa dagat. Ang mga iceberg ay malalaking tipak ng yelong glacier na nahulog mula sa dulo ng glacier tungo sa dagat.
Ang ilang valley glacier ay kasinlaki ng malalaking ilog. Oo, ang mga ito ay “mga ilog na yelo.” Ang ibang anyo, na tinatawag na continental glaciers, ay sumasakop ng pakalaki-laking lawak, gaya ng makikita natin sa Antarctica at Greenland.
Lahat ng ito ay mga tinggalan ng manuong tubig na gumagawa sa “kislap ng kakila-kilabot na yelo,” isa pang nilalang ni Jehova.—Ezekiel 1:22; Job 37:10.
[Picture Credit Lines sa pahina 31]
Alaska Division of Tourism
Alaska Division of Tourism