Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 4/8 p. 31
  • Ginagawang Mabunga ang Tigang na Lupain

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ginagawang Mabunga ang Tigang na Lupain
  • Gumising!—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Glaciers—“Kakila-kilabot na Yelo”
    Gumising!—1987
  • Ang Pambihirang “Glacier” ng Argentina
    Gumising!—1993
  • Kung Saan Nakalatag ang mga Glacier sa Ekwador
    Gumising!—2005
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—2004
Iba Pa
Gumising!—2001
g01 4/8 p. 31

Ginagawang Mabunga ang Tigang na Lupain

MULA SA MANUNULAT NG GUMISING! SA INDIA

Paano gagawing higit na mabunga ang mga tigang na lupa sa Ladakh, isang distrito sa hilaga ng India? Iyan ang tanong na naisip ni Tsewang Norphel, isang retiradong civil engineer. Ang pagkatunaw ng mga likas na glacier na nasa bandang itaas ng Himalaya Mountains ay nagsisimula sa buwan ng Hunyo, hindi sa Abril kung kailan kaunti ang ulan at kailangan ng mga magsasaka ng tubig upang diligin ang kanilang mga bukirin. Nakaisip si Norphel ng isang mahusay na solusyon: Gumawa ng artipisyal na mga glacier sa mas mababang bahagi ng kabundukan, kung saan ang pagkatunaw ng yelo ay magsisimula sa maagang bahagi ng taon.

Ayon sa magasing pambalita ng India na The Week, pinasimulan ni Norphel at ng kaniyang pangkat na ilihis ang daloy ng isang sapa sa bundok tungo sa isang gawang-taong kanal na 200 metro ang haba at may 70 lagusan. Mula sa mga ito aagos ang tubig sa isang mabagal at kontroladong paraan pababa sa dalisdis ng bundok at magyeyelo ito bago pa umabot sa mga nakaharang na pader na itinayo sa mas mababang bahagi ng dalisdis. Unti-unting mamumuo ang yelo, at sa kalaunan ay matatakpan ang mga pader. Yamang nalililiman ng bundok, matutunaw lamang ang glacier kapag tumaas ang temperatura sa Abril, anupat maglalaan ito ng tubig na kailangang-kailangan para sa irigasyon sa panahong iyon.

Nagtagumpay ba ang ideya ng paggawa ng isang artipisyal na glacier? Sa katunayan, ang ideya ni Norphel ay napakapraktikal anupat sampung katulad na glacier ang nagawa na sa Ladakh, at ang mga plano para sa higit pa ay ginagawa na. Ang isa sa gayong glacier, na ginawa sa taas na 4,500 piye, ay nagbibigay ng tatlumpu’t apat na milyong litro ng tubig. At ang gastos nito? “Ang paggawa ng isang artipisyal na glacier ay umaabot ng mga dalawang buwan at nagkakahalaga ng Rs 80,000 [$1,860], na ang kalakhan nito ay sa mga gastusin sa pagpapatrabaho,” sabi ng The Week.

Ang katalinuhan ng tao, kapag ginamit nang wasto, ay talagang napatutunayang kapaki-pakinabang. Isipin na lamang kung ano ang maisasagawa ng sangkatauhan sa ilalim ng patnubay ng makalangit na Kaharian ng Diyos! Nangangako ang Bibliya: “Ang ilang at ang pook na walang tubig ay magbubunyi, at ang disyertong kapatagan ay magagalak at mamumulaklak na gaya ng safron. . . . Sa ilang ay bubukal ang tubig, at ang mga ilog sa disyertong kapatagan.” (Isaias 35:1, 6) Tunay na isang kaluguran na magkaroon ng bahagi sa pagpapaganda ng ating lupa!

[Picture Credit Lines sa pahina 31]

Mountain High Maps® Copyright © 1997 Digital Wisdom, Inc.

Arvind Jain, The Week Magazine

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share