Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 11/8 p. 24-25
  • Kung Bakit ang mga Giraffe ay Walang Problema sa Alta-Presyon!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Bakit ang mga Giraffe ay Walang Problema sa Alta-Presyon!
  • Gumising!—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Giraffe—Matatangkad, Mahahaba ang Binti, at Elegante
    Gumising!—2000
  • Mga Giraffe, Langgam at mga Punong Akasya
    Gumising!—1988
  • Ang Kamangha-manghang Sistema ng Sirkulasyon ng Dugo
    Gumising!—2001
  • Ang Pagpapakain at Pag-aaruga sa Daigdig ng mga Hayop
    Gumising!—2005
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 11/8 p. 24-25

Kung Bakit ang mga Giraffe ay Walang Problema sa Alta-Presyon!

SI Mr. Giraffe ang pinakamataas na hayop sa lupa! Ang kaniyang sistema ng sirkulasyon ay isang kababalaghan. Bakit? Sapagkat ang kaniyang puso ay nagbubomba ng dugo paakyat sa kaniyang mahabang leeg, at iyan ay nangangailangan ng maraming puwersa. Gayunman, kapag ibinababa niya ang kaniyang leeg, ang mga daluyan ng dugo sa kaniyang utak at mga mata ay hindi sumasabog. “Bakit hindi nilalagot ng malakas na puwersang iyon ang maselang mga daluyan ng dugo o kaya’y tumagas ang mga ito?” tanong ng isang siyentipikong babasahin.

Ang sagot ay waring dahilan, sa bahagi, sa isang kahanga-hangang network ng mahusay na mga daluyan ng dugo na angkop na tinatawag na “kamangha-manghang lambat o net.” Ang dugo buhat sa mga arteriya sa leeg ay dumaraan sa “kamangha-manghang net” na ito bago dumating sa utak. Iniingatan nito ang utak mula sa anumang biglang pagdaloy ng dugo.

Ang pagmasdan ang magandang kumilos na mga nilikhang ito na yumuko upang uminom ay kawili-wili. Upang maabot ng kanilang ulo ang tubig, dapat muna nilang ibuka o ibaluktot ang kanilang mga paa sa harap. Kung, samantalang nasa ganitong asiwang posisyon, mamataan ng isang giraffe ang panganib, maaari itong mabilis na tumayo nang tuwid at itaas ang ulo nito. Ang gayong pagkilos ay dapat sanang pagmulan ng pagkahilo dahilan sa biglang pagbaba ng presyon ng dugo. Gayunman, sa loob ng wala pang dalawang segundo, si Mr. Giraffe ay maaaring kumaskas na papalayo. Isang artikulo sa South African Journal of Science ang may palagay na ito ay dahil sa “di pangkaraniwang kontroladong pagdaloy ng dugo sa ulo ng giraffe” at sinasabi na higit pang pananaliksik ang kinakailangan upang maunawaan ito.

Isa pang di pangkaraniwang bagay, na malaon nang nakalito sa mga siyentipiko, ay tungkol sa mga paa ng giraffe. “Ang epekto ng grabidad,” sabi ng Scientific American, “ay dapat asahan na gagawa sa presyon ng dugo sa mga paa na napakataas anupa’t pupuwersahin nito na lumabas ang dugo sa pinong mga ugat.” Subalit walang katibayan nito. Ang mga giraffe ay hindi nagkakaroon ng varicose veins at edema (pamamagâ ng mga himaymay). Bakit?

Hindi pa natatagalan, isang internasyonal na pangkat ng mga siyentipiko ang gumawa ng panibagong pagsusuri sa giraffe at nakatuklas ng higit na mga detalye tungkol sa kahanga-hangang disenyo nito. Sinukat nila ang mga arteriya at nasumpungan nila na yaong mga arteriyang naglalakbay mula sa puso pababa sa mga paa ay lumalaki ang diyametro at kumakapal. Ito, sang-ayon sa South African Panorama, ang humahadlang sa “pamumuo ng dugo sa mga daluyan ng dugo at varicose veins . . . sa paa ng giraffe. Higit pa riyan, ang makapal na pinaka-dingding ng arteriya at ang makapal, maskuladong balat sa palibot ng paa ng giraffe ang tumutulong rito na matagalan ang presyon.”

Ang Aprika ang siya lamang kontinente kung saan ang mga giraffe ay nabubuhay pa nang hindi nakakulong. Kung dadalaw ka sa isang game park doon, maaari mong obserbahan ang mahinahong mga dambuhalang ito na magandang kumilos na kumakaskas sa ibayo ng damuhan o tahimik na kinakain ang mga dahon sa tuktok ng mga punungkahoy. Kaya, tandaan ang kahanga-hangang sistema ng sirkulasyon ng dugo ni Mr. Giraffe na umaabot ng 5.5 metro sa ibabaw ng lupa. At kung mayroon kang pambihirang kasiyahan na pagmasdan ang pagyuko ni Mr. Giraffe upang uminom, tandaan na sinisikap pa ring alamin ng tao ang kaniyang sekreto sa pakikitungo niya sa lubhang pagbabago ng grabidad. Bakit ang mga giraffe ay hindi nagkakaproblema tungkol sa mataas o mababang presyon ng dugo? Tanging ang Diyos na Jehova lamang na kanilang Maylikha ang nakakaalam! Sila ang kaniyang kamangha-manghang idinisenyong mga kinapal.​—Job 37:14, 16.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share