Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 11/8 p. 29-30
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Batang Gumagamit-ng-Tabako
  • Mga Nagtapos sa Kolehiyo na Walang Trabaho
  • Nanganganib na mga Gorilyang Bundok
  • Magastos na Paggamit sa Alkohol
  • Nasumpungang Lunas
  • Pagpili ng Pangalan
  • Kumakalat ang Pag-ulan ng Asido
  • “Panloob na Jogging”
  • Ang Kape ba ang Salarin?
  • Ginamit-muli ang Sinaunang Pormula
  • Walang Usok na Tabako—Ito ba’y Hindi Nakapipinsala?
    Gumising!—1996
  • Ang Problema sa Kape
    Gumising!—1991
  • Pagdalaw sa mga Gorilyang Bundok
    Gumising!—1998
  • Kapeng Kona—Napakasarap
    Gumising!—2005
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 11/8 p. 29-30

Pagmamasid sa Daigdig

Mga Batang Gumagamit-ng-Tabako

Ang pagkasugapa sa sinisinghot at nginunguyang tabako ng maraming estudyante sa dalawang huling taon sa high school ay malaon nang alam ng mga mananaliksik. Gayunman, hanggang kamakailan lamang walang impormasyong makukuha tungkol sa bisyo sa tabako ng mga mag-aaral sa mababang paaralan at ng mga batang hindi pa nag-aaral. Isiniwalat ng isang surbey sa 5,000 mga bata na isinagawa ng U.S. Centers for Disease Control na ang mga batang kasimbata ng tatlong taóng gulang ay sugapa na sa mga produkto ng tabako. Disisiete porsiyento ng limang-taóng-gulang na mga batang babae na sinurbey at 10 porsiyento ng mga batang lalaki na gayunding gulang ay nasumpungang gumagamit sa loob ng isang taon o mahigit pa ng mga produktong gaya ng sinisinghot na pinulbos na tabako. Sang-ayon sa Health Letter, inilathala sa Washington, D.C., “ang malawakang pag-aanunsiyo at pamamahagi ng libreng mga sampol ay gumawa sa sinisinghot at nginunguyang mga produkto ng tabako” na kaakit-akit at maaaring kunin ng mga batang gumagamit nito, karamihan sa kanila ay hindi mabasa ang nagbababalang mga etiketa na hinihiling sa lahat ng pakete. Ang mas maliliit na bata ay malamang na naipakilala sa gayong mga produkto ng mga kaibigan, mas matandang mga kapatid, o ng kanilang mga magulang pa nga.

Mga Nagtapos sa Kolehiyo na Walang Trabaho

“Ang isang titulo sa unibersidad ay hindi gumagarantiya ng isang trabaho.” Iyan ang konklusyong nakuha sa isang surbey sa mga nagtapos noong tagsibol ng 1985 mula sa mahigit na 15 mga unibersidad sa Ontario, Canada. Sa mga nagtapos na ito 7.3-porsiyento ang walang trabaho, halos kasindami ng iba pang mga manggagawa sa lalawigan. Mas mahusay lang sila ng kaunti kaysa roon sa iba pang mga manggagawa na kabilang din sa pangkat ng mga edad 20- hanggang 24-anyos, na ang dami ng walang trabaho ay 10.6 porsiyento. Isa pa, ipinakikita ng surbey na ang isang titulo ay hindi rin garantiya ng karampatang sahod para sa trabaho.

Nanganganib na mga Gorilyang Bundok

“Malibang tulungan natin ang mga gorilyang bundok ngayon,” babala ng WWF (World Wildlife Fund), “ang walang-labang mga nilikhang ito ay maaaring aktuwal na malipol sa mismong siglo na sila ay natuklasan.” Bakit? Patuloy na sinisira ng mga minero at mga magtutroso, ulat ng WWF, ang Di-mapapasok na Kagubatan sa timog-kanlurang Uganda​—tahanan ng halos sangkatlo ng lahat ng mga gorilyang bundok sa daigdig. Isa pa, pinapatay ng ilegal na mga mangangaso ang mga gorilya upang tustusan ang black market ng buháy na mga sanggol na gorilya “at lubhang kakatuwang mga produkto na gaya ng mga pabigat-sa-papel na yari sa kamay ng gorilya.” Sa nakalipas na 20 mga taon, halos kalahati ng buong populasyon ng mga gorilyang bundok ay naglaho. Sa ngayon, mga 400 na lamang sa mahiyain at mabait na Aprikanong mga unggoy na ito ang nananatili sa kagubatan.

Magastos na Paggamit sa Alkohol

Bagaman ang ibang pulitiko ay naniniwala na ang buwis sa pagbibenta ng mga alak ay nagbibigay ng netong pakinabang sa kita ng gobyerno, ang impormasyong makukuha ngayon ay iba naman ang sinasabi. Si Barbara Coultes ng Addiction Research Foundation sa Toronto, Canada, ay nagsasabi na sa Canada sa loob lamang ng isang taon “ang alak ay nagpangyari ng ekstrang $2-bilyon sa pagkakagastos sa pangangalaga-sa-kalusugan, . . . itinaas nito ang gastos ng social welfare ng $1.4-bilyon, [at] nagkahalaga ng karagdagang $652-milyon sa pagpapatupad ng batas.” “Binawasan din nito ang produksiyon sa trabaho ng tinatayang $1.2-bilyon,” isang bahagi ng pagkakagastos na hindi dapat waling-bahala. Ang lahat ba ng pagkakagastos na iyon ay nababayaran ng mga kinikitang buwis mula sa alak? Sa lalawigan lamang ng Ontario, nahihigitan ng pagkakagastos ($1.6 bilyon) ang mga kita ($678 milyon) ng halos $1 bilyon noon lamang nakaraang taon.

Nasumpungang Lunas

Sa Bethlehem, ang taunang panlahat na paglilinis ng Simbahan ng Natividad, na sinasabing nakatayo sa lugar na pinagsilangan kay Jesus, ay mapayapa ring naisagawa sa wakas. Sa nakalipas na mga taon, nagkaroon ng mga suntukan at marahas na mga pagtatalo sa pagitan ng magkaribal na mga pangkat ng mga pari, yamang ang karapatan na maglinis ay itinuturing na isang tanda ng pagmamay-ari. Paano ito nalutas? Ang pahatid balita ng World Council of Churches ay nag-uulat: “Kasunod ng maingat na mga negosasyon ng mga opisyal na Israeli na tumagal nang hanggang hatinggabi ang dalawang pangunahing partidong nagtatalo​—ang Griego (Silangang Orthodoxo) at ang Armeniano (Oryenteng Orthodoxo) ay sumang-ayon na iwan ang isang pinagtatalunang bahagi sa gawing itaas ng pasukan sa Grotto ng Natividad na hindi lilinisin ng magkabilang panig.”

Pagpili ng Pangalan

Isang bagong batas tungkol sa apelyido ang nagkabisa sa Finland noong pasimula ng 1986. Ang isang asawang babae ay pahihintulutan panatilihin ang kaniyang apelyido sa pagkadalaga kapag siya ay nag-asawa, o maaaring kunin ng lalaki at babae ang apelyido ng asawang babae. Ang mga resulta? Sang-ayon sa Population Register Center, pinili ng halos 24,000 sa 26,000 mga nagpakasal noong nakaraang taon ang tradisyonal na paraan ng paggamit sa apelyido ng asawang lalaki. Sa halos 1,950 mga pag-aasawa, pinanatili ng lalaki at babae ang kani-kanilang apelyido. Tanging 116 lamang na mga mag-asawa ang pumili sa apelyido ng babae bilang kanilang apelyido.

Kumakalat ang Pag-ulan ng Asido

Sinasabi ng isang ulat sa The Toronto Star, binabanggit ang “bagong impormasyon” mula sa U.S. Environmental Protection Agency, na ang nakapipinsalang ulan ng asido ay kumakalat patimog sa Estados Unidos. Apektado na nito ngayon ang ilang mga dako sa Mississippi, Carolinas, Virginia, Georgia, at Florida. “Ang pinakagrabeng pag-ulan, sa South Carolina, ay mas maasido pa kaysa katas ng kamatis​—275 ulit na mas masahol kaysa normal,” sabi ng ulat. Iniulat din ng Star maaga sa taóng ito na “ang ulan ng asido sa Florida . . . ay napakasamâ, na kinakain nito ang pintura sa mga kotseng BMW na ibinaba sa daungan ng Jacksonville.”

“Panloob na Jogging”

“Apektado ng halakhak at pagtawa ang karamihan sa pangunahing pisikal na mga sistema ng katawan,” sabi ni Dr. William Fry, isang awtoridad tungkol sa pisyolohiya ng pagtawa. Sinabi niya sa Daily News ng New York na ang pagkilos ng kalamnan na nasasangkot sa pagtawa ay katulad ng sa pag-iihersisyo. Tinawag ni Fry ang pagtawa na “panloob na jogging” na kapaki-pakinabang kahit na ito ay hindi totoong pagtawa. Ipinaliwanag niya na dinudoble nito ang tibok ng puso sa loob ng tatlo hanggang limang minuto at pinakikilos ang mga kalamnan sa dibdib, leeg, mukha, balikat, tiyan, at anit. Sinasabi ni Fry na ang bigay na bigay na pagtawa ay nakakabawas sa tensiyon ng kalamnan at tumutulong sa katawan na alisin ang maraming natipong carbon dioxide. Ang iba pang kapaki-pakinabang na mga epekto ay sinasabing kinabibilangan ng pagpapasigla sa sistema nerbiyosa, ang pagpatay sa kirot sa pamamagitan ng paglalabas ng mga endorpina (ang likas na analgesic ng katawan), at ang pagpapatalas ng isipan. “Talagang makikinabang ka sa ehersisyong ito,” sabi ni Fry.

Ang Kape ba ang Salarin?

Ang sinasabing diumano ang pag-inom ng kape ay nagpapalaki ng iyong tsansa na magkaroon ng sakit sa puso ay hinahamon ni Dr. Katsuhiko Yano ng Honolulu Heart Program. Ang pananaliksik ay kinasangkutan ng isang 15-taóng pag-aaral sa 7,194 mga lalaking Haponés, 6,055 rito ay mga umiinom ng kape. Sang-ayon kay Yano, ang maraming pag-inom ng kape ay dapat sanang magparami sa panganib ng sakit sa puso. Gayunman, nasumpungan ng mga mananaliksik sa programa na nang ang ibang mga salik sa panganib, na gaya ng paninigarilyo, ay isaalang-alang, ang kaugnayan sa pagitan ng mga sakit sa puso at pag-inom ng kape ay naglaho. Ang mga mananaliksik ay naghinuha na ang sakit sa puso sa gitna ng mga mahilig sa kape ay malamang na resulta ng kanilang paninigarilyo, hindi ng kanilang pag-inom ng kape.

Ginamit-muli ang Sinaunang Pormula

Ang Pranses na kemikong si Joseph Davidovits ay nagsasabing nakilala na niya ang mga sangkap na ginamit ng sinaunang mga Ehipsiyo sa kabuuan ng semento na tumagal ng libu-libong mga taon, ulat ng The Wall Street Journal. Ang madikit na mga katangiang ito ng sinaunang semento ang nagpanatili sa mga piramide ng Ehipto na madikit pa rin ang pagkakasemento, sabi ng arkeologong si Margie Morris. Kung ihahambing, ang makabagong sementong Portland ay maaaring tumagal lamang ng hindi hihigit sa 200 taon. Ipinaliwanag ni Margie Morris na sa pamamagitan ng paghahalo ng natron (sodyum karbonato) at apog, ang mga Ehipsiyo ay nakagawa ng isang caustic soda na inihahalo nila sa mga mineral na silikato na minina sa Disyerto ng Sinai at sa mayaman-sa-aluminyo na banlik na mula sa Ilog Nilo. Idinaragdag ang iba pang sangkap, gaya ng arsenikong mga mineral, ay gumagawa ng isang semento na madaling-matuyo at kumapit sa pamamagitan ng mga molekular na mga buklod na katulad ng likas na paggawa ng mga bato. Ang modernong bersiyon ng sinaunang semento ay ginagawa ng isang kompaniya na naniniwala na ang mga katangian nito na madaling-matuyo, at nagtatagal ay mapatutunayang kapaki-pakinabang sa modernong mga paggamit.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share