Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 1/22 p. 3
  • SIDS—Araw-Araw na Pangamba ng Magulang

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • SIDS—Araw-Araw na Pangamba ng Magulang
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Madamaying Mediko Legal
  • SIDS—Mahahadlangan Ba Ito?
    Gumising!—1988
  • SIDS—Pagtunton sa mga Sintomas at mga Sanhi
    Gumising!—1988
  • SIDS—Pagharap sa Dalamhati
    Gumising!—1988
  • Paano Dapat Matulog ang Isang Sanggol?
    Gumising!—1999
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 1/22 p. 3

SIDS​—Araw-Araw na Pangamba ng Magulang

“Ang bigla, di-inaasahang kamatayan ng isang tila malusog na sanggol ay malamang na siyang pinakamatindi at mapangwasak na pangyayari na maaaring mangyari sa isang may kabataang mag-asawa​—gayunman sa Kanluraning lipunan ito rin ang pinakapangkaraniwang uri ng kamatayan ng sanggol pagkaraan ng unang linggo ng buhay.”​—Propesor Bernard Knight, “Sudden Death in Infancy​—The ‘Cot Death’ Syndrome.”

ALAS 4:00 n.u. noon ng Disyembre 22, 1984. Si Ken Eberline ay sumilip sa silid-tulugan upang alamin ang kalagayan ng pitong-buwang-gulang na si Katie. Ang batang si Katie ang panganay na ipinagmamalaki at katuwaan nina Ken at Tottie, na nasa kanilang maagang edad na 30’s. Ang bata ay mahimbing na natutulog. Si Ken ay umalis ng bahay. Siya ay magmamaneho nang malayo patungo sa Las Cruces, New Mexico, upang magturo sa isang seminar.

Si Tottie ay bumangon nang alas 7:30 n.u. at inalam kung ano ang kalagayan ni Katie. Si Katie ay kataka-takang tahimik. Si Tottie ay tuminging muli, hinipo siya, at nalaman niya agad ang pinakamasamang bagay. Patay na si Katie. Namatay siya dahil sa pagkamatay sa kuna, o SIDS (Sudden Infant Death Syndrome). Ang bigla, tahimik na kamatayang ito ay nangyayari sa libu-libong pamilya taun-taon.

Isang Madamaying Mediko Legal

Ano ang naging reaksiyon nina Tottie at Ken sa kamatayan ng kanilang anak? Sinabi ni Tottie sa Gumising!: “Karaka-raka nang matanto ko kung ano ang nangyari, tinawagan ko ang 911, ang emergency services. Dali-daling dumating ang mga paramedik at ang mga pulis kasama ang isang mediko legal. Silang lahat ay napakabait at madamayin. Mangyari pa, pumasok ang mga pag-aalinlangan sa aking isipan​—ano ba ang nagawa ko o hindi ko nagawa na naging dahilan nito?

“Pinahinahon ng mediko legal ang aking mga pangamba. Ipinaliwanag niya na siya man ay namatayan ng isang anak sa gayunding kalagayan siyam na taon na ang nakalipas. ‘Wala kang magagawa upang mahadlangan ito,’ sabi niya sa akin. ‘Kahit na kung nakatayo ka sa tabi ng kuna na may monitor, hindi mo siya maililigtas.’ Sabi pa niya: ‘Hindi mo ito malalaman antimano at hindi mo ito mahahadlangan. Sa ilang mga kaso, ang lahat ng bagay ay basta humihinto na lamang, at sa kasalukuyan ay walang paraan ng pag-alam sa sanhi.’ Tiyak ko na ang kaniyang mga sinabi ay nakabawas nang malaki sa nadarama kong pagkakasala at pagpaparatang-sa-sarili.”

Paano nakayanan nina Ken at Tottie ang pagkamatay ng kanilang anak? Sasagutin iyan ng isang artikulo sa dakong huli. Subalit may iba pang mga katanungan kung saan ang bawat magulang ng isang sanggol ay nagnanais ng kasagutan: Ano ang mga sanhi ng SIDS? Mayroon bang anumang nagbababalang mga tanda? Mahahadlangan ba ito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share