Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 1/22 p. 8-9
  • SIDS—Mahahadlangan Ba Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • SIDS—Mahahadlangan Ba Ito?
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Muntik-muntikang mga Sanggol
  • SIDS—Pagtunton sa mga Sintomas at mga Sanhi
    Gumising!—1988
  • Paano Dapat Matulog ang Isang Sanggol?
    Gumising!—1999
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1999
  • SIDS—Araw-Araw na Pangamba ng Magulang
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 1/22 p. 8-9

SIDS​—Mahahadlangan Ba Ito?

“Ang pagmo-monitor sa tahanan ng mga sanggol na ipinalalagay na may malaking posibilidad na maapektuhan ng sudden infant death syndrome (SIDS) ay higit at higit na ginagamit sa nakalipas na mga taon sa isang pagsisikap na hadlangan ang biglang pagkamatay ng sanggol.”​—Pediatrics, Hunyo 1986.

PARAMI nang parami ang gumagamit ng home monitor, subalit nahahadlangan ba nito ang SIDS? Libu-libong magulang ang gumamit o gumagamit ng mga home monitor. Ang ikinakabit na monitor sa sanggol, ay nagbibigay ng isang nagbababalang hudyat kapag mayroong nagbabantang iregularidad sa tibok ng puso o paghinga. Ang Science News ay nag-uulat na tinatayang 40,000 hanggang 45,000 mga home monitor ang ginagamit sa Estados Unidos at mula 10,000 hanggang 15,000 ang ginagawa sa bawat taon. Yamang ang mapanganib na yugto ay ang unang taon ng buhay, ang monitor ay hindi kailangang gamitin sa loob ng maraming taon. Datapuwat ang mga aparato bang ito ay talagang mabisa sa pagliligtas ng buhay?

Pinag-aralan ni Dr. Ehud Krongrad at ni Linda O’Neill, RN, ng Ospital ng mga Sanggol ng Columbia University, New York, ang 20 mga sanggol na ipinalalagay na may malaking posibilidad na maapektuhan ng SIDS. Sinasabi ng kanilang pag-aaral na lubhang mahirap na makilala nang wasto ang isang sanggol na nanganganib maapektuhan at samakatuwid ay talagang nangangailangan ng isang home monitor. Sabi nila: “Walang makukuhang pagsusuri na magsasabi nang may katiyakan, o makakahula, na ang isang sanggol ay may malaking posibilidad na maapektuhan.”

Ikinakatuwiran nila na ang mga magulang ay natural na nakikipagtulungan sa pagpaparikonosi sa mga reaksiyon ng kanilang anak, at ang sabi: “Ikinatatakot ng karamihan ng mga magulang ang pagiging totoo ng pangamba na nauugnay sa pisikal na mga pagbabago na hindi sinasamahan ng pagkababagu-bago ng tibok ng puso.” Sa katunayan, ang kanilang datos ay “nagpapakita na ang karamihan ng mga sanggol na biglang-bigla at di-inaasahang namatay ay hindi nagpakita ng anumang kapansin-pansin o klinikal na mga sintomas.” Bunga nito, si George A. Little ng Dartmouth Medical School ay nagsabi: “Kung ang batayan sa report na pinagkaisahan ng hurado ay ikakapit ng mga manggagamot, aasahan ko ang isang malaking pagbaba sa paggamit ng home monitor upang subaybayan ang paghinto ng hininga ng sanggol.”

Ang konklusyong ito’y nagsisilbing suporta sa payo ng mediko legal kay Tottie, na sinipi sa ating panimulang artikulo: “Wala kang magagawa upang mahadlangan ito. Kahit na kung nakatayo ka sa tabi ng kuna na may monitor, hindi mo siya maililigtas. Hindi mo ito malalaman antimano at hindi mo ito mahahadlangan. Sa ilang mga kaso, ang lahat ng bagay ay basta humihinto na lamang, at sa kasalukuyan ay walang paraan ng pag-alam sa sanhi.” Sa kasamaang palad, sa maraming larangan, hindi taglay ng siyensiya at medisina ang lahat ng kasagutan, at ang SIDS ay isa sa gayong larangan.

Ang isa pang salik na dapat isaisip ay na ang mga home monitor ay elektrikal na mga aparato, at samakatuwid, gaya ng binabanggit sa isang artikulo sa Pediatrics, “kailangang malaman ng mga propesyonal sa kalusugan at ng mga mamimili na ang pagkakaroon ng isang monitor sa tahanan ay kumakatawan ng potensiyal na mga panganib, lalo na kung may batang hahakbang-hakbang o hindi pa nag-aaral na nasa bahay.” Ang isang hindi nakakabit na kawad ng kuryente ay isang tukso sa kanino mang bata, at ang kalapit na saksakan ay maaaring maging ang kasunod na payak na hakbang tungo sa isang aksidente sa pagkakuryente o pagkasunog. Kaya nga, kapag gumagamit ng isang home monitor, kailangang maging lubhang maingat kapag may mga ibang bata sa paligid.

Muntik-muntikang mga Sanggol

Ang isang muntik-muntikang sanggol ay isa na huminto na sa paghinga at tila patay na subalit naagapan sa tamang-tamang panahon. Marahil biglang napansin ng isang magulang na ang sanggol ay hindi na humihinga at kinarga ito upang humingi ng tulong o sumugod sa pinakamalapit na ospital. Kung minsan ang biglaang aksiyon o pagkilos na iyon ang nag-udyok upang paandarin ang puso at paghinga, at ang bata ay nailigtas nang hindi na nangangailangan ng anumang masahe sa puso o CPR (cardiopulmonary resuscitation).

Sa ilang mga kaso ang mga muntik-muntikang ito ay napansin sa mga sanggol na sa katapusan ay namatay ng SIDS. Si Dr. Marie Valdes-Dapena ay nagsasabi na ang ‘muntik-muntikang mga sanggol ay may malaking posibilidad na maapektuhan ng biglang kamatayan.’ Kaya, ang mga doktor ay naghinuha na “ang mga gawain ng paghinga at tibok ng puso ay nauugnay sa kusang sistema nerbiyosa at waring ito ay halos nakatitiyak na ang mga sanggol na apektado ng SIDS at potensiyal na mga mamamatay sa kuna ay hindi gumagana ang kusang bahaging ito ng sentral na sistema ng nerbiyos.” Subalit ang sanhi ay nananatiling isang hiwaga.

Kaya naman ang SIDS ay ginagamit upang ipakahulugan sa kamatayan ng isang sanggol sa mga kalagayan na hindi maipaliwanag. Ang isang autopsiya ay hindi nakagagawa ng isang balidong dahilan o sanhi ng kamatayan. At sa kasalukuyang yugto ng pananaliksik at imbestigasyon, ang SIDS ay karaniwan nang hindi mahuhulaan o maiiwasan. Kaya kapag namatay ang isang sanggol​—ng dahil sa SIDS o dahil sa iba pang kadahilanan​—paano makakayahan ng mga magulang ang gayong pagkamatay? Paano nila hinaharap ang kanilang dalamhati?

[Larawan sa pahina 9]

Isang sanggol na nakakabit sa isang home monitor upang suriin ang paghinga

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share