Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 11/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • SIDS—Pagtunton sa mga Sintomas at mga Sanhi
    Gumising!—1988
  • Paano Dapat Matulog ang Isang Sanggol?
    Gumising!—1999
  • SIDS—Mahahadlangan Ba Ito?
    Gumising!—1988
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 11/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Batang Nasa Krisis Nais kong ipaabot ang aking pasasalamat sa serye na nasa isyu ng Abril 8, 1999 na “Mga Batang Nasa Krisis​—Sino ang Magsasanggalang sa Kanila?” Sa palagay ko’y dapat na gawing palagiang pampasigla ang kapansin-pansing paksa hinggil sa pang-aabuso sa bata upang gisingin ang opinyon ng publiko. Tungkulin nating pangalagaan ang daigdig ng ating mga anak. Sana’y ipagpatuloy ninyo ang inyong mahusay na gawain.

P. P., Councillor’s Office for Children, Lunsod ng Roma, Italya

Nakapangingilabot isipin na sa pagsisimula ng ika-21 siglo, maraming kabataan ang nagtatrabaho pa rin bilang mga alipin at ginagamit upang pumatay ng ibang tao. Ang lalo nang mahirap tanggapin ay ang bagay na karamihan sa kanila ay napakaliit ang pag-asang umigi ang buhay. Minsan pa, tumpak na nailarawan ng Gumising! ang suliranin ng mga bata sa daigdig.

S. R. B., Brazil

Ako’y diborsiyada na ngayon, pagkalipas ng 36 na taon ng pag-aasawa. Natuklasan kong ilang taon na palang minomolestiya ng aking asawa ang aking sariling mahal na mga anak na babae. (Hindi siya isang Kristiyano.) Hindi ko malaman ang aking gagawin nang matuklasan ko ito. Wari’y walang nakauunawa sa bigat na dulot ng seksuwal na pang-aabuso o ng di-masabing kirot na dinaranas ng mga walang-malay na biktima. Kaya nagpapasalamat ako kay Jehova dahil sa isinulat ninyo ang tungkol sa epidemyang ito.

N. M., Estados Unidos

Pagmamalasakit sa Matatanda Na Talagang gustung-gusto ko ang paksang “Ipadama ang Iyong Malasakit.” (Abril 8, 1999) Maraming matatanda nang nasa mga nursing home ang nalimutan na ng kani-kanilang pamilya. Subalit nitong nakalipas na dalawang buwan, ilan sa amin ang nagpasiyang ipakipag-usap ang Bibliya sa ilan sa mga nasa nursing home na nasa karatig lamang. Pagkatapos, tinugtugan namin sila sa piyano at nakipag-usap sa kanila. Nagplano kami na palagi na silang dalawin ngayon.

C. V., Estados Unidos

Bagyo sa Aprika Ako po’y 12 taóng gulang, at nais ko pong pasalamatan kayo sa artikulong “Pagkatapos ng Bagyo, Namayani ang Kristiyanismo.” (Marso 8, 1999) Masasabi ko pong talagang kahanga-hanga ang mga kapatid na tumulong sa mga nasa kagipitan! Ipinaalaala nito sa akin ang paraan ng pagtulong na ginawa ng mga kapatid pagkatapos ng napakalakas na lindol Hanshin sa Hapon. Naudyukan po ako ng artikulo na maging matapang at gumawa ng mabubuting bagay sa iba.

R. K., Hapon

Natutulog na mga Sanggol Salamat sa artikulong “Paano Dapat Matulog ang Isang Sanggol?” (Marso 22, 1999) Namatayan ako ng aking panganay na anak na edad dalawa at kalahating buwan dahil sa sudden infant death syndrome (SIDS). Kung napasaakin sana agad ang impormasyong ito! Sa kabila ng pagkakaroon ng dalawa pang mahuhusay na anak, nadarama ko pa rin ang matindi at di-mailarawang kirot.

A. D., Italya

Maraming nakikitang panganib na dahilan ng SIDS. (Tingnan ang “Pagmamasid sa Daigdig” sa Enero 22, 1997, isyu ng “Gumising!”) Gayunman, sa maraming paraan ay nananatili pa ring isang hiwaga sa medisina ang SIDS. Kung gayon ay hindi dapat sisihin ng mga magulang na namatayan ng anak dahil sa SIDS ang kanilang sarili sa nangyaring trahedya. Ang malalim na pagtalakay hinggil sa SIDS sa aming Enero 22, 1988, isyu ay napatunayang nakaaaliw sa maraming namimighating magulang.​—ED.

Celiac Disease Natanggap namin ang artikulong “Pakikipagpunyagi sa Celiac Disease” (Marso 22, 1999) tatlong buwan matapos naming malaman na mayroon nito ang aming anim-na-taóng-gulang na anak. Ang sakit na ito ay talagang di-kilala sa Russia kahit ng mga doktor. Salamat at mauunawaan na ngayon ng aming Kristiyanong mga kapatid kung bakit ang aming anak na babae ay namimili ng pagkain! Ang artikulong ito ay nagpalakas sa amin at tumiyak sa amin na palaging pinangangalagaan ni Jehova ang mga pangangailangan ng kaniyang bayan.

V. P. at L. P., Russia

Pagkagusto sa mga Bagay na Hindi Mo Makamit Katatapos ko pa lamang basahin ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit Wala Ako ng mga Bagay na Gusto Ko?” (Marso 22, 1999) Nais ko kayong pasalamatan sa artikulong ito dahil nagpamulat ito sa akin na hindi ko pala maaaring makamit ang bawat magustuhan ko. Ngunit gaya ng sabi sa artikulo, alam ni Jehova ang ating mga kailangan, at masayang-masaya ako dahil sa pagkakaroon ng simpleng buhay.

C. K., Canada

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share