Mga Tinik ng Porcupine
Alam Mo Ba—
◯ Kung gaano karami ang mga tinik ng isang porcupine?
◯ Kung itinutudla nito ang mga tinik nito sa isang sumasalakay?
◯ Kung bakit ang mga tinik nito ay bihirang pagmulan ng
impeksiyon ng isang biktima,gayunman kung minsan ay nakamamatay?
ANG 30,000 o mahigit pang mga tinik na laging naghahalili sa ganang sarili ay hindi agresibong ginagamit kundi sa depensa lamang; ni itinutudla man ng porcupine ang mga tinik nito. Totoo, kapag iniimbay nito ang buntot nito na punô ng tinik sa isang sumasalakay, ang ilang mga tinik ay maaaring lumipad subalit nang walang lakas upang tumama sa anumang bagay. Kung ang iniimbay na buntot ay tumama sa isang sumasalakay, ang mga tinik ay mahirap bunutin.
Mga ilang taon na ang nakalipas, isang biyologo ang nagkaroon ng gayong masakit na pagkasagupa sa isang porcupine. Isang tinik ang naglakbay ng dalawampu’t limang centimetro sa laman ng kaniyang kamay bago lumitaw pagkaraan ng dalawang araw. Walang impeksiyon. Sinubok niya ang iba pang mga tinik at namangha siya nang matuklasan niya na ang mga ito ay may kaunting antibiotic. Sa kadahilanang ito, ang mga tinik ay bihirang makaimpeksiyon.
Gayunman, kapag ang may simà na ulo ng isang tinik ay bumaon sa laman at tumama sa isang mahalagang sangkap ng katawan, maaari itong pagmulan ng kamatayan ng biktima nito. At kung ang tinik ay lumagos sa bibig ng isang hayop anupa’t ito ay hindi makakain, ang hayop ay maaaring mamatay sa gutom.
Isang karagdagang bonus ay na ang mga tinik ay kumikilos na parang isang salbabida kung naipasiya ng porcupine na kumain ng paboritong pagkain—mga water lily. Gaya ng hayop mismo, ang mga tinik nito ay tunay na gawa ng isang intelihenteng Disenyador.
[Picture Credit Line sa pahina 31]
Elizabeth Joy/National Park Service