Mga Batang Naglalakbay na Mag-isa
“Isa itong malungkot na komentaryo tungkol sa panahon,” sabi ng isang tagapagsalita ng airlines. Tinutukoy niya ang mataas na bilang ng mga batang naglalakbay na mag-isa sa buong Estados Unidos na ang tanging kasama ay ang kanilang mga manika, mga laruan, o mga alagang dagang costa.
Karamihan ng mga kabataan ay nagpaparo’t parito sa kanilang mga magulang na pinaghiwalay ng diborsiyo o ng trabaho. “Mag-isa akong nagbibiyahe sapol nang ako’y 5 anyos,” sabi ng isang matatag na 12-anyos. Gayunman, hindi nagugustuhan ng lahat ng mga bata ang paglalakbay na mag-isa. Nasusumpungan ng iba na ito ay isang nakatatakot na karanasan.
Karaniwan na, sinasabi ng mga tauhan sa airline na ang mga bata ay nakalulugod. Sila ay mas kasiya-siya at walang gaanong maraming dala-dalang bagahe. “Sumusunod sila sa mga utos,” sabi ng isang superbisor sa paglilingkod sa pasahero. “Ayos sana kung magagawa lamang natin ang ating mga adulto na kumilos na gaya nila.”