Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 6/22 p. 18
  • Rikonosi sa 80 Wika

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Rikonosi sa 80 Wika
  • Gumising!—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Ospital—Kung Ikaw ay Isang Pasyente
    Gumising!—1991
  • Mga Doktor na Dumaranas ng Kaigtingan
    Gumising!—2005
  • Kapag May Sakit ang Isang Minamahal
    Gumising!—2015
  • Pagdalaw sa Isang Pasyente—Kung Paano Ka Tutulong
    Gumising!—1991
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 6/22 p. 18

Rikonosi sa 80 Wika

ISANG manggagamot ng pamilya na taga-Canada ay nakagawa ng isang sistema na gumagawang posible para sa isang doktor na “marikonosi at magamot ang mga pasyente sa 80 wika nang hindi na nangangailangan ng isang interprete,” sabi ng “The Medical Post.” Ang sistema ay tinatawag na MIGS (Medical Information Gathering System). Ito’y binubuo ng isang kit ng 20-pahinang mga manwal, isang manwal para sa bawat wika. Ang bawat manwal ay “naglalarawan ng mahigit 200 medikal na sintomas,” na ginagamit ang araw-araw na mga salita at ekspresyon.

Ang panimulang hakbang ay ipakita sa pasyente ang parehong pangungusap sa iba’t ibang wika hanggang sa makilala niya ang kaniyang sariling wika. Ang pangungusap ay nagsasabi sa kaniya na ituro ang wikang iyon upang mapili ng doktor ang angkop na manwal ng wika.

Ang susunod ay ang paggamit ng manwal sa wikang iyon, ginagamit ang 15 katanungan upang matiyak kung ano ang inaakala ng pasyente na problema niya. Tumutulong ito upang makilala ang pangkalahatang kalikasan ng karamdaman. Halimbawa, kung makilala ng pasyente ang sakit sa sikmura at bituka, siya’y inaakay sa isang bahagi na mayroong “halos 15 katanungan na pinipili ang tamang sagot na espisipikong nauugnay sa sistema ng sikmura at bituka.”

Isinaalang-alang din ang pangkaraniwang wika ng sistema ang mga pagkakaiba-iba na bunga ng mga pagkakaiba sa edukasyon at kultura. Bilang halimbawa, ang artikulo ay nagsasabi na “maaaring ilarawan ng isang taga-Canada ang alibadbad sa pagsasabing ‘Sinisikmura ako,’ samantalang maaari namang sabihin ng isang taga-Jamaica: ‘Masama ang pakiramdam ko.’ ”

Mayroon ding mga bersiyon ng sistema sa Braille para sa mga taong bulag. At si Dr. Victor Kumar-Misir, ang gumawa ng sistema, ay gumagawa ngayon ng isang bersiyon na tutugon sa pangangailangan ng mga pasyenteng hindi marunong bumasa at sumulat na nangangailangan ng mga paglilingkod ng isang manggagamot.

Wari bang ang MIGS ay magiging isang malaking negosyo sa mga manggagamot at pasyente sa parami nang paraming malalaking lunsod ng daigdig habang ang gayong mga lunsod ay higit at higit na nagiging maramihang kultura at maramihang wika. Sa ibang mga kaso ang kalagayan sa isang lubhang maysakit o nasaktang tao ay nagiging kritikal pa dahil sa kawalang-kakayahan ng doktor at pasyente na mag-usap.

[Picture Credit Line sa pahina 18]

The Clinical Center​—NIH

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share