Ginawa Para sa Isa’t Isa
Naaamoy ng paniki ang nektar, kailangan naman ng century plant ang pollen, at sila kapuwa ay may layon na makalugod sa isa’t isa. Ang bawat isa ay mahihirapan sa buhay kung wala ang isa’t isa.
Ang Mahabang-ilong na Paniki ng Sanborn ay nandarayuhan sa Arizona at New Mexico sa mga buwan ng tag-araw. Sa panahong iyon ang century plant ay nag-uusbong ng tangkay nito ng hanggang 6 na metro ang taas, na may nagsasangang dilaw na mga bulaklak. Ang mga paniki ay kumakain sa gabi; ang dilaw na mga bulaklak ay gumagawa ng nektar sa gabi lamang; tira na lamang ang nakukuha ng mga ibon sa araw. Pagdapo ng mga paniki sa bulaklak, ang dila nito ay napupunô ng dugo at humahaba ng sangkatlo ng haba ng katawan nito kunin ang nektar. Pag-alis nito, dinadala nito ang pollen sa susunod na halaman na dalawin nito. Ang paniki ay umaasa sa halaman upang mabuhay sa mga buwan ng tag-araw; ang halaman ay umaasa naman sa paniki para sa cross-pollination.
Subalit ang walang pinipiling pagpatay ng tao sa mga paniki at ang pagsira niya sa mga tirahan nito ay nakasasamâ rin sa mga century plant na ligaw. Matututo pa kaya ang tao na hayaang mabuhay at huwag pakialaman ang mga nilikhang ito?
[Picture Credit Line sa pahina 31]
Merlin D. Tuttle, Bat Conservation International