Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwwd artikulo 16
  • Ang Echolocation ng Paniki

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Echolocation ng Paniki
  • May Nagdisenyo Ba Nito?
  • Kaparehong Materyal
  • Paniki—Hindi Maunawaan, Kahanga-hanga, Mahalaga, Nanganganib Malipol
    Gumising!—1989
  • Lumilipad na mga Hardinero sa Tropikal na Kagubatan
    Gumising!—2014
  • Paniki
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ginawa Para sa Isa’t Isa
    Gumising!—1988
Iba Pa
May Nagdisenyo Ba Nito?
ijwwd artikulo 16
Isang lumilipad na paniki.

MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Echolocation ng Paniki

Nakakakita ang mga paniki, pero para maramdaman nila ang nasa paligid nila kapag gabi, karamihan sa mga paniki ay gumagamit ng echolocation—ang kakayahang malaman ang distansiya ng isang bagay sa pamamagitan ng tunog na bumabalik sa kanila. Halimbawa, kayang malaman ng ilang paniki kung lamok o beetle ang isang insekto depende sa bilis ng pagkampay ng pakpak nito.

Pag-isipan ito: Karamihan ng paniki ay gumagawa ng tunog sa kanilang larynx at inilalabas ito sa kanilang bibig o butas ng ilong. Kapag tumama ang tunog sa isang bagay, gagawa iyon ng echo na made-detect ng malalaking tainga ng paniki. Dahil sa mga echo na ito, nakakabuo siya sa isip niya ng 3D na larawan ng paligid niya. Kaya nalalaman ng paniki ang lokasyon, taas, at layo ng isang bagay kahit pa nga maingay ang paligid dahil sa ibang paniki.

Kailangang eksaktong-eksakto ang echolocation ng isang paniki, dahil kung magmimintis ito nang kahit isang millisecond (1/1,000 ng isang segundo), lilihis siya sa target niya nang hanggang 17 sentimetro. Ayon sa ilang mananaliksik, “parang imposible” ang echo time precision na mas mabilis pa sa isang millisecond. Pero ipinapakita ng mga eksperimento na ang echo time precision ng mga paniki ay 10 nanosecond (1/100,000,000 ng isang segundo). Kaya natutukoy nila nang eksakto ang distansiya, at kung magmintis man, isang milimetro lang o wala pa!

Nakagawa ang mga mananaliksik ng isang elektronikong baston na may echolocation. Dinisenyo ito para tulungan ang mga bulag na magkaideya kung ano ang nasa paligid nila at maiwasan ang mga nakaharang, pati na ang mga bagay kung saan puwede silang mauntog, gaya ng nakausling sanga ng puno. “Naisip naming gawin ang bastong ito kasi humanga kami sa kakayahan ng paniki na gumamit ng echolocation,” ang sabi nina Brian Hoyle at Dean Waters, dalawa sa mga nagdisenyo ng tinatawag na Batcane.

Isang bulag na naglalakad na may elektronikong baston. Dahil sa echolocation ng baston, nalaman niya na may fire hydrant sa dadaanan niya.

Ano sa palagay mo? Ang natatanging kakayahan ba ng paniki na gumamit ng echolocation ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share