Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 10/14 p. 12-13
  • Lumilipad na mga Hardinero sa Tropikal na Kagubatan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Lumilipad na mga Hardinero sa Tropikal na Kagubatan
  • Gumising!—2014
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pagkakalat ng Binhi
  • Pagpapamilya
  • Paniki—Hindi Maunawaan, Kahanga-hanga, Mahalaga, Nanganganib Malipol
    Gumising!—1989
  • Ang Echolocation ng Paniki
    May Nagdisenyo Ba Nito?
  • Paniki
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ginawa Para sa Isa’t Isa
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—2014
g 10/14 p. 12-13
Fruit bat na nanginginain

Lumilipad na mga Hardinero sa Tropikal na Kagubatan

ALAM ng mga hardinero na ang matagumpay na paghahalaman ay nakadepende sa paghahasik ng binhi sa tamang lugar at panahon. Bagaman parang nakapagtataka, ang ilan sa pinakaepektibong paghahasik sa kagubatan ay ginagawa sa gabi​—at mula sa ere. Ang lumilipad na mga hardinerong naghahasik ay ang mga Old World fruit bat​—na ang ilan ay tinatawag na mga flying fox.a

Pagkakalat ng Binhi

Karamihan sa mga fruit bat ay lumilipad sa kagubatan kung gabi para maghanap ng mga punong may masasarap na bunga o bulaklak na mayaman sa nektar. Habang lumilipad, tinutunaw ng mga paniking ito ang kinaing prutas at idinudumi ang mga sapal at buto na di-natunaw. Para makumpleto ang paghahalaman nila, nagpo-pollinate din sila ng mga bulaklak habang sinisipsip ang nektar na gustong-gusto nila.

Dahil malayo ang nararating ng mga fruit bat sa gabi, naikakalat nila nang husto ang mga binhi. At dahil ang ilang buto ay sumasama sa kanilang dumi, mayroon na itong “fertilizer” na nakatutulong para tumubo ito. Kaya hindi kataka-taka na iba’t ibang halaman sa kagubatan ang nakadepende sa mga paniki para ma-pollinate ang mga bulaklak nito at maikalat ang mga buto nito.

Sa layo ng kanilang nilalakbay, kailangan ng mga fruit bat ang husay sa nabigasyon at talas ng paningin. Mas nakakakita sila sa dilim kumpara sa tao. Nakikita pa nga nila ang ilang kulay. At nakalilipad sila sa araw man o sa gabi.

Pagpapamilya

Fruit bat

ALAM MO BA? Di-tulad ng ibang paniki, ang mga fruit bat ay naghahanap ng pagkain, hindi sa pamamagitan ng pandinig, kundi sa pamamagitan ng paningin at pang-amoy. Bagay na bagay ang malalaking mata nila sa kanilang gawain sa gabi

Sa buong buhay ng Samoan flying fox (Pteropus samoensis), iisa lang ang asawa nito. Sa ilang uri ng paniki, naobserbahan na ang babae ay maalaga sa kaniyang mga anak, anupat dala-dala ito sa loob ng ilang linggo at pinasususo hanggang sa halos adulto na ito. May dalawang uri naman ng fruit bat na ang babae ay nagpapatulong sa kapuwa niya babae kapag nanganganak.

Nakalulungkot, maraming fruit bat ang nanganganib nang maubos dahil na rin sa pagsira sa kanilang likas na tirahan. Sa mga isla sa South Pacific, ang pagkaubos ng mga fruit bat ay magdudulot ng malaking pinsala dahil may ilang uri ng halaman doon na baka hindi ma-pollinate kung walang mga paniki. Maliwanag, hindi dapat maliitin ang nagagawa ng lumilipad na mga hardinerong ito.

a Ang mga Old World fruit bat ay matatagpuan sa Aprika, Asia, Australia, at ilang isla sa Pasipiko.

NAGLILIGTAS SA KAGUBATAN

Punong baobab

Tumatagal lang nang halos 24 na oras ang bulaklak ng punong baobab, pero sapat na iyon para makita ng mga fruit bat ang malalaking bulaklak na punô ng nektar at mailipat ang pollen sa ibang puno ng baobab

Kapag nakalbo ang isang bahagi ng kagubatan, malaki ang papel na ginagampanan ng mga paniki para tumubo uli ang mga puno roon. Sa kanilang ‘paghahalaman,’ naihahasik ang mga binhi na nagiging mga bagong puno. “Ang kalidad ng buhay ng tao ay may malaking kaugnayan sa isang malusog na kapaligiran ng mundo, at para mapanatiling malusog ang kapaligirang iyan, kailangan ang mga paniki,” ang sabi ng aklat na Bats of the World, ni Gary L. Graham.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share