Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 8/22 p. 11-13
  • Bakit Ayaw sa Akin ng mga Tao?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Ayaw sa Akin ng mga Tao?
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • ‘Hindi Ako Naiibigan Ninuman’​—O Naiibigan ba Nila Ako?
  • “Pigilan Mo ang Iyong Dila”
  • Nakasusuyang Ugali
  • Huwag Maging “Walang Imik”
  • Pagiging Kaibig-ibig sa Iba
  • Paano Ba Ako Maiibigan ng mga Tao?
    Gumising!—1988
  • Paano Kung Pakiramdam Ko’y Nag-iisa Ako?
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
  • Paano Ako Magiging Higit na Palakaibigan?
    Gumising!—1999
  • Bakit ba Lagi Akong Napag-iiwanan?
    Gumising!—2007
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 8/22 p. 11-13

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .

Bakit Ayaw sa Akin ng mga Tao?

“MALIBANG ikaw ay isang katangi-tanging tiwasay na tao,” sabi ng manunulat na si Beth Levine, “kung minsan ikaw ay nag-aalala kung baga inaakala ng ibang tao na ikaw ay nakababagot.” Oo, likas lamang at malusog na naisin mong ikaw ay maibigan ng iba, at kung tayo’y nilalayuan ng iba, nag-aalala tayo. ‘Ano ba ang deperensiya ko?’ naitatanong natin.

Ang pagkabahala sa kung baga naiibigan sila ng iba ay nagtulak sa ibang kabataan sa pagkasiphayo. Si Dave, halimbawa, ay nag-akala na siya ay sadyang iniiwasan ng ibang kabataan. Ang mga epekto ng pagtangging ito? “Ako’y nakadama ng kalungkutan, kawalang-halaga, at takot pa nga,” gunita ni Dave. “Ito ang isa sa pinakanakapanlulumong kalagayan na nakaharap ko.” Kung gayon, kumusta naman kapag nadarama mo kung minsan na ikaw ay iniiwasan ng iba?

‘Hindi Ako Naiibigan Ninuman’​—O Naiibigan ba Nila Ako?

Una sa lahat, sikapin mong suriin kung ang iyong mga damdamin na ikaw ay hindi naiibigan ay nag-uugat sa katotohanan o sa guniguni. Ang bagay ba na ikaw ay hindi ang pinakapopular na tao sa inyong paaralan o sa lugar ninyo ay nangangahulugan na ayaw sa iyo ng mga tao? Hindi naman! Ang kaisipan na ang lahat-o-wala ay dumadaig-sa-sarili at hindi makatotohanan. Oo, pambihira ang taong hindi naiibigan ninuman. Ang bagay na ikaw marahil ay hindi napapansin paminsan-minsan ay hindi nangangahulugan na ang mga tao ay galit sa iyo.

Malasin mo ang iyong kalagayan nang makatuwiran at makatotohanan. Mayroon ka bang isang “kaibigan na mahigit pa sa isang kapatid”? (Kawikaan 18:24) Kung gayon maliwanag na mayroong nakakasumpong sa iyo na kaibig-ibig! Tingnan mo rin, ang iyong kaugnayan sa pamilya. Hindi ba’t ang iyong mga magulang, mga kapatid na lalaki, at mga kapatid na babae ay nasisiyahan na makasama ka? Hindi ba ito nagpapahiwatig, kung gayon, na ikaw ay may kaakit-akit na mga katangian? Kung may mga alinlangan ka pa rin, hilingin mo ang isang tao​—marahil isang pinagkakatiwalaang kaibigan o membro ng pamilya​—na tulungan kang suriin kung ano ang palagay sa iyo ng iba. Karaniwan na, ang kalagayan ay hindi naman nakatatakot na gaya ng inaakala mo.

Gayunman, kung minsan ikaw ay maaaring may kabaitang sabihan na ang ibang tao ay talagang umiiwas sa iyo. Makasasakit ito. Subalit magpasalamat ka na mayroong nagmamalasakit sa iyo upang sabihin sa iyo ang totoo. (Kawikaan 27:6; Galacia 4:16) Sa halip na malungkot, sikapin mong mapagtagumpayan ang paggawing iyon na pinagmumulan ng problema.

“Pigilan Mo ang Iyong Dila”

Halimbawa, maaari kayang ikaw ay masyadong masalita? Ang mga taong masyadong masalita ay kadalasang iniiwasan ng iba. Inaakala ng mga tao na sila ay nadadaya kapag sila mismo ay hindi nabibigyan ng sapat na pagkakataon upang magsalita. Totoo ito kapag itinutuon ng isang masalita ang lahat ng pag-uusap sa kaniyang sarili. Ganito ang sabi ng isang kabataang nagngangalang Danette: “Ang batang babaing ito sa paaralan ay wala nang sinabi kundi ang tungkol sa kaniyang sarili. Dahil sa kaniyang banidad, ayaw sa kaniya ng ibang mga bata. Magalang silang kumilos kapag sila ay nasa paligid niya, pero hangga’t maaari ay iniiwasan nila siya.” Angkop, kung gayon, ang Bibliya ay nagsasabi: “Ang mangmang ay nagsasalita nang marami.”​—Eclesiastes 10:14.

Ang awtor na si Dale Carnegie ay nagsabi: “Maaari kang magkaroon ng mas maraming kaibigan sa loob ng dalawang buwan sa pamamagitan ng pagpapakita ng interes sa ibang tao kaysa magagawa mo sa dalawang taon sa pamamagitan ng pagsisikap na magkainteres sa iyo ang ibang tao.” O gaya ng pagkakasabi rito ng aklat ng Kawikaan: “Siyang saganang dumidilig sa iba sa ganang sarili niya ay saganang didiligin din.” (Kawikaan 11:25) Kaya magpakita ng interes sa iba, at “mabilis sa pakikinig” sa sinasabi ng iba. (Santiago 1:19) Ganito ang payo ni Haring Solomon: “Huwag kang masalita. . . . Magpakadunong ka at pigilan mo ang iyong dila!”​—Kawikaan 10:19, The Living Bible.

Hindi ka ba nasisiyahan kapag ikaw ay binigyan ng iba ng pagkakataon na magsalita tungkol sa mga bagay na interesado ka? Kaya bigyan mo rin ng kasiyahan ang iba na ipahayag ang kanilang sarili. Maiibigan ka nila dahil dito.

Nakasusuyang Ugali

Marahil, gayunman, ang problema ay kung paano mo pinakikitunguhan ang iba. Isaalang-alang, halimbawa, ang matalino o nalalaman-ang-lahat​—ang kabataan na magaling mang-inis sa iba sa pamamagitan ng laging may nakahandang insulto, masakit na biro, o nakatatawang panghihiya. Nariyan din ang isang tao na mahilig makipagtalo at iginigiit ang kaniyang opinyon sa lahat, o ang taong “labis na matuwid” na mabilis na hinahatulan ang sinuman na hindi nakakaabot sa kaniyang personal na mga pamantayan. (Eclesiastes 7:16) At kumusta naman ang taong ipinahihiya ang iba sa pagiging maingay at maharot? Ito ang mga tao na ayaw mong makasama, hindi ba? Gayunman, maaari kayang kung minsan ganito rin ang palagay ng iba tungkol sa iyo?

Ang nakasusuya o pangahas na ugali ay maaaring pagmulan ng katatawanan, ngunit kaunti lang ang nagagawa nito upang itaguyod ang pagkakaibigan. Oo, sino ang mas gusto mong kasama​—isa na magandang asal at magalang o isa na ipinalalagay ang kaniyang sarili na isang artistang nanghihiya? Ginugunita ang ilang kabataan na katulad ng nahuling banggit, ganito ang sabi ng kabataang si Shellie: “Sa labas ay nakangiti kami sa kanilang mga kilos, subalit sa loob ay nasusuya kami sa kanilang kawalan ng pakikiramay sa kapuwa.”

Kaya, ang payo ng Bibliya ay “patuloy na gawin ninyo ang lahat ng bagay na walang mga bulung-bulungan at pagtatalo.” (Filipos 2:14) Ang di na kailangang pagtataltalan, panunukso, pag-iinsulto, at matuwid-sa-sariling paghatol ay nagpapalayo sa iba. Mas maiibigan ka ng mga tao kung ikaw ay nagpapakita ng “pakikiramay sa kapuwa” at “ang inyong pananalita nawa’y maging laging magiliw.”​—1 Pedro 3:8; Colosas 4:6.

Huwag Maging “Walang Imik”

Kung paanong ang isang taong masalita ay nakasusuya, ang isang tao na hindi palakibo o walang imik sa isang pag-uusap ay maaari ring maging nakababagot. Sabi ni Mark R. Leary, kasamang propesor sa sikolohiya: “Kung gagawin ko lamang ay magtanong o magsabi ng ‘ah-ha,’ walang nalalaman ang sinuman tungkol sa akin at ako’y hindi kasiya-siyang kapareha. Hindi mo ibig na ikaw na lamang ang laging nagsasalita, ngunit hindi mo rin ibig na maging walang imik.”

May “panahon ng pagsasalita.” (Eclesiastes 3:7) Kaya itanong mo sa iyong sarili, ‘Ako ba’y nakayayamot at nakasusuya sa pagsasawalang-kibo kapag nagsimula na ang usapan?’ Kung gayon, magsikap na makipag-usap nang higit! Ang sasabihin mo ay hindi naman kailangang maging malalim, kundi ito ay dapat na sapat upang magpakita na ikaw ay interesado sa iba. Kung ang pagsasabi ng kawili-wiling mga bagay ay isang problema, sikapin mong magtanong. “Ang salitang sinalita sa tamang panahon ay gaya ng mga mansanas na ginto sa mga bilaong pilak,” sabi ng Bibliya.​—Kawikaan 25:11.

Pagiging Kaibig-ibig sa Iba

Marahil nakikita mo na ngayon ang ilan sa mga kapintasan sa personalidad na kailangan mong pagtagumpayan. Gaya ng binanggit kanina, ang isang membro ng pamilya o ang matalik na kaibigan ay maaaring makatulong sa pagbubukod sa di kanais-nais na mga ugali. Magtanong ng espisipikong mga tanong, at magkaroon ng sapat na tibay-loob na pakinggan ang kanilang matapat na kasagutan. Nangangailangan ng tunay na panloob na lakas upang tanggapin ang isang kapintasan at lalo pa ang ituwid ito.

Si Dave, na binanggit kanina sa artikulo, ay gumawa ng maingat na pagsusuri at natuklasan niya na ang pinaka-ugat ng kaniyang problema ay ang kaniyang interes sa iba anupa’t hindi niya iniintindi ang kaniyang personal na hitsura at kalinisan! Gayunman, si Dave ay gumawa ng kinakailangang mga pagbabago. Ngayon siya ay lubhang naiibigan at nasisiyahan sa pakikipagkaibigan ng marami, bata at matanda.

Mangyari pa, hindi mabuti na sikaping maibigan ka ng iba anuman ang mangyari. Ganito ang sabi ni Dr. Theodore I. Rubin: “Nakalulungkot sabihin, walang sinuman ang naiibigan sa buong sansinukob sa lahat ng panahon at walang pagkukunwari, pagbabalatkayo, o pagpilipit sa sarili ang nakagagawa ng kaunti pang pag-ibig. Tayo’y naiibigan ng ibang tao, ang iba ay hindi. Sa alinmang kaso, hindi naiibigan ng karamihan ng mga tao ang huwad na mga pagpapakita ng pag-ibig; ni naiibigan man ng gumagawa nito ang kaniyang sarili.” Oo, si Jesu-Kristo ay nagbabala: “Sa aba ninyo, pagka ang lahat ng tao ay nagsasalita ng magaling tungkol sa inyo.” (Lucas 6:26) Ang bagay na ikaw ay naninindigan sa matuwid na mga simulain ay magpapangyari sa iba na mainis sa iyo.​—Lucas 6:22.

Kaya gumawa ng makatuwirang mga pagsisikap na maging kalugud-lugod, kaaya-aya, kaibig-ibig. Subalit huwag na huwag ikukompromiso ang tama makamit lamang ang pagsang-ayon ng iba. Ang batang si Samuel noong panahon ng Bibliya ay nanindigang matatag sa kung ano ang tama. Ang resulta? Siya ay patuloy na lumaki na “higit na kalugud-lugod sa paningin ni Jehova at ng mga tao.” (1 Samuel 2:26) At taglay ang kaunting pagkilos at determinasyon, magiging kaibig-ibig ka rin.

[Larawan sa pahina 12]

Ang mga tao ay lalayo sa isa na iginigiit na siya ang laging magsalita

[Larawan sa pahina 13]

Ang mga tao ay bihirang maakit sa isa na walang imik

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share