Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g88 10/22 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Isang Segundong Lukso”
  • Pagpapalaki ng Katawan
  • Ligtas na Pagmamaneho
  • Glaucoma
  • Glaucoma—Traidor na Magnanakaw ng Paningin!
    Gumising!—1988
  • Glaucoma—Ang Magnanakaw ng Paningin
    Gumising!—2004
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2000
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1988
g88 10/22 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

“Isang Segundong Lukso”

Samantalang binabasa ang artikulong “Isang Segundong Lukso” sa “Pagmamasid sa Daigdig” (Mayo 22, 1988), napansin kong mali ang pahayag ni Dr. Dennis McCarthy na ang isang eruplano ay sasala sa patakbuhan (runway) ng 300 metro isang segundo. Halimbawa, isang lalapag na eruplanong Jumbo na punô ng karga ay lumilipad sa bilis na halos 150 knots, kaya ang aktuwal na bilis ay magiging 78 metro sa bawat segundo.

Yamang ako ay isang piloto sa airline at nagpapalipad ng Boeing 747, inaakala kong pananagutan ko na banggitin ang pagkakamaling ito.

B. G., Italya

Kung ang nasa isipan ni Dr. McCarthy ay ang bilis sa paglapag, kung gayon tama si B. G. Ang eruplano ay sasala ng halos 80 metro sa halip na 300.​—ED.

Pagpapalaki ng Katawan

Sinimulan ko ang mga ehersisyo sa pagpapalaki ng mga kalamnan upang ako’y magkaroon ng magandang katawan. Uminom din ako ng mga hormone upang ito ay mas mabilis na lumaki (isang karaniwang bagay sa gitna ng mga weight lifters). Ako’y nagsasanay apat na oras isang araw. Subalit habang ako ay pisikal na lumalaki, ako naman ay walang pagsulong sa mental na paraan. Pagkatapos ay nabasa ko ang artikulong iyon (“Young People Ask . . . Should I Go In For Bodybuilding?” Disyembre 22, 1986 ng Awake!). Hindi ko akalain na hihintuan ko ang isport na iyon, subalit ngayon natalos ko ang pangangailangan na palakihin ang aking isipan at hindi lamang ang aking katawan. Kaya inihinto ko na ito. Maraming-maraming salamat.

G. P., Brazil

Ligtas na Pagmamaneho

Nais naming mag-asawa na magpahayag ng aming taimtim na pasasalamat sa inyo para sa artikulong “Ligtas na Pagmamaneho​—Lubhang Kailangan.” (Enero 8, 1988) Kami ay nagmamay-ari ng isang paaralan sa pagmamaneho dito sa Ireland, at kami, bilang mga tagapagturo sa pagmamaneho, ay lubhang interesado na itimo sa isipan ng aming mga edtudyante ang pangangailangang hindi lamang maging isang mahusay na tsuper kundi rin naman ang maging maingat na tsuper. Ang artikulong ito ay nakatulong sa amin kapuwa nang malaki, at naibahagi namin ang mahalagang impormasyong ito sa aming mga estudyante.

P. at A. B., Ireland

Glaucoma

Nasiyahan ako sa pagbabasa ng inyong artikulo tungkol sa glaucoma sa Mayo 8 ng Gumising! Subalit mayroon akong nasumpungang isang bahagi na hindi wasto. Hindi hinahalinhan ng katawan ang vitreous humor solution. Kadalasan kapag napinsala ng mga tao ang kanilang mga mata at ang likidong ito ay nawawala, ang paningin ay nawawala na o ito ay permanenteng nasisira.

G. R., EMT Paramedic, Estados Unidos

Ang tinutukoy ng artikulo ay hindi ang vitreous humor, na tungkol dito ay tama si G. R., kundi sa halip tinutukoy nito ang aqueous humor, isang mamasa-masang likido na nasa harap na bahagi ng mata sa paligid ng iris.​—ED.

Nagkaroon ako ng pagkakataon ngayon na basahin ang artikulo tungkol sa glaucoma sa inyong Mayo 8, 1988, na labas ng Gumising! Nais ko kayong batiin sa paglalathala ng gayong nakapagtuturo at napakawastong impormasyon.

R. J. G., M.D., The Eye Institute of California, Estados Unidos

Nasumpungan ko ang artikulo tungkol sa glaucoma ay wasto at kawili-wiling isinulat. Ang madaling unawaing mga artikulong gaya nito ay malaking tulong sa mga pasyente, at ako’y nagagalak na makita ang ganitong uri ng artikulo sa mga magasin.

R. S. L., M.D., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share