Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g89 4/8 p. 3
  • Ang Holocaust—Bakit Dapat Kang Mabahala?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Holocaust—Bakit Dapat Kang Mabahala?
  • Gumising!—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Nangyari ang Holocaust? Bakit Hindi Ito Pinigilan ng Diyos?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Mga Saksi ni Jehova at ang Holocaust—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1989
  • Mangyayari Kayang Muli ang Holocaust?
    Gumising!—2001
Iba Pa
Gumising!—1989
g89 4/8 p. 3

Ang Holocaust​—Bakit Dapat Kang Mabahala?

‘TALAGA bang nangyari ang Holocaust? Mahalaga ba ito? Bakit dapat akong mabahala?’ maaaring itanong ng ilan.

Ang isang dahilan kung bakit dapat mabahala ang sangkatauhan ay upang tiyakin na hindi na muling maulit ang kasaysayan. Ang nakaligtas sa concentration camp na si Primo Levi ay nagpahayag ng mga pag-aalinlangan na patay na nga ang kaisipang concentration-camp. Ang tanong niya: “Ilan ang nagbalik o nagbabalik? Ano ang magagawa ng bawat isa sa atin upang sa paano man ay mapawalang-saysay ang mga bantang ito sa daigdig na ito na punô ng mga banta?”

Sa gayong paraan, ipinahayag ni Levi ang pagkabahala ng marami na nagtatanong kung baga ang uring ito ng kakilabutan ay maaaring mangyari muli. Ano ang sagot ng kasaysayan kamakailan? Ang kasaysayan ng mga kalupitan, lansakang pagpatay, mga pagpapahirap, death squads, at mga taong “naglaho” at “iniligpit” sapol noong 1945 sa iba’t ibang bansa ay patotoo na ang kaisipang nagbibigay-matuwid sa mga concentration camp ay buháy pa at aktibo.

At sa mga nakaligtas​—mga anak, kamag-anak, at mga kaibigan ng mga namatay​—ang makasaysayang katotohanan ay mahalaga. Ang kasaysayan ay batay sa aktuwal na mga pangyayari at tunay na mga tao. Mahalaga ba kung baga si Jesus ay isang alamat? O kung baga si Napoleon o si Muhammad, ang propeta ng mga Islam, ay tunay o gawa-gawa lamang? Mangyari pa ito ay mahalaga. Ang landas ng kasaysayan ay binago ng mga taong ito.

Sa gayundin paraan, ang Holocaust marahil ang pinakamatinding dagok sa paghahambog ng sibilisadong tao sa buong kasaysayan. Gaya ng pagkakasabi rito ni Primo Levi: “Kailanman ay hindi pa nagkaroon ng napakaraming buhay na kinitil sa napakaikling panahon, at taglay ang malinaw na kombinasyon ng teknolohikal na katalinuhan, pagkapanatiko, at kalupitan.”

Ngunit may mga nag-aalinlangan na ito nga ay nangyari. Kinukuwestiyon nila kung baga ang Holocaust ay isang makasaysayang bagay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share